Jai’s POV
Isang masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin sa burol kung saan nakahimlay ang labi ni Ryubi. Kasama ko ngayon ang kambal, si Leia at si Philip. Bago kasi ako pupunta ng Serentos, gusto ko munang kasama sila. Bukod pa dyan, alam kong medyo pagod rin sila sa mga gawain namin bilang mga estudyante, kaya dinala ko na sila dito para magkaroon muna sila ng kapayapaan kahit sandali lang.
“Maganda nga rito, Jai. Buti na lang, nagdesisyon ka nang ipakita sa amin ang lugar na ‘to,” sabi ni Raphael.
Kami lang kasi ni Xandrus ang nakapunta pa rito at kami rin lang ang naglibing sa labi ni Ryubi kaya hindi pa nila ito natutunton.
“Sa’n pala si Xandrus? Ba’t hindi siya sumama sa atin?” tanong naman ni Ella.
“May pagsasanay pa daw sila ngayon. Yung pangkat nila yung inatasan ngayong araw kaya hindi na raw siya makakasunod dito,” sagot naman ng kambal niya.
Lumapit ako sa lugar kung saan nakalibing si Ryubi. Dala ko ngayon ang paborito niyang pagkain. Umupo sa tapat ng libing niya.
“Kamusta, Ryubi? Nananabik ulit ako sa’yo,” sambit ko.
Buong araw kaming nanatili dito sa burol. Dito na kami nananghalian dahil nagdala sila ng makakain namin. Nagkaroon ulit kami ng masasayang kwentuhan at kung ano-ano na lang ang napag-usapan namin hanggang dumating sa puntong napapahiga na ako sa damuhan dahil sa sakit ng tyan ko kakatawa.
Ngunit sa kabila ng tuwang nararamdaman ko, tila nakaramdam ako na may parang kulang sa amin.
Bumalik sa aking isip ang mga masasayang alaalang kumpleto pa ang grupo namin. Puro tawanan, panglalait, pang-iinis, iyakan.
Saka ko naalala si Miya.
Nakaharap kami ngayon sa araw na ilang oras na ay lulubog mula sa kulay kahel na kalangitan.
“Kamusta na kaya si Miya?” tanong na hindi ko inaasahang masasambit ko.
Tila wala akong makuhang sagot mula sa kanila, kahit na malakas na iyon upang marinig nila. Isang sandaling katahimikan muna ang pumagitna sa amin, hanggang ako lang din mismo ang nagputol nito.
“Sana dumating yung araw na ganito lang tayong magkakaibigan. Nakatingin lamang sa paglubog ng araw nang magkakasama at kumpleto tayong anim, kasama si Miya.”
Pagkatapos ng isang masayang araw ay nagdesisyon na kaming bumalik sa Academia. Bukas ng umaga na kami aalis ni Philip, kaya kailangan na rin namin ihanda ang aming mga sarili at ang mga gamit namin sa paglisan.
Papasok na sana kami ng dormitoryo nang sumulpot na parang kabute ang mga mukhang parang kabute ng grupo ni Merdelia. Nanghahasik na naman ng kadiliman ang babaitang ito.
“Magandang hapon sa inyong lahat,” bati niya sa amin na may pekeng ngiti.
Nakita ko namang ang talim ng tingin ni Leia sa kanya kaya tinapik ko siya para pakalmahin. “Mauna na muna kayo. Kakausapin ko muna sila,” bilin ko sa kanila.
Nagdadalawang-isip pa silang iwan ako ngunit sa huli ay nakumbinse ko naman sila.
Nang tuluyan na silang nakapasok sa dormitoryo ay saka ko naman hinarap ulit ang mga kabute— este sila Merdelia. “Oh, ano na naman ang kailangan niyo sa akin?”
“Well, gusto ko lang sabihin sa’yo na ang chaka mo, ang lampa mo, ang pangit mo, at hindi ka karapat-dapat na maging—”
Hindi ko na pinatapos pa si Merdelia nang umalis na ako sa harap nila. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Kung plano nga niya talagang ipagkalat na Hari ako, sino naman ang maniniwala sa kanya? Tsaka isa pa, hinding-hindi naman ako manunungkulan bilang Hari dahil hindi ko taglay ang katangian ng isang tunay na tagapagmana ng trono ng Silangan Serentos.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...