Kabanata 69

81 4 0
                                    





Xandrus' POV









Napadpad kami sa lupain ng Indusia, at susunod kami sa grupo nina Raphael at Ella na naghahanap ngayon sa isang nagngangalang Ravha Bru-il. Siya ang may hawak sa ikaapat na alahas. Hindi pwedeng maunahan pa kami ngayon, gayong kasama pa nila si Chonsela.

Mula noong nakilala namin siya sa Academia, hindi naman siya kaduda-duda, tahimik nga lang. Pero, nang makita ko siya kasama ang mga Siquestro, hindi ko talaga alam anong rason para sumama siya sa kanya. Siguro, katulad ng ginawa ni Miya noon, nakipagsabwatan siya para matupad ang kagustuhan niya. Ano naman ang gusto niya at kailangan pang pumanig pa siya sa kalaban?

Hindi rin kami sigurado sa taglay niyang kapangyarihan. May kutob ako pero sana mali rin ang iniisip ko.

Narating namin ang dulo ng mabuhanging lugar at natanaw namin ang isang malaking bayan sa ibaba. Nagpadausdos kami pababa hanggang sa nakarating sa entrada ng bayan. Marami-rami ring kabahayan at mga taong naninirahan dito. Medyo mainit ang temperatura dito kaya balot na balot sa kasuotan ang mga taong nakakasalubong namin dito.

Ininda namin ang init at sinundan si Philip, hanggang sa nakarinig kami ng kaguluhan sa kabilang parte ng bayan. Hindi na kami nag-atubiling pumunta roon dahil paniguradong grupo nina Ella iyon. Nang madatnan namin ang lugar ng pinangyarihan ay nasaksihan namin ang paghaharap nina Raphael at ng mga Siquestro.

Agad na kaming tumulong sa kanila. Nagulat naman sila sa presensya namin. "Ba't kayo naparito? Nakuha nyo na ba ang isa sa mga Alahas?" bungad sa amin ni Ella.

"Sa kasamaang palad, naunahan nila kami," tugon ko sa kanya.

"Nasaan si Ravha Bru-il?"

"Nasa loob ng niyan, ngunit ayaw kaming papasukin ng awtoridad. Sa kasamaang palad rin, naabutan rin kami ng mga Siquestro," sabi niya sabay turo sa Palasyong nasa likuran lang namin.

Nakaabang ang libo-libong sundalo sa entrada at mukhang imposibleng makapasok kami ng buhay sa teritoryo nito.

"Kami na bahala sa kanila. Kayo ni Raphael lang ang kayang pumasok sa loob," sabi ko sa kanila at kami ang pumalit sa pakikiglaban sa mga Siquestro.

"Leia, hanapin nyo si Chonsela. Baka nasa paligid lang siya. Philip, ang alahas. Bawiin nyo ang alahas at si Chonsela mula sa kanila," sabi ko nina Philip at umalis na rin sila.

Ang mga Siquestong kaharap namin ngayon ay mga nakaharap rin namin sa Cumaoan. Hinahanap rin nila ang isa pang alahas na nasa kamay ni Ravha. Hindi ko na hahayaang manakaw ulit nila ang huling alahas.

Ikinatataka ko kung bakit nalaman nilang magtutungo kami sa Cumaoan at dito sa Kaharian ng Ganadhi. Sa kay raming lugar sa Titania, bakit pa nagkatagpo ang mga landas namin?

At ano ang silbi ni Chonsela sa kanilang panig?

Pilit kong intindihin ang lahat ngunit isa lang naiisip ko kung bakit nangyayari 'to—posibleng may espiya sa panig namin. Tila parang nawawalan na ako ng tiwala sa mga kasama ko ngayon. Hindi ko agad matukoy kung sino sa kanila ang may koneksyon sa mga Siquestro.

Paniguradong hindi ang mga kaibigan ko. Yung mga kasama namin na pumanig sa Kaharian namin? Posible ring sila.

Pero kung walang espiya sa aming panig, may kinalaman si Chonsela rito. 'Di kaya may taglay siyang kapangyarihan na makita ang mga susunod na mangyayari?

Siguro nga.

Yan lamang naiisip ko kung si Chonsela nga may pakana ng lahat na ito.

Hindi na namin na kayanan ang puwersa ng mga Siquestro at tuluyan silang nakapasok sa teritoryo ng Palasyo. Ewan ko na lang ko makakarating pa sila sa Palasyo ng buhay sa dami ng mga kawal sa loob.

Bumalik sina Philip at Leia ngunit pansin ko wala silang dala kahit si Chonsela. "Wala na akong nararamdaman na presensya ni Chonsela dito sa bayan. Mukhang nakaalis na siya kasama ang ibang Siquestro pati ang Pulseras," sabi ni Philip.

"Bukod pa riyan, madiskubre pa ako," dagdag niya. "Mukhang may halagang papel si Chonsela sa kabilang grupo, dahil may kakahayan siyang makita ang hinaharap."

Kung gano'n, tama nga ang duda ko sa kanya. "Kaya pala nagtatagpo ang landas natin sa kanila. Nakita na ni Chonsela na pupunta tayo sa bayan kaya andito rin sila upang kunin ang Alahas."

Nakabalik naman sina Raphael at Ella mula sa Palasyo at wala rin silang nauwing Alahas. Kita namin ang dismaya sa kanilang mga mukha. "Walang hawak na Banal na Alahas si Ravha. Kasalukuyan nilang hinahalughog ang buong Palasyo pero nagsasabi naman siya ng totoo. May naitinapon raw siyang alahas sa dalang kamalasan at hindi niya alam kung nasaan na iyon."

Napasapo na lamang ako dahil sa nangyayari. Una, nakuha nila ang Pulseras. Ngayon, hindi rin mahagilap ang huling Alahas. Naghanap lang kami para sa wala. Tiwalang-tiwala pa naman si Jai at ang Hari sa amin pero heto, nabigo na kami.

"Kung si Chonsela na lang ang babawiin natin sa ngayon? Kalimutan muna na natin ang mga Alahas," suhestiyon ni Raphael.

"Nagpunta tayo rito upang bawiin ang mga Alahas. Yun lang ang tanging paraan para matigil natin ang mga plano nila at hindi pa malagay sa pahamak ang buhay ni Jai. Hindi tayo uuwing walang dalang Alahas," sabi ko sa kanya.

"Isipin mong mabuti, Xandrus. Si Chonsela lang—"

Hindi ko na nagawang pigilan pa ang sarili ko nang dumapo ang kamao ko sa pisngi ni Raphael.

Agad akong inawat nina Philip at Leia. "Xandrus, kumalma ka."

"Ikaw siguro espiya ng mga Siquestro no? Ba't mo nililiko ang usapan ha?!"

"Xandrus, tumigil ka. Walang kakahahantungan 'yang galit mo ngayon," pag-aawat pa ni Leia sa akin.

Kumawala ako sa pag-aawat nila sa akin. "Kung hindi niyo kayang bawiin  ang mga Alahas, pwes gagawin ko na lang ng mag-isa."

Nawawalan na ako ng tiwala sa kanila. Akala ko ba handa silang gawin ang lahat, magawa lang namin ang aming misyon.

Tinalikuran ko sila at nilisan ang mga kaibigan ko. Ewan ko kung dapat ko pa bang ituring silang mga kaibigan ko pero sa ngayon, ayaw ko muna silang harapin.

Hindi ako bibitaw sa ipinangako ko. Kung hindi namin magawang bawiin sa kanila ang mga Alahas, manganganib ang buhay ang Jai. Ayaw kong dumating sa puntong haharapin niya ulit ang lahat and isasakripisyo ang kanyang sarili para kaligtasan naming lahat.

Ayaw kong maulit ulit ang lahat noon.

Kahit ano pang mangyari, babawiin ko ang mga Alahas mula sa mga Siquestro.

Kahit buhay ko pa ang kapalit nito.

Paalis na ako nang may humablot sa braso ko at kinaladkad ako palayo sa patutunguhan ko sana.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon