Jai's POV
Parang lamang akong nanalamin sa aking nakikita.
May itatanong sana ako sa kanya nang bigla niya akong tinulak upang makadaan siya at kumaripas ng takbo paalis. Isang grupo naman ng tumaktakbo patungo sa gawi ko.
Itinaas ko na lang muna ang talukbong ko bago ako lagpasan ng mga lalaking kay laki ng mga katawan at mukhang hinahabol ata ang nakabunggo ko kanina.
"AYUN SIYA!" malakas na sigaw ng isa sa kanila saka nagpatuloy sa pagtakbo.
Pasimple ko naman silang sinundan patungo sa isang eskinita hanggang sa narating ko ang dulo at natatanaw ko ang mga lalaki na may pinapalibutan na isang tao sa daungan.
Nang nasa malapitan na ako, unti-unting lumilinaw ang pandinig ko saka ko narinig ang kanilang pag-uusap.
"Ibalik mo sa amin ang ninakaw mong mga alahas kung ayaw mong parusahan ka ulit sa ginawa mo!"
"Huh, natatawa lamang ako sa pananakot mo sa 'kin, taba."
Pinagmamasdan ko lamang sila nang biglang iniangat ng kamukha ko ang kamay niya at kasabat no'n ay ang pag-angat ng tubig sa likuran na parang anyong ahas.
May kapangyarihan rin siya tulad ko.
"Kita na lang tayo sa susunod!" sabi niya saka lumusob ang tubig patungo sa tatlong lalaking humahabol sa kanya.
Parang naligo lamang ang tatlo kaya bahagya akong natawa sa kahihinatnan nila. Galit silang pinagmamasdan ang lalaking na nakasakay na pala sa bangka.
"Anong tinatago-tago mo 'jan, bata?!"
Huli na nang nasa likuran ko na pala ang tatlong basang mga lalaki. Nakita nila akong nagtatago sa isang bariles.
"Nakikichismis lang," sabi ko sabay takbo ngunit hinawakan ng isa ang talukbong ng manto ko na pumigil sa aking tumakas.
"Bitawan mo 'ko, panget!" sabi ko habang sinusubukan kong bawiin ang talukbong ko mula sa kanya.
"Aba, tinawag pa akong panget ha!" inis niyang sabi at inilabas ang isang patalim at itinutok sa akin.
May bigla namang naglabas ng patalim sa tabi ko at itinutok sa may hawak ng talukbong ko. "Binitawan nyo siya."
Paglingon ko ay pagmamay-ari pala iyon ni Chen. Binitawan naman ako ng panget ngunit nagulat ng ngumiti ang isa sa kanila nang makita si Chen. "Bumalik ka na pala, Chen-chen."
"Hindi ako naririto upang magbalik-loob sa inyo," maawtoridad na tugon ni Chen.
Sinubukan naman niya akong hawakan upang umalis ngunit iniwasan ko lamang siya. "Wag mo 'kong hawakan."
Sinamaan ko siya ng tingin saka umalis sa harap nila. Una, may marka siya tulad ng mga Siquestro. Ngayon, kilala siya ng mga panget na iyon. Mas mabuti pa't ilalayo ko ang sarili ko mula sa kanya.
"Itatakwil mo na lang ba ako pagkatapos ng pinagsamahan nati—"
"Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin. Utang ko ang buhay sa inyo ni Lola Saia at Ekai pero sa takot kong ibabalik moa lang ulit ako sa mga Siquestro o pirata, pwes lubayan mo na ako," sabi ko.
"Unang-una sa lahat, wala akong planong ibalik ka sa mga pirata. Ba't mo kasi naisip iyon?"
"Sa leeg mo, may marka tulad ng mga Siquestrong dumakip sa akin."
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...