Eirob's POV
Mga walang kwentang kalaban. Nag-aamok pa pero lampa rin pala, tsk. Nasasayang lamang ang kapangyarihan ko sa mga mahihinang nilalang na 'to. Isama mo pa ang kapatid kong mahina na ngayon ay nagtatago na. Kelan pa ba 'yon susuko? Nauubusan na ako ng pasensya sa kanya.
"Napakabuti ng iyong ginawa, Kamahalan," papuri mula kay Ranse. "Ano ang sunod mong plano ngayon?"
"Ililigpit sila?"
"Tama, tama iyan—"
"Ngunit, ba't parang ako ang iyong inuutusan? Dapat ikaw ang magligpit sa kanila. Nasasayang lamang ang enerhiya ko sa kanila," angal ko nang mapansin ko ang asta niya.
"Hindi mo ba sila kaya? Dalawa na ang iyong kapangyarihan pero hindi mo pa ring magawang patayin ang kapatid ko."
"Iyan ba ang tingin mo sa akin, Kamahalan?" sabi niya.
"Sa palagay ko, oo. Tignan mo ang sarili mo, gusot-gusot ang itsura mo. Ang panget mo na ngang tignan," komento ko saka ko siya tinalikuran.
Magpapahinga na sana ko nang maramdaman ko na umiiba na ang ihip ng hangin kahit nasa loob pa kami ng Palasyo. Sa paglingon ko ay hindi ko namalayan na may bubulusok pa lang pwersa patungo sa akin na sinubukan kong sanggain ngunit hindi ko nagawa at tumilapon ako sa pader.
"Ang galing mong manglait, Kamahalan. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob sa dumampot sa iyo sa Isla ng Vanhua?" sabi niya at mas lumakas pa ang pwersa ng hangin mula sa kanya.
"Anong kagaguhan ito, Ranse? Pakawalan mo ako!"
"Kung tutuusin, kinuha lang kita upang mapakinabangan. Ngayon, nagbago na ang isip ko. Gusto na kitang patayin!"
Namilipit ako sa sakit ng pwersa hanggang sa gumuho ang pader kung saan ako binundol ng pwersa at tumilapon ako sa labas ng Palasyo.
Punyeta, traydor pala 'tong Ranse na 'to. Bumuo ulit ako ng mga Ahas at bumulusok iyon papunta kay Ranse ngunit tila nagkawatak-watak ito nang sinalubong ito ng pwersa mula sa kanya.
"Parehas lang kayo ng kapatid mong mahina. Yan ba ang pinamana sa inyo ng inyong mga magulang? Walang kwenta ka rin," pang-aasar niya na ikinainis ko.
Sinasangga ko gamit ang tubig ang bawat pwersa na pinapakawalan niya papunta sa akin hanggang sa napansin kong nawala siya sa paningin ko. Sa iglap, isang kidlat ang tumama sa harap ko at kaagad na nagpakita si Ranse. Sinasakal niya ako.
Sinipa ko ng tyan niya at binitawan niya ako. Pinagalaw ko ang mga tubig sa lupa sa pagkumpas ko ng kamay hanggang sa gumapang ito sa katawan ni Ranse. Sa muli kong pagkumpas ay nakabuo ako ng bolang tubig na siyang lumulunod kay Ranse sa loob nito.
Sinubukan kong panatilihin ang bolang tubig ngunit may kung anong pwersa sa loob ng bola na gustong kumawala. Ginamit ko ang lakas ko ngunit bigla lamang sumabog ang bola.
"Yan lang ba ang kaya mo, Jeirobkhi?"
"Punyeta ka! Mamatay ka na!"
Nag-ipon ako ng lakas at gumapang ang tubig-ulan sa lupa papunta sa akin. Umangat ang katawan ko habang ramdam ko ang pag-ikot ng tubig sa katawan ko. Nasa loob ako ng Agua Dragua na nabuo ko. Minamaliit ata niya ang kakayahan ko porket dalawa ang taglay niyang kapangyarihan.
Sa pagkumpas ko ng kamay ay nagpakawala ang aking Agua Dragua ng bumubulusok na mga patak ng tubig. Sinubukan iyong sanggain ni Ranse ngunit may nakalusot at dumaplis sa balat niya. Narinig ko na lamang ang pagdaing niya.
Muli niyang ikinumpas ang kanyang kamay at isang liwanag mula sa langit ang tumama sa Agua Dragua ko. Bigla akong nakuryente at nabuwag ang Agua Dragua ko. Halos ayaw umalisa sa aking katawan ang kuryente at parang naparalisa lamang ako.
Namilipit ako sa hapdi at sakit na nadarama ko.
Sa isang iglap, nasa harapan ko ulit siya at sinipa ako ng kay lakas. Mas namilipit pa ako at dumaing sa ginawa niya. "Taksil!"
Dinampot naman niya ang Korona sa ulo ko at kanyang isuot. "Mukhang mas bagay 'to sa akin kaysa sa i'yo."
"Tarantado ka talaga!"
Muli akong humugot ng lakas dahil poot at galit na nadarama ko. "LAHAT NA LANG KAYO, TRINATRAYDOR AKO! PUTANGINA!"
Isang malakas na pwersa ng tubig ang umatake mismo kay Ranse at agad ko itong kinontrol upang pumulupot ito sa akin. Siya ulit ang mamimilipt sa sakit. "TANGINA MO!"
Mas higpitan ko ang pagpulupot ng tubig sa kanyang katawan at narinig ko ang pagdaing niya. "AYAN, DUMAING KA SA SAKIT AT HAPDI, HANGAL KA!"
Pinagmasdan ko ang pagdurugo ng kanyang ilong habang pilit siyang lumalaban. "Itigil mo na Eirob, nagmamakaawa ako—"
"AWA? SINO ANG PUNYETANG MAAWA SA IYO, HA? HINDI KITA PALALAGPASIN SA GINAWA MONG PAGTRAYDOR, HANGAL KA!"
Tila nagiging pula na ang tubig na pumupulupot sa kanya dahil sa pagdurugo niya. "P-Patawad, Eirob..."
"HINDI KITA MAPAPATAWAD!"
Pinulupot ko ang tubig sa ulo niya at kita ko kung paano siya nahihirapang huminga at pilit kumakawala sa tubig hanggang sa sumuko siya at nabitawan na niya ang kanyang hininga.
Binuwag ko ang tubig na pumulupot sa kanya at bumagsak siya sa lupa. Bumaba ako at nilapitan siya saka sinipa siya gaya ng ginawa niya sa akin. Hindi na siya gumanti pa at tuluyan ng namatay sa harap ko. Nararapat lamang sa kanya.
Ngayon, wala nang pipigil sa aking mga plano. Matutupad ko na ang mga kagustuhan ko na maghahari sa Kahariang ito.
Umagaw naman sa aking atensyon ang pagkislap ng suot na Pulseras ni Ranse. Parang may pwersang humihila sa akin papunta rito kaya kinuha ko ito sa kamay ni Ranse.
Ang Pulseras na nagbigay ng kapangyarihan kay Ranse. Sa pagkakaalam ko ay ito ang Pulseras ng Aire Quimera. Nagliwanag ang dyamante nito kasabay ng Kwintas ko.
Kung magagamit ko ang kapangyarihan ng Pulseras, ibig sabihin ako na ang pinakamakapangyarihan sa buong kalupaan ng Titania. Lahat ng tao ay matatakot sa akin at susunod sa lahat ng aking mga utos. At walang sinuman ang magtatangkang pabagsakin ang magiging Kaharian ko dahil pinagsamang lakas ng kapangyarihan ko.
Unti-unti kong nilapit ang nagliliwanag na Pulseras sa kumikislap kong bughaw na dyamante sa Kwintas ko.
Nang dumikit ang dalawang dyamante, tila may biglang pwersa ang kumalat sa katawan ko. Napakainit, napakalakas, at hindi ko magawang pigilan. Nakakapanghina, ngunit nararamdaman ko ang mas lumalakas ang kapangyarihan kaya't napasigaw na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...