Kabanata 50

160 12 0
                                    





Jai's POV









Sa aking pagdilat, tila nasilaw ako sa sinag ng araw na nagbibigay-liwanag sa langit. Parang akong naglalakbay sa ibabaw ng mga ulap, at ni wala akong makitang lupain kahit saan. Akala ko iyon na ang Enchares ngunit nang bumaba ang aking Pegaso mula sa mga ulap ay may nakatago palang lupain.

Kay gandang pagmasdan ang lupain ng Enchares kasama ang bughaw nitong katubigan na pinapaligiran ang mga munti nitong mga isla.

Diretso lang kami ng aking Pegaso patungo hilagang-kanluran at sinusubukan kong hanapin ang Isla Paradeis. Maliit iyon sa mapa ngunit umaasa akong makita ko agad iyon.

Nagpasya naman akong ipababa kaunti ang lipad ng Pegaso upang mas makita ko ang isla sa karagatan hanggang nahanap ko ito ng tuluyan. Sumabay pa sa amin sa paglipad ang mga kakaibang ibon na dito lamang makikita sa lupain— kay makulay ng mga pakpak nila na sobrang nakakaaliw na tignan.


Narating namin ang dalampasigan ng isla ngunit nagpatuloy lamang kaming lumipad ng Pegaso ko sa paraisong isla hanggang sa nagpasya akong lumapag kami sa tabi ng ilog.

Bumaba ako nang makasigurong walang banta ng pahamak sa paligid. Malaparaiso nga ang isla na ito, pero dapat kong aalahanin na balot pa rin ito ng hiwaga at misteryo, ayon sa mga  kasulatan na itinuro sa amin sa Academia.

Sinasabing karaniwan sa mga nanirahan dito ay mga diwata na mga sugo ng Diyos ng Titania, kaya itinuturing ring banal ang kalupaan nito.

Ipinahinga ko muna ang Pegaso habang maglilibot ako saglit at hanapin ang lugar kung saan kami nagkita ni Ama. Sa pagkakatanda ko, isang mahiwagang ibon ang naghatid sa amin ni Guro Markus patungo sa isang lawa sa puso ng gubat. (See P1 Chapter 57)

"Batid kong may hinahanap ka, magandang binata."

Isang boses ng babae ang narinig ko na nagpatigil sa akin saglit sa paglilibot. Palinga-linga ako upang malaman kung kanino galing ang boses na iyon ngunit wala akong makitang nilalang sa paligid.

"Wag kang matakot. Alam naming darating ka sa Islang ito. Narito kami upang gabayin ka," muli sabi ng babaeng hindi ko makita.

Alam nila. Tunay ngang mahiwaga ang lugar na ito dahil alam nilang darating ako, ngunit may pagdududa ako sa kanilang sinasabi sa akin ngayon.

"Puno ng pangamba, takot, at kaguluhan ang isipan mo, binata. Mabuti't naparito ka upang mas malinawan ang iyong isipan sa makukuha mong sagot sa iyong mga katanungan."

"Salamat ngunit alam ko ang daan patungo sa paroonan ko. Batid kong ibang mga diwata ang  kumakausap sa akin sapagkat may kutob akong nililinlang niyo ako upang dalhin sa kapahamakan," tugon ko sa mga diwatang kumakausap sa akin at nagpatuloy sa paglilibot.

Sa pagkakaalam ko, sila ang mga Deneia— mga diwatang mapanglinlang. Ayon sa ilang libro, kalat-kalat ang uri nila sa buong Enchares lalo na sa mga kagubatan at hindi matataong lugar. Hindi sila nakikita ngunit maririnig mo ang kanilang mga mapang-akit na boses upang linlangin ka.

Mabuti na lamang, nagagamit ko ngayon ang mga natutunan ko sa Academia. Mas mainam talagang may alam upang hindi malagay ang sarili sa peligro.

Narating ko ang puso ng gubat kung saan makikita ang lawa na minsang napuntahan namin ni Guro Markus. Sa sobrang linaw ng tubig, makikita ang mga isdang lumalangoy sa sa ilalim.

Umupo ako sa gilid sa lawa at nag-antay na baka lumitaw si Ama sa anyong ibon, katulad no'ng unang beses naming magkita dito, ngunit ibang mga ibon lamang ang nakikita kong nagpapahinga sa mga puno.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon