Kabanata 35

119 11 0
                                    





Jai's POV









Sa isang iglap ay dumapo ang kanyang labi sa akin. Kay lambot ng kanyang labi, na siyang nagparamdam sa akin ng mainit sa sensasyon na unti-unting kumakalat sa sistema ko. Tila huminto saglit ang mundo ko sa oras na iyon.

Napapikit na lamang ako at nagpadala sa agos ng aking nararamdaman sa kanyang paghalik sa akin. Sa aming paggalaw ng aming mga labi ay biglang nasagi sa isip ko ang imahe ni Xandrus.

Itinulak ko si Lino, saka ako nagbalik sa aking ulirat. Mali 'to.

Maling-mali ito.

"Pasensya ka na, nadala lamang ako sa pagkakahumaling ko sa iyo," sabi niya ngunit hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Wala na tayong oras. Kailangan na nating kunin ang mga bata," sabi niya ulit.

"Tutulungan mo kami?"

Isang pagtango ang nakuha ko sa kanya, ngunit nag-aalinlangan ako sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit. "Pangako, itatakas ko kayo."

Sa oras na iyon, isinantabi ko muna ang pag-aalinlangan ko saka kami lumabas sa pasilyo. Nadatnan naming walang tao kaya dumiretso na kami sa dulo ng pasilyo.

Binuksan ko ang pinto at natagpuan kong mahimbing na natutulog ang mga bata. Dahan-dahan ko silang nilapitan at ginising nang marahan. "Mga bata, gising, tatakas tayo."

Nagsipaggising na naman sila at agad kong pinatahimik nang napasinghap sila sa muling pagkikita namin.

"Lino, patalim," sabi ko sa kanya at inabutan niya ako ng patalim, saka ko ginamit pangputol sa mga gapos ng mga bata.

Pagkatapos no'n ay lumabas na kami sa silid. Tahimik pa rin ang mga pasilyo kaya dumiretso na kami sa hagdanan upang umakyat. May nararamdaman akong masamang kutob ngunit nagpatuloy lamang kami.

Sa pintuan, pinalabas ko muna si Lino saka ako sumunod at ang mga bata sa likuran ko.

Tahimik rin nang madatnan namin ang itaas ng barko. Tanging madilim na kalangitan lamang ang bumungad sa amin sa labas.

"Pinapunta ko ang lahat ng kasamahan ko sa bihag upang may oras pa kayong makatakas," sabi ni Lino.

Sa sinabi niya, nasagi sa isip ko sina Arejo at Miguel.

"Hindi pwede. Mga bihag ay isasama ko rin sa pagtakas," sabi ko saka ako nakarinig ng sunod-sunod na hiyawan mula sa kabilabg pintuan.

"Magmadali na kayo, bago pa umakyat ang mga pirata at mahuli kayo."

Lumapit kami sa isang bangka sa gilid at pinasakay ko ang mga bata doon.

"Magtatago muna kayo dito. Wag kayong gagawa ng ingay ano mang mangyare. Babalikan namin kayo," sabi ko sa kanila saka ko tinakpan ang bangka ng tela.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi ni Lino at bigla na lang niya ako binuhat at sinakay sa bangka.

"Ano ba! Ililigtas ko pa ang bihag!"

Sinubukan kong umakyat at bumalik sa barko ngunit pinigilan ako ni Lino. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

"Ika'y mananatili sa aking puso't isipan, Sakkaib."

Sa isang iglap ay sabay-sabay niyang pinutol ang lubid na nakatali sa bangka. Bumaba ang sinasakyan naming bangka hanggang sa marating nito ang karagatan.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon