Kabanata 7

269 21 0
                                    

Xandrus’ POV



Lagpas dalawang oras na simula maghatinggabi pero heto pa rin ako, ginagambala ng sarili kong isip kaya gising pa rin ang diwa ko hanggang ngayon.

Ewan. Parang kasing may kutob akong may hinding magandang nangyayari pero hindi ko matukoy kung ano ‘yun.

Makikitulog kaya ako kay Jai ngayon?

Bumangon ako at kumuha ng isang unan sa kama saka dumiretso sa pintuan. Dahan-dahang kong pinihit ang pinto at sinilip ang madilim na hallway. Tahimik naman, syempre, madaling araw na. Tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay-liwanag dito.

Lalapit na sana ako kaso baka tulog na siya.

Baka sipa lang aabutin ko sa pintuan niya.

Umatras ako pabalik sa pinto ko nang may nahagip ang paningin ko sa dulo ng hallway. Nilingon ko ulit ang dulo ngunit wala na akong makita, ngunit hindi ako nagdalawang-isip na puntahan iyon.

Binilisan ko ang paglalakad ko ngunit agad akong napahinto nang may marinig akong magyapak sa hagdanan.

Sino naman ang gising dito sa dorm bukod sa akin?

Dinadahan-dahan ko ang paglapit upang hindi ako marinig ng sinumang tumatakbo paalis sa hagdanan. Naramdaman kong unti-unti nang dumaloy ang init sa katawan ko, senyales na aktibo ang kapangyarihan ko.

Nakarating ako sa dulo ngunit wala akong naaninag na anuman. Wala rin akong nakitang paakyat o pababa sa hagdanan. Siguro ginugulo lang ako ng imahinasyon k—

Bigla na lang may naglapat ng daliri sa noo ko saka ko naramdamang bumagsak na ang katawan ko sa malamig na sahig.









“Jusme, anong nangyari sa kanya?”

“Lasing ba siya?”

“Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa.”

Nagising ako sa ingay na parang bubuyog na nagchichismisan sa paligid ko. Pagdilat ko ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha na nakatingin sa akin. Agad akong napabalikwas at nakita ko ang sarili kong napapaligiran na pala ng mga kapwa ko estudyante habang nakatulog sa hallway.

Nakaharang pa talaga ako sa daan.

Tumayo ako at napatikhim na lang na parang bang walang nangyari sa akin, saka sila nagsipag-alisan sa paligid ko. Dali-dali akong bumalik sa silid ko at napasapo na lang pagkatapos kong maisara ang pintuan.

Anong nangyari? Bakit nakatulog ako sa hallway?

Sa pagkakaalala ko, lumabas ako sa silid para makitulog sana kay Jai tapos bigla na lang nawala ang malay ko.

Pagtingin ko sa orasan ay alas 5 na ng umaga. Pucha, wala akong maayos na tulog ngayon, kaya bumalik muna ako saglit sa kama ko at binagsak ang sarili sa kutson. Iidlip lang ako ng saglit.




Nagising ulit ang diwa ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko.

“Pasok,” tamad kong sabi saka bumukas ang pinto.

“Napaaga ata ang gising mo, Ginoong Pascua,” rinig kong boses ni Dad kaya napabalikwas ako sa higaan.

“Dad—“

Tinignan ko ang orasan at nakita kong mag-aalas dose na ng tanghali. Pucha, ang klase ko.

“Jedrick Alexandrus Pascua, to my office now,” Dad said and shut the door.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon