Kabanata 60

137 14 0
                                    





Jai's POV










"Miya?"

Isang bulto ng babae ang nasa likuran namin, at pamilyar sa akin ang kanyang itsura kaya agad ko siyang nakilala. Kasabay noon ay ang mga sunod-sunod na mga alaala na biglang pumasok sa isip ko na siyang nagpaatras sa akin at hindi ko na nagawang napigilan ang enerhiyang dumaloy patungo sa mga palad ko at nagsimula ulit na lumiyab ang mga kamay ko.

"Jai!" pigil sa akin ni Xandrus at pumagitna siya sa pagitan namin ni Miya.

"Woah, woah, Jai, chill. Hindi siya si Miya, okay? Siya si Bela," paalala pa niya sa akin kaya binawi ko ang mga liyab sa aking mga palad.

"Mukhang may galit ata sa akin ang kasama mo, Xandrus," aniya at binigyan ako ng mapait na ngiti.

Mula sa buhok hanggang sa pangangatawan niya, hawig niya talaga si Miya, ngunit hindi na nakilalang kong Miya, mas naging maaliwas ang mukha niya at hindi na yung magalitin at iritada. Mas gumada pa ata siya, saka yung mga tattoo niya sa braso, wala na rin. Hindi kaya kakambal niya 'to?

"Ako nga pala si Bela," pagpakilala niya sa sarili at nalaman kong bago na pala ang pangalan niya.

"Raphael," sabi ni Raphael at tinuro naman niya ako, "siya naman si Jai, kasintahan ni Xandrus."

Napatango naman siya. "Ah, kung gano'n ba, saan pala kayo tutungo?"

Napatingin naman sa akin si Xandrus, sinisenyasan ata ako na ako sumagot sa katanungan niya. "Ahh, ano, dyan lang," tanging sagot ko saka ko hinila si Xandrus para kausapin muna sandali.

"Wala sa plano 'to, Xandrus," bulong ko.

"Isasama ba natin siya?"

"Eh kung biglang bumalik ang mga alaala niya at maalala niyang dati pa tayo niyang kaaway? Dagdag na naman sa problema?"

Napasapo na lamang ako. Nilingon ko ang gawi nila at kinakausap naman ni Raphael si Miya, este Bela. Mukhang wala naman siyang masamang intensyon, pero hindi ko pa rin mabura sa alaala ang ginawa sa amin na nag-udlot ng digmaan mahigit tatlong taon na ang nakalipas. Nangangamba ako kapag bumalik kung sakali ang alaala niya.

"Hindi naman ata tayo niya ipapahamak. NIligtas nga niya ako ng ilang beses," pangungumbinse pa niya.

"Siguraduhin mo lang kung hindi, tutustahin rin kita."

Bumalik kami kina Raphael ngunit agad naman akong hinarap ni Raphael. "Jai, may nararamdaman akong paparating," aniya kaya nangamba ako bigla. Tinignan ko si Bela ngunit parang nagtaka siya, iniisip ko kasing baka may kinalaman siya nito.

"Ba't nakatingin kayo sa 'kin? May ginawa ba akong masama?" tanong niya.

Sa isip ko, balak ko sanang sagutin na may ginawa talaga siyang masama noon pa man, ngunit baka maalala pa niya ang lahat. Naging alerto na lang kami at nagtago sa mga puno pansamantala. Sumunod lang din si Bela sa amin.

"Sigurado ka ba, Raphael?" mahina kong sabi at tumango lamang siya.

Maya-maya'y may lumapag mula sa ere na tatlong tao na pamilyar sa amin at ang isa sa kanila ay nagliwanag sa kulay rosas. "Ella, tama ba 'tong lugar na pinadala ng kapatid mo? Baka naman patibong 'to?" sabi ng isa sa kanila na agad kong nakilala ang boses.

"Leia?" tawag ko sa kanila at lumabas ako mula sa likuran ng isang puno upang lapitan sila.

"Jai?"

Tatakbo na sana ako palapit sa kanila nang biglang gumuho ang lupang tinapakan ko at nahulog ako sa isang butas na inakalang kong lupa. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko bago ako nagpadausdos sa munting butas.

Sinubukan kong pigilan ang pagpapausdos ko pababa ngunit muntik lamang masugatan ang palad ko kaya hinayaan ko na lamang sarili na mahulog pababa sa butas hanggang nakarating ako sa dulo nito at napadapa sa sahig. Napadaing na lamang ako at pinilit na bumangon.

Iginala ko ang aking tingin sa paligid at mukhang nasa isang kweba ata ako dinala ng butas na 'yon. Lumapit lamang ako sa butas at sinubukang tanawin  kung kaya ko bang akyating ito ulit ngunit kung iisipin ko, baka may bumaba rin sa butas upang kunin ako mula rito kaya mag-aantay na lamang ako.

Habang pinapagpag ko ang madumi kong damit ay napansin akong liwanag mula sa kabilang parte ng kweba. Medyo madilim ang daanan kaya pinaliyab ko ang isang palad ko upang magsilbing liwanag at nagsimula akong naglakad patungo sa sinag na iyon.

Sobrang tahimik ng paligid at maririnig sa buong kweba ang bawat paghakbang ko sa lupa. Pababa rin ng pababa ang tinatahak kong daan, at hindi ko alam kung anong bagay ang nang-agaw sa aking atensyon. Sana maabutan ako ng sinumang magliligtas sa akin dito.

Mararating ko na sana ang pinanggalingan ng liwanag nang biglang may humablot sa braso. "Jai, sa'n punta mo? Balik na tayo sa itaas."

"May lumiliwanag sa dulo ng kweba," sabi ko.

"Anong liwanag? Ang dilim nga oh, wala akong makitang liwanag na sinasabi mo. Tara na, kailangan pa nating bumalik sa Palasyo mo," sabi niya at sumama na lang ako sa kanya pabalik sa itaas.

Kasama naman niya si Bela na nag-aantay sa amin kung saan ako nahulog kanina. Agad naman niya kaming hinawakan at sa isang iglap, nagbago ang paligid at nasa kagubatan ulit kami kasama ang mga kaibigan namin.

Isang yakap mula kay Xandrus ang bumungad sa akin. "Mabuti't nakabalik ka," sabi niya.

"Ehem," tikhim ni Raphael at kumalas ako sa yakap namin.

"Sa'n na punta natin?"

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon