Kabanata 64

106 7 0
                                    





Jai's POV










Nakahimlay sa mapayapang kama ang katawan ni Bela. Hindi namin inakalang hahantong sa ganito ang kahihinatnan ng kasama namin. Hindi pa rin napapawi ang ngiti niya sa labi simula noong oras na niligtas niya si Xandrus at isinangga ang sarili sa bubulusok na kidlat ni Ransé.

Akala ko mamawala na sa akin si Xandrus sa oras na nasaksihan ko ang nakakamatay na kapangyarihang taglay ni Ransé, ngunit hindi ko rin ginustong mawala ang isa sa amin. Sobrang ikli lamang ng panahon na nakasama namin siya. Ang sakit-sakit isiping dahil sa akin, nalagasan ang aming grupo, pati ang mga kawal ng Palasyo.

"Kasalanan ko ang lahat na ito," bulong ko sana sa sarili ngunit napalakas ang pagkakasabi ko kaya narinig ng mga kasama ko iyon.

Pinagmasdan ko ulit ang kwintas kong kumislap dahil sa likido nito. Sana na lang, sinuko ko lamang iyon kung ganito pala ang kapalit ng paglaban namin sa mga Siquestro, lalo na kay Ransé.

Hindi man siya naging mabait sa amin sa kanyang nakaraan, handa ko namang siyang patawarin eh ngunit hindi sa ganitong paraan na kailangan pang mawala sa siya sa amin. Ang sakit. Ginawa na namin ang lahat upang iligtas siya ngunit sa lakas ng pwersa ng pinakawalan ni Ransé ay nawasak nito ang kanyang puso at kay raming dugo ang nawala sa kanya. Tuluyan na niya kaming iniwan sa mundong 'to.

"Natutulog na siya nang mahimbing," sabi ni Philip habang tinatahan ako dahil kanina pa ako walang tigil na umiiyak.

"Sisiguraduhin nating pagbabayarin natin sila sa ginawa nila kay Bela. 'Wag mo nang sisihin ulit ang sarili mo, mas lalo lang magtatampo si Bela sa iyo kapag magmukmok ka."

Hindi ko rin mahagilap si Xandrus ngayon. Siguro pareho lang ang nararamdaman namin ngayon. Alam kong sinisisi rin niya ang kanyang sarili sa nangyari. Umalis muna ako at hinanap saglit si Xandrus hanggang sa natunton ko siya sa tinataas na parte ng Palasyo. Nakasandal lamang siya sa barikada habang pinagmamasdan ang tanawin.

Isang yakap ang aking ibinigay sa kanya sa gitna ng lamig ng panahon. Ramdam ko ulit ang nagbabadyang bumagsak na mga luha mula sa makulimlim na kalangitan ngunit hindi nanatili lamang kami sa aming posisyon. "Xandrus, wala na siya."

Humarap siya sa akin, at saka ko lang namumugto niyang mga mata. Unang beses ko lamang iyon nakita sa kanya, lalo pa't ayaw na ayaw niyang ipakita sa akin na mahina siya at nakatatak sa aking isipan ang pagiging matapang niya. Nilapat pa niya ang kanyang palad sa aking pisngi habang hindi niya inilalayo ang kanyang tingin sa akin. "Pasensya ka na, mahina ako. Wala na akong silbi sa grupo."

"Wag mong isipin ya—"

"Di eh, aminin mo na, Jai. Wala na akong kapantay sa inyo. Wala na akong kapangyarihan. Ilang beses na akong iligtas ni Bela noong panahong nasa bingid ng kapamahakan ang aking buhay, at sa huling pagkakataon, muli niya akong niligtas ngunit kapalit no'n ang buhay niya."

Sinubukan niyang lumayo pagkatapos niyang sambitin ang mga salitang iyon na alam kong dumudurog sa kanyang kalooban ngunit hinarap ko siya muli. Hindi ako nag-atubiling ilapat ang kanyang labi sa kanya, na siyang hindi ko sanay gawin. Nang bumitaw siya ay nagtama ang aming mga mata at doon ko mas nakitang andoon pa rin ang dating matapang Xandrus na nakilala ko mula umpisa.

"Xandrus, makinig ka sa akin. Hindi ka mahina. Ikaw pa rin ang dating Xandrus na nakilala ko. Matapang, malakas, maliksi. May kapangyarihan ka man o wala, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa iyo, kahit kailanman. Ikaw ang tanging nagbibigay-lakas sa akin sa panahong mahina ako. Kita ko ang katapangan mo nang sinubukan mo akong iligtas mula kay Ransé. 'wag mong isisi sa sarili mo ang lahat. Kasalanan ko ang lahat na 'to, kasalanan ko," paalala ko sa kanya at hindi ko na naiwasang umiyak pa dahil sa nasambit ko.

Niyakap niya ako muli na parang bang ayaw na niya ako bitawan. Ayaw kong isipang wala siyang silbi nang dahil lang nawala sa kanya ang kapangyarihan ng Ave Fenix. "Tatandaan mong hindi ako magiging ganito ka matapang kung wala ka, Xandrus. Lagi mo 'yang tatandaan. Mahal kita."

"Mahal din kita."

Nang nakaramdam na kami ng unti-unting pagbagsak ng ulan ay bumalik na kami sa baba kung saan sila nagtipon-tipon. Sa ayaw't gusto ko, makikita ko pa rin muli si Bela na mapayapang natutulog sa kanyang kama. Sinalubong nila kami at bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot at lumbay dahil sa nangyari.

Hinimlay ang mga labi ni Bela sa libingan ng mga bayani ng Palasyo, kasabay ng mga kawal na isinakripisyo ang mga buhay kapalit ang kaligtasan ng lahat na nasa Kaharian. Iyon na ang huling oras na makikita namin si Bela. Ang mahalaga ay natutulog na siya ng mahimbing, pero ang sakit pa rin pagmasdan.

Ayaw kong maulit muli ito sa iba ko pang mga kasama lalo na kay Xandrus. Handa ko nang itaya ang aking buhay upang maprotektahan sila laban sa kasamaang dulot ni Ransé at ng mga Siquestro na gustong angkinin ang suot kong kwintas.

Nang matapos ang seremonya ay agad ulit kami pinatawag ni Haring Leo para sa isang pagpupulong. "Ikinalulungkot ko ang pagkasawi ng inyong kaibigan," panimula niya.

Sa silid ay nadatnan naming may mga paunahin pala ang Hari at nakaupo silang lahat samantalang pinagmasdan nila kami sa aming pagpasok. Nagbigay-galang kaming lahat sa kanila gayong sa tingin ko'y hindi lang sila basta na panauhin.

"Ikinagagalak naming makilala ang tagapagmana ni Prinsesa Jainia," sabi ng isang Ginoo na sa tantsa ko ay mahigit 10 taon ang tanda kay Haring Leo katulad ng mga kasama niyang panauhin.

"Tayo'y nagpulong-pulong ngayon upang magkaisa laban sa banta sa buong lupain ng Titania. Gayong mga Kaharian at mga bayan natin ay niisa-isa nang sinasalakay ng mga Siquestro, ang tawag sa grupo, sa kagustuhang masakop ito ngunit alam nating hindi nila basta-basta magagawa iyon kung wala silang taglay na malakas na kapangyarihan. Kaya, pinaghahanap nila ang Apat na Alahas na siyang tanging paraan upang maisakatupang ang masasamang plano nila," pulong mula kay Haring Leo.

"Ngunit ang tungkol sa apat na alahas ay nananatiling isang alamat lamang," pagtutol ng isang barakong panauhin.

"Isang alamat nga hanggang sa nalaman kong nasa tagapagmana ng Silangang Serentos ang isa sa mga Alahas na pinaghahanap ng mga grupo," dagdag ng Hari at silang lahat ay napatingin sa akin.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon