Kabanata 17

180 16 0
                                    





Jai’s POV









“Isa... dalawa— ayusin nyo!”

Paulit-ulit na kami sa ginagawa naming pagsuntok at sipa. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa kanya at bakit parang pinaparusahan na niya kaming lahat ngayon.

Sa pagtaas ng nakasarang palad ni Guro Giz na napatigil kami bigla na parang bang naging istatwa kami. Nasa ‘di gaanong posisyon kaming lahat kung saan nakatayo lang kami sa iisang paa habang bahagyan nakataas ang kabila.

Nanginginig na ang tuhod ko dahil hindi ako nakapaghanda sa pagbalanse pero sinusubukan kong ‘wag matumba dahil lagot ako.

Bigla na lang dumaan si Guro sa tabi ko at tinapunan ako ng matalim na tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko muna pinairal ang nerbyos ko ngunit sa pagtama ng aming tingin ay tila mas lalong nanginig ang tuhod ko.

Hindi ko alam pero ba’t parang lagi na lang ako nakakaramdam ng kakaibang kutob kay Guro?

Akala ko pa naman matutumba na ako dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang panginginig ng tuhod ko ngunit bigla na lang nawalan ng balanse ang nasa harapan ko kaya agad ko siyang sinalo upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

“Oclamidos at Oiea, walang puntos,” sabi naman ni Guro Giz na ikinalungkot ko.

Nakirinig naman ako ng tawanan sa may unahan at nakita ko ang grupo ni Merdelia na nakatingin sa gawi namin ni Chonsela. Tumingin ako kay Chonsela at kita kong nalulungkot rin siya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

Tinulungan ko siyang tumayo at sabay na pumunta sa tabi habang nagpatuloy pa rin sila sa pagsasanay. Napansin ko namang paika-ika si Chonsela kaya dali-dali ko siyang pinaupo.

Umupo ako sa sahig katapat ng paa niya. “Teka, gagamutin ko ang pagkatisod mo,” agad kong sabi sa kanya sabay hawak ng apektadong paa niya.

Bago pa siya umaangal ay nagliwanag na ang aking kamay at napabigkas na ako ng orasyon. Ramdam ko ang napakagaang enehiyang dumaloy sa mga kamay ko patungo sa paa niya.

Wala pang isang minuto ay natapos ko na ang lunas sa paa niya. “Maayos na ba ang paa mo?”

Tumango naman siya at iginalaw niya ang paa niya na sa tingin ko ay maayos na ngunit napansin kong tila malungkot pa rin siya. “Pasensya ka na talaga, Jairovski. Nadamay ka pa sa pagkalampa ko at ngayon, pati ikaw walang puntos sa araw na ‘to. Sana mapatawad mo ako,” sabi niya.

Tumabi naman ako sa kanya at ningitian siya. “Naku, ayos lang ‘yon. Tsaka matutumba naman rin ako no’ng oras na ‘yon. Sadyang naunahan mo lang ako.”

Itinuon namin ulit ang atensyon sa pagsasanay kahit na wala na kaming puntos ngunit may napansin naman akong nakaupo sa kabilang banda.

“Ahh, Jairovski, sa tingin ko, nakaupo rin sa kabilang gilid si Pascua,” sabi niya.

Nahuli kong nakatingin siya sa gawi namin ngunit agad na umiwas ng tingin. Nagtaka ako kung bakit nasa gilid siya. Bihira pa naman siya bumagsak sa pagsasanay.

“Hayaan mo na. Baka nawalan rin siya ng balanse katulad natin,” sabi ko ngunit napansin kong biglang namimilipit si Xandrus na pilit niyang tinitiis.

Basta may masakit kasi sa kanya, ayaw niyang ipinapahalata dahil ayaw niyang kutyain siya na mahina.

“Jairovski, mukhang kailangan mo yatang lapitan siya.”

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon