Jai’s POV
“Good morning,” rinig kong bati ni Guro Luisa sa agad na pagpasok niya kaya natataranta kaming magsipag-upuan sa mga silya namin, maliban kay Philip na nasa harapan lang at hinarap si Guro. Halos nakalimutan kong unang asignatura pala namin ay Ingles.
“Good morning, Guro,” bati naming lahat.
“Ikaw nga siguro ang bagong estudyante kung hindi ako nagkakamali,” sabi ni Guro kay Philip na ikinatango niya bilang tugon.
“Opo, Guro, ako nga po ‘yon,” magalang niyang sabi.
“Maaari mo nang ipakilala sa amin ang iyong sarili.”
Humarap sa amin si Philip at ngumiti muna bago magsalita. “Magandang umaga sa lahat. Ako si Philip Estavidades, mula sa isang angkang nakatira sa Timog-Kanlurang Serentos. Inilipat ako dito sa Academia de Pecularia dahil sa angking kakayahan ko na huli ko ng nadiskubre habang nag-aaral ako isang eksklusibong paaralan sa lugar namin. Nawa’y magkaroon ako ng magandang pakikitungo sa inyong lahat.”
Dahil sa pagpapakikilala niya ay nagkaroon ng ingay sa silid, lalo na ang mahaharot kong mga babaeng kaklase na paniguradong kinikilig na kay Philip. Mayroon pa ngang tumapik sa akin kaya napalingon ako sa tabi ko.
“Uy, Jairovski, hindi mo naman sinabi na may mala-prinsipe ka palang kaibigan,” sabi ni Justinia na isa sa mga tinutukoy kong mahaharot sa klase.
“Ahh, gano’n ba? Haha, ngayon ko lang ‘yan nakilala,” pagsisinungaling ko pero tinawanan pa ako niya.
“Naku, ‘wag mo nang itanggi pa! Kita naming medyo malapit kayo simula no’ng agahan,” sabi niya na ikinangiti ko na lang. Hindi ko na alam anong itutugon ngunit buti na lang nagsalita si Guro na siyang ikinatahimik ng lahat.
“Tahimik. May bago kayong kaklase kaya matuto kayong gumalang,” wika niya sa amin. “Estavidades, maaari ka nang umupo doon sa bakanteng silya sa likuran.”
Agad namang sinunod ni Philip ang sinabi ni Guro at nagtungo siya sa likuran kung saan may muntik nang inamag na silya. Kawawa naman nito, sa likuran pa talaga pinaupo. Pasimple na lang ako napatawa saka ibinalik ang atensyon kay Guro na magsisimula na sa bagong aralin ngayong araw. Itong si Leia naman ay tahimik lang sa tabi ko kaya marahan ko siyang siniko.
“Uy, ang tahimik mo. Anyare?” mahina kong sabi saka siya lumingon sa akin. Hindi siya sumagot pero nakita kong may isinusulat siya sa kwaderno niya saka niya ipinabasa sa akin ang nakasulat.
Tinatanong kase ako ni Raphael kanina kung may plano pa ba akong sagutin siya.
Eto naguguluhan ako ngayon.
Kinuha ko ang pansulat ko at nagsulat sa kwaderno niya, saka niya binasa. Nakita kong napangiti siya kahit paano. Hindi lang pala ako nag-iisang namomroblema sa buhay pag-ibig. Pati rin pala ‘tong si Leia.
•••
“Saya naman pala dito. Hindi nakakabagot ang mga asignaturang itinuturo dito,” wika ni Philip paglabas namin sa silid-aralan. Nagawa pa niyang mag-unat ng katawan at narinig kong nagsipagtilian ang mga babae sa likuran namin.
“Umayos ka nga dyan! Andito ka para mag-aral, hindi para pakiligin yung mga kaklase natin,” sabi ko pa siya sa kanya ngunit tumaas lang noo niya.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...