Kabanata 12

197 20 0
                                    





Xandrus’ POV









Maingay.

Iyan ang naririnig ko ngayon dito sa loob ng Dining Hall sapagkat hapunan ngayon, pero sa gitna ng ingay na ‘yon ay ang katamikan sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko sa mesa.  Kanina ko pa sinubukang magsalita sa kanila pero parang ang sama ng tingin nila sa akin, lalo na si Leia. Gusto ko lang kasi matanong kung nasaan si Jai at kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating. Ilang oras na lang, magsisimula na kaming kumain.

Hindi na ako makatiis pa kaya nagdesisyon akong lisanin ang Dining Hall at lumabas upang puntahan si Jai. Ayaw kong kumain hanggang hindi ko nakikita siya.

Tumakbo ako papunta sa dormitoryo kung saan sumalubong sa akin ang walang katao-taong mga pasilyo. Dumiretso ako sa Kanlurang pasilyo, hindi alintana kung hinihingal ako. Nakarating ako sa mga silid namin at tumayo sa harap ng silid ni Jai. Nagbitaw muna ako ng malalim na hinga saka kumatok sa pinto. “Jai, maghahapunan na.”

Walang sumasagot mula sa loob kaya sinubukan kong ipihit ang pinto pero naka-lock.  Nahampas ko na lang ang palad ko saka isinandal ang sarili ko. Napasapo ako sa sentido ko saka napaupo sa sahig. Ano ba ‘tong nagawa ko kay Jai?

Gusto kong isalba ang relasyon namin pero parang ayaw makiayon sa akin ang tadhana. F*ck.

Katapat lang ng silid ko ang silid niya, pero hindi ko magawang makapag-ayos sa kanya. Eh kasi naman, pati sarili kong mga kaibigan ay humahadlang na sa akin na lumapit sa kanya. Hindi ko kayang papalipasin ang isang linggo nang hindi magawang makausap siya.

Naagaw naman ang atensyon ko nang may narinig akong ingay sa isang kanto sa dulo ng pasilyo. “Sino ‘yan?”

Pinakiramdaman ko ang paligid kung may tao nga sa dito. Sunod-sunod na mga yapak ang narinig ko pa kaya agad akong tumakbo patungo sa pinanggalingan ng ingay. Nang makarating ako sa dulo ng pasilyo ay may nakita akong pamilyar na tao na nagmamadaling pumasok sa isang silid. Andito lang pala ang kanina ko pa hinahanap, pero nagtataka naman ako kung bakit andito siya. “J-Jai?”

Akala ko magkakaroon na ako ng pagkakataon na makausap siya pero biglang sumulpot sa harap ko ang isang pamilyar na tao na hindi ko aakalaing makita ko pa ulit. Hindi na ako nakaiwas nang hinawakan niya ang noo at nagliwanag ang paligid. Sa liwanag nito ay parang wala akong makitang ni kahit anong bagay dahil purong puti lang ang nakikita ko.

Parang kumirot ang sentido saglit at pagkatapos no’n ay humupa ang liwanag. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa isang pasilyo na hindi pamilyar sa akin. Tinignan ko ang mga bilang ng mga silid dito. Ito pala ang iba pang mga silid dito sa Kanlurang pasilyo. Hindi ko naman matandaan kung bakit ako napadpad dito. Sinusubukan ko pero kumikirot lang ang sentido ko ulit.

Nagtataka naman ako dahil sobrang tahimik ng dormitoryo kaya tinignan ko ang relo ko. Nagulat ako nang malaman na magkakalahating oras na pala akong late para sa hapunan. Kaya nagmadali akong tumakbo palabas ng dormitoryo. Lagot ako nito.









Pagkatapos ng hapunan ay nagsipagbalikan na kami sa dormitoryo. Pinagalitan pa ako kanina pagdating ko dito pero gumawa na lang ako ng dahilan at sinabing sumakit ang tyan ko kaya na-late ako. Buti naman ay napaniwala ko sila.

Napansin ko namang malamig pa rin ang pakikitungo ng tatlo sa akin, at napansin ko ring hindi nila kasama si Jai. Pagdating ko dito kanina ay wala siya sa tabi nila. Magtatanong na sana ako pero parang ayaw yata nila ako kausapin.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon