Jai’s POV
“Di ko masyadong nakita ang nakasalamuha mo. Masyadong malabo, na parang bang may nakaharang na pwersa.”
Hawak ko pa rin ang braso kong nasugatan kanina. Gumagaan naman ang pakiramdam ko, na parang tuluyan nang nawala ang lason sa katawan ko.
Lason na nilagay sa patalim.
“Ipapaalam ko ba ‘to kay Master Yves?” tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya bilang tugon. “Ako na bahalang magpaliwanag kay Master Yves. Masyado pa siyang abala sa pagpapanatili ng kaayusan sa Academia. Tsaka isa pa, may naisip akong ideya para ‘di na ulit mangyari ang nangyari sa’yo ngayon,” sabi pa niya.
“Siya nga pala, seryoso ba talaga si Guro Markus sa pinag-usapan nyo kanina?” tanong niya ngunit sinamaan ko na lang sa tingin.
“Psh, oo na. Labas na ako sa usapan niyo, pero hayaan mo, mukhang makakatulong ako sa hinihinging pabor ni Guro sa’yo.”
Kumunot naman ang noo ko dahil papaanong makakatulong siya sa amin? Psh, minsan talaga hindi ko mabasa yung isip niya. Kainggit.
Inakbayan naman niya ako ngayon. “Alam mo, tiis-tiis ka muna. Dapat kasi ‘yan parusahan sa kalokohang ginagawa niya. Kung hindi mo pa ‘yan nobyo, baka iisipin kong magnanakaw siya ng kapangyarihan ng Ave Fenix—“
Siniko ko ang tagiliran niya saka sinamaan ko ulit siya ng tingin. Napadaing naman siya sa ginawa ko.
“Ingat-ingat ka jan sa sinasabi mo ha. Baka kakalimutan kong matalik kitang kaibigan,” banta ko.
•••
Pagkatapos ng pananghalian namin ni Philip ay dumiretso na ako sa susunod na klase ko kay Guro Leuhuca. Ilang metro lang mula sa laboratory ay may kumalabit na sa braso ko, si Leia.
“Nakita ka niya. Dalian mo,” bulong niya kaya tinignan ko kung sino ang tinutukoy niya.
Nagkasalubong ang tingin namin, ngunit agad akong umiwas at diniretso lang tingin ko sa daan. ‘Wag muna ngayon, Xandrus.
Gagaan na sana ang loob ko nang nakatapak na ako sa may pintuan ng laboratory pero may pamilyar na kamay ang humawak sa aking braso kaya napahinto ako. “Jai, usap muna tayo.”
“Xandrus, may klase pa ako,” agad kong sabi habang pinipigilan ko ang mga emosyon na nagwawala sa loob ko.
Ang hirap naman ng ganito, pero kakayanin ko ‘to. Nagawa ko ngang patumbahin si Ahriman, eto pa ba?
“Jai, please, sandali lang—“
“Xandrus, sorry.”
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dumiretso sa upuan ko, kung saan nag-aantay rin si Leia sa pagpasok ko. Pagkaupo ko ay bigla na lang may luhang dumadaloy sa mukha ko. Bago pa ako makita ni Guro Leuhuca ay agad kong pinunasan ang mukha ko habang pasimple akong pinapatahan ni Leia.
Parang akong timang dito sa kinauupuan ko. Kunware nakikinig sa lahat na sinasabi ni Guro pero ang totoo, ang gulo-gulo ng isip at puso ko. Yung parang ang loob ko, nagwawala na kahit na nanatili lang akong nakaupo.
Hindi ko namalayang patapos na pala ang klase nang tinapik ako ni Chonsela. “Ayos ka lang ba, Jairovski?”
“O-oo, ayos lang ako, sige mauna na ako,” agad kong sabi saka kinuha ang mochila ko at tumayo.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...