Kabanata 66

103 8 0
                                    





Jai's POV










"Jai."

Isang pagbanggit sa aking pangalan mula kay Philip ay nagpabalik sa aking ulirat. Kay tagal ko pa lang nakatitig sa marka sa kamay ni Ama, hindi ko namalayan. Paglingon ko ay nakita ko ang pag-aalinlangan na mababakas sa kanyang mukha. "May nangyayari ba?"

Bago pa man makapagsalita si Philip ay nagpaagaw sa aking atensyon ang biglang pagsulpot ng mga aninong tumagos sa pintuan. "Bumalik na tayo bago pa tayo nila kunin."

"Masyado pang maaga, Philip. Hindi pa sapat ang nakuha nating impormasyon—"

Nagulat naman ako ng isang anino ulit ang sumulpot malapit lamang sa aking gilid. "Wag na wag mo silang hahawakan o 'di na tayo makakabalik pa sa kasalukuyan," paalala ni Philip at umaatras kami palayo sa mga anino.

"Regresa!"

Muli kong pinagmasdan ang aking Ama sa kanyang upuan bago tuluyan akong nakaramdam ng parang humihihop na pwersa hanggang sa ilang minuto ang nagdaan, isang madilim na paligid ang aking nakita. Sa aking pagdilat ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Xandrus. Parang akong nabingi ng ilang segundo bago ko narinig ang boses niya.

"Jai, buti nagising ka na."

Nakaramdam pa ako ng pagkahilo at pagkirot ng sentido ko sa aking pagbangon. Pati si Philip, gising na rin. Kinamusta muna nila ang kalagayan ko bago naming nagpasyahang bumalik sa silid kung saan kami nagpulong kanina. Nandoon pa rin ang panauhin ng Hari, at mukhang kanina pa ata nila kami inaantay nila.

"Kamahalan, nagawa naming makabalik sa nakaraan kahit sa madaling saglit lamang," agad na paalam ni Philip.

Lumapit siya sa isang salamin at nilapat ang dalawang palad rito saka nagliwanag ito. Sa salamin ay may imaheng mismong nakita nami kanina sa pagbabalik-nakaraan namin. Pinakita niya ang mga alahas ni Ama at ang dalawang kwintas na tinago niya. Nang nasagi ng paningin ko ang papel, agad kong itinuro iyon. "Sa papel na iyan, may nakasulat na Ravha Bru-il at Guandres Hagor habang may marka sa isang lugar sa Faran at Indusia ang katabi nitong mapa. Posibleng nasa kamay ng mga may-ari ng pangalan ang dalawa pang alahas na hindi na nagawang kunin pa ni Ama sa kanyang kapanahunan pa."

"Wala na tayong oras. Kailangan pa ba natin silang hanapin pa bago pa natin magawang pigilan ang paghahasik nila ng kadiliman? Nasa panganib na ang aming bayan!" biglang usal ng panauhin.

"Mahigit 20 taon na ang nakalipas, walang kasiguraduhan kung nasa mga lugar pa sila na nakita nyo sa mapa."

"Ako ang hahanap," pagboboluntaryo ko.

"Ginoo, ikaw ang tagahawak ng isa sa mga Alahas. Masyadong delikado kung maglalakbay ka at baka makuha nila sa inyo ang Kwintas mo."

Isang kamay ang itinaas sa gitna ng diskusyon at nakita kong kay Xandrus iyon. "Ako ang hahanap."

"Xandru—"

"Buo na ang desisyon ko."

Agad ko siyang nilapitan at hinatak palayo sa mesa ng mga panauhin. "Xandrus, ano ginagawa mo?"

"Haring Leo," tawag niya sa aking pinsan at iniwasan lamang ako. Sa isang pagtango lamang niya ay isang pagtataka ang nabuo sa aking isipan.

Pati si Leia, pansin kong bihis rin. "Tutulong rin ako sa paghahanap."

"Pwes, sasama rin ako."

"Hindi pwede, Jai."

"Bakit?"

Isang palad ang dumapo sa aking balikat na pagmamay-ari ni Haring Leo. "Jai, napag-usapan na namin kanina ang tungkol rito habang tulog kayo ni Philip," wika niya.

"Manatili ka lang kasama sila Raphael. Masyadong mapanganib kung lalabas ka kasama kami. Habol pa rin nila ang kwintas mo."

"Mas mapanganib kung lalabas ka, Xandrus. Wala kang taglay na kapangyarihan ngayon. Muntik ka nang mapaslang ni Ransé. Ayaw kong maulit sa'yo ang nangyari kay Bela."

Niyakap niya ako at sinundan ng halik sa aking noo. "Mag-iingat ako. Kung ito lamang ang paraan upang hindi ka nila tatantanan, gagawin ko ang lahat, 'wag ka lang nila sasaktan."

"Ngunit, Xandrus—"

"Xandrus, kailangan nyo nang umalis."

Bumitaw siya sa yakap at umaatras palayo sa akin. "Babalik ako. Tatandaan mong mahal na mahal kita."

Isang ngiti ang aking nasilayan mula sa kanyang labi bago sila tuluyan tumalikod sa akin at lumabas sa pinto ng silid. Nakita ko pang inakbayan pa siya ng lalaking panauhin na nagboluntaryo ring sumama sa kanya, ngunit ayaw ko munang makaramdam ng selos sa gitna ng seryosong kaguluhan na kinakaharap namin.

Sobrang pangamba ang nararamdam ko para kay Xandrus, ngunit may tiwala ako sa kanya. Ipagdadasal ko ang kanyang kaligtasan, at sana'y hindi sila matunton ng grupo ni Ransé.

"Kamahalan, bumalik ulit sila," isang ulat ang ibinalita ng isang kakarating na kawal sa Hari.

"Jai," pagtawag niya sa akin. "Kailangan nyo nang lumikas. Masyado nang mapananib kung mananatili kayo rito sa Palasyo."

"Lilikas? Kamahalan, tutulong po ako sa paghahanap ng alahas. Magiging walang saysay ang pagkakaroon ko ng lakas kung hindi nyo ako hahayaang pigilan ang mga Siquestro sa kanilang mga binabalak," pagtutol ko.

"Sana naman maintindihan mong para sa kaligtasan mo ang lahat na ginagawa namin."

"Kamahalan, pa'no ang kaligtasan ko kung lahat na nasa mga bayan nila nanganganib? Ilalaan nyo na lang ba ang lahat na depensa para maprotektahan ako?"

Mababakas sa mukha ni Haring Leo na naguguluhan na rin siya sa sitwasyon namin. Kahit na sobrang higpit niya sa akin sa panahong ito, hindi ko ipagkakailang ipinagmamalaki ko siya dahil sa pagiging Hari niya. Gayunpaman, ayaw ko ring gugugulin niya lahat ng lakas upang mailayo lang ako sa mga Siquestro.

"Kamahalan, pasensya sa mga nasabi ko, ngunit hindi pa rin magbabago ang isip ko. Hangga't nasa akin pa rin ang Kwintas, gagamitin ko ang aking kapangyarihan upang mapigilan ang paghahasik nila ng kasamaan sa lupain ng Titania."

Sa gitna ng aming pag-uusap ay isang malakas na ingay at liwanag ang nagpagulat sa amin at isang pagyanig ang bahagya naming naramdaman. Hindi ko aakalaing magiging ganito kalakas ang isang Ransé, na alam kong nangangalit na sa amin, ngunit higit pa sa kanyang galit ang bumubuo sa aking kalooban nang maalala ko ang ginawa niya kay Bela.

"Kumilos na tayo!"

Lumabas na ako sa silid at sinamahan ang mga kawal na bumaba sa Palasyo. Sumunod sa akin ang mga kaibigan ko. Sa nadaanan naming bintana ay nasisilip kong nagkakaroon ulit ng kaguluhan sa labas. Hindi talaga kami tatantanan ng Sadhakang 'to.

Nang makarating kami sa labas, isang kidlat mula sa kalangitan ang tumama sa harap namin na hindi na namin nagawang iwasan at napadapa kami sa lupa sa lakas ng tama nito. Agad akong bumangon at sumugod sa may pakana sa kidlat na iyon.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon