Third Person's POV
Lahat ng mga estudyante sa Academia ay tila nagulat sa nalaman tungkol sa biglaang pagbitaw ni Master Yves sa kanyang pwesto bilang Punungguro. Hindi pa nila lubusang matanggap na bibitaw siya at papalitan ni Guro Giz.
Hindi pa malinaw ang rason sa kanyang pagbitaw ngunit ipinagkakalat ng mga estudyante ay dahil raw ito sa kanyang kapabayaan na humantong sa pagkawala ng tatlong estudyante na hanggang ngayon, hindi pa nakakabalik sa Academia.
Sa kabila ng kumakalat na chismis ay hindi ito ang pinaniniwalaan nina Raphael at Leia na siyang natitira na lamang sa kanilang grupo.
Si Rafaela ay napatawan ng parusa dahil sa paglabag sa alintunin sa paggamit ng kapangyarihan at sa naging pinsala sa kanilang alitan ni Merdelia.
Si Xandrus ay nasa isang pasilidad pa at wala pang kasiguraduhan kung kailan siya ilalabas.
Si Jai ay hindi pa rin nakakabalik mula sa Kaharian ng Silangang Serentos kasama si Philip.
Sa ngayon ay pinanghahawakan muna nila ang sinabi sa kanila ni Rafaela tungkol sa Academia. Gusto ng dalawa ng malinaw na paliwanag ngunit hindi nila magawang malapitan si Rafaela gayong hindi nila alam kung nasaan siya ngayon.
Pag-asa na lamang nila si Chonsela na siyang nabanggit ni Rafaela sa kanila bago siya sinundo ni Guro Markus patungo sa opisina, ngunit pansin ni Leia na hindi na siya pumapasok sa mga klase na ikinataka rin niya.
Sinubukang nilang puntahan ang silid ni Chonsela pagkatapos ng kanilang klase ngunit nakakandado ito at hindi magawang buksan.
Tuwing gabi naman ay sinubukan rin nilang tignan kung andoon si Chonsela ngunit mas mahigpit na ang pagbabantay sa mga pasilyo dahil sa mga lumilibot na mga kawal na kay hirap takasan.
Simula pa lang ng panunungkulan ni Master Giz ay marami nang pagbabago sa Academia at ang takbo ng sistema dito.
Marami ang tutol sa mga bagong alintuntunin.
Marami ang umangal ngunit wala silang magawa kundi sumunod.
Dahil kung hindi sila susunod at lalabag ng isang alintuntunin ay nakatitiyak na mapapatawan ng parusa ang sinumang lumabag kagaya kay Rafaela.
Dumating ang araw na muling nakita nila Leia at Raphael si Philip. Tuwang-tuwa sila sa muling pagbabalik niya ngunit laking taka nila dahil hindi nila mahanap si Jai.
Ikinuwento ni Philip ang nangyari sa kanilang pagdating sa kaharian at doon nila nalaman na ang mga nawawalang mga bata ay nakasama nila Jai patungo roon.
Wala namang silang dapat ikabahala dahil gumawa ng paraan si Philip na hindi maalala ng mga bata ang kanilang pananatili nila doon, ngunit isang bagay lamang ang dapat nilang ipag-alala mula sa oras na iyon.
Ang pagkawala ni Jai.
Hindi ito lubos mapaniwalaan ng dalawa ngunit nagpatuloy si Philip sa pagkwento hanggang sa nalaman nilang nawawala si Jai sa mismong piging ng kaarawan ng kanyang Ina.
"Hinabol namin ang mga misteryosong tao sa likod ng pagkawala ng malay ng mga kawal sa palasyo. Naiwan sa akin ang mga bata nang mahanap namin sila, nang patuloy pa rin niyang hinabol ang mga tao hanggang sa nadatnan kong wala na siya sa loob at labas buong palasyo," paliwanag ni Philip sa kanila.
Ikinuwento rin niya na dahil sa pagkawala ni Jai, labis na nag-alala ang Hari ng Palasyo at nag-utos ng paghahanap sa kanya.
Inabot sila ng ilang araw doon ngunit wala pa rin silang makita na senyales ng presensya ni Jai, hanggang sa may dumating na mga kawal mula sa Academia at sapilitan silang sinundo upang bumalik dito.
Doon ay nalaman rin ni Philip sa Academia at ngayon ay umaasang makausap ang kanyang Ama tungkol sa nangyayari.
Medyo magulo na ang sitwasyon nila ngunit pilit nilang magpakatatag hanggang sa magiging maayos ang lahat.
Habang papunta na sila sa kanilang Agahan ay nakasalubong naman nila si Guro Markus. Magtatanong sana sila kung kamusta si Xandrus ngunit tinignan lang sila ng Guro saka nilagpasan.
Mas lumakas pa ang hinala nila na may nangyayaring mali sa Academia at sa mga Guro kaya ngayon, wala na silang malapitan pa bukod sa Ama ni Philip.
Iniwan muna ni Philip ang dalawa at nagtungo sa isang likurang bahagi ng isang gusali. Siniguro niyang walang tao sa lugar saka kumuha ng isang perlas mula sa bulsa niya at tinapakan ito.
Inaasahan niyang nasa bahay na siya pero nagtaka siya nang hindi tumalab ang perlas na gamit niya upang makapasok sa sikretong bahay ng Ama niya.
Sa hindi inaasahan ay nagsipagsulputan sa paligid niya ang isang grupo ng taga-Hilaga na agad niyang nakilala. Nakatingin ang lahat sa kanya at ngayon ay pinapalibutan na siya.
Kinuha ulit siya perlas at nilaglag sa lupa saka tinapakan ngunit wala pa ring nangyari at tinawanan lang siya ng grupo.
"Aba, hindi ko inakalang magkikita ulit tayo," sabi ng leader ng grupo na may hawak na isang mahabang patpat.
Susugurin na sana siya ng grupo nang agad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan at naglabas ng isang pwersa na siyang nagpahinto sa grupo sa paglapit.
Tila nakaramdam ng sakit sa sentido si Philip dahil nagawa niyang makontrol ang isipan ng labing-isang estudyante ngunit nagawa naman niyang lumayo sa grupo saka binitawan ang pwersa sa kanila at tumakbo.
Habang tumatakas siya ay naging palaisipan kay Philip ang hindi niya magawang makabalik sa bahay at ang biglaang pagkawala ng bisa ng kanyang mga perlas.
Babalik na siya sa Silid-Kainan nang may humarang sa kanyang daan na mga kawal. Pinigilan siya at biglang dinakip.
"Bakit niyo ako hinuhuli?" tanong niya.
"Lumabag ka sa alintuntunin ng Academia. Gumamit ka ng kapangyarihan na walang pahintulot," tugon ng kawal.
Nais niya sanang basahin ang nasa isip ng dumadakip sa kanya ngunit sarado ang mga isipan nila na ikinataka niya kung saan siya dadalhin ng mga ito.
Hahayaan na sana niya ang sarili niya na hulihin ng mga kawal nang naalala niya si Jai.
Muli niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga isipan nila hanggang sa tuluyan siyang nakatakas mula sa kanila at tumakbo.
Agad na nagtungo si Philip sa parang at dumiretso sa munting kagubatan. Alam niyang may sumusunod na sa kanya upang hulihin siya ngunit hindi na siya lumingon pa at nagtungo sa tarangkahan.
Minsan na niyang narating ang tarangkahan ng binabantayan ng dalawang kahoy noon kapag pasikreto siyang bumibisita sa Academia ngunit ngayon laking gulat niya na wala na ang mga kahoy.
Napalitan na de-metal na tarangkahan at nadatnan niyang binabantayan pala ito ng mga kawal.
Sinubukan niyang tumakas ngunit huli na ang lahat ng pinalibutan na siya ng mga kawal. Wala na siyang takas pa.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...