Third Person's POV
Kay tahimik na ng gabi ngunit hindi naman matatahimik ang mga isipan ng mag-asawa sa kanilang silid.
Nag-aalala pa rin sila sa kalagayan ng kanilang anak na siyang binabantayan pa rin hanggang ngayon sa isang pasilidad dahil sa hindi maipaliwanag na kalagayan niya.
Bukod pa riyan, nag-aalala rin sila sa mga kaibigan niya gayong ang dalawa ay nasa detention room at ang isa...
...ay kasalukuyan nawawala.
Balak sana itong ipaalam ni Guro Kyla ang tungkol sa pagkawala ni Jai kay Xandrus ngunit sa takot ni Guro Markus na mas lalala ang kalagayan ni Xandrus ay nagdesisyon silang 'wag muna ipaalam gayong wala pa sa tamang kondisyon ang kanilang anak.
Baka ikapahamak pa ang lahat kapag may nangyari kay Xandrus, lalo pa't alam nila kung gaano niya kamahal si Jai kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para sa kanyang kaligtasan.
Gustuhin rin ng mga Guro na kausapin ang mga kaibigan ng anak nila ay hindi nila magawa dahil ang alintunin mismo ng Academia ang pumipigil sa kanila.
Sa araw na nanungkulan ang bagong punong-guro ay maraming bagong alintuntunin at batas ang pinatupad agad sa Academia at kasali na rito ang pagbabawal sa mga Guro na makipag-usap sa mga estudyante sa oras ng walang klase.
Ito man ang pinakaistupidong alintuntunin na pinatupad ng tagapamahala ngunit tangi nilang magagawa bilang mga Guro ay sumunod na lamang.
Sa kabilang dako ng Academia, hindi rin makatulog nang maayos si Leia sa kakaisip sa kanilang sitwasyon— kung paano nila malulutas ang lahat ng mga problemang kinakaharap nila.
Kakarating lang ni Philip kanina ngunit agad naman siya dinakip at dinala sa detention sa parehomg alintuntunin na nilabag niya at kay Rafaela.
Mas nag-aalala naman siya sa kalagayan ni Jai simula no'ng nalaman niya kay Philip na nawawala pala siya at hindi na nila alam kung nasaan na siya.
Hindi na niya kakayanan pa anv namumuong emosyon sa kalooban niya kaya hindi na niya nagawang mapigilan pa ang nga luha sa mga mata niya.
Tanging mahihiling muna niya ang kaligtasan ng mga kaibigan nila.
"Wala mang kasiguraduhan na magiging maayos agad ang lahat ngunit nangangako ako na gagawin namin ni Raphael ang lahat upang maibalik sa dati ang Academia...
...at maibalik si Jai nang ligtas."
"Kamahalan," isang pagbati ng pinuno ng kawal ang sumalubong sa Hari.
"May balita na ba kayo sa kanya?" tanong ng Hari ngunit nadismaya siya nang makitang umiling ang pinuno.
"Paumanhin, kamahalan, ngunit hindi pa rin namin siya mahanap."
Ilang araw nang ganito ang sitwasyon sa Palasyo simula noong biglang nawala ang tagapagmana ng Kaharian. Araw-araw nagpapadala ang Hari sa iba't ibang bayan at nakatawid na sa ibang kaharian ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakikita ang binata.
Tanging alam lang nila ay may isang grupo ng dayo ang pumasok sa Kaharian at dumakip ng mga kabataan. Iniisip ng Hari na posibleng kasali si Jai sa mga nadakip kaya inatasan niya rin ang ibang kawal na tugisin ang mga ito.
Hindi pwedeng hindi mahanap ang tagapagmana ng Kaharian.
Sa kaloob-looban niya ay nakakaramdam siya ng pagsisisi sa sarili dahil hindi niya magawang bigyan ng proteksyon ang kanyang pinakamamahal na pinsan sa araw pa mismo ng kaarawan ng kanyang Ina.
"ARRRGH!"
Isa muling sigaw ng pagdaing ang narinig mula sa isang silid ng pasilidad sa gitna ng tahimik na gabi.
Binabangungot muli ang binata sa kanyang pangtulog— pawisan, at isang napakasakit na pagkirot ng kalamnan ang kanyang naramdaman sa kanyang paggising.
Napahiyaw ulit ang binata at kasunod no'n ay ang biglang pagbukas ng pintuan at ang pagpasok ng isang babaeng tagapaggamot na nakasuot na isang puting kasuotan.
Hawak ng babae ang isang napakatulis na karayom na siyang ituturok sa binata. Tila hindi mapakali ang binata sa haba ng karayom na hawak niya, at pilit niyang tinataboy ang babae.
"W-WAG! WAG KANG LALAPIT— AAHHHHH!"
Namilipit siya sa sakit nang biglang itinurok sa kanyang hita ang karayom at doon ay bigla rin siyang nanginig dahil sa epekto ng itinurok sa kanya.
Nang tuluyan nang kumalat sa buo niyang katawan ang 'gamot' ay tumigil ang kanyang nanginginig at tila naging manhid sa sakit na kumikirot sa loob niya.
Dulot ng 'gamot' ay dinalaw ulit siya ng antok at unti-unting umiidlip ang mga talukap niya hanggang sa tuluyang dumilim ang kanyang paligid.
"Jai..."
Iyon ang huling sinabi ng binata at binalot muli katahimikan ang buong pasilidad.
"Matulog ka na, Lia. Maaga pa ang klase mo buka—"
"Shut up. Naglalaro pa kami ng mga kaibigan ko. Porket punung-guro ka ng Academia, pagsasabihan mo na ako every hour of the day. Duh," pagpuputol ng dalaga sa sinabi ng kanyang Ama.
Balewala lang ang kanyang Ama sa uri ng pakikitungo ng sarili niyang anak. Pinanood na lang niya kung paano niya tratuhin at ng mga kaibigan niya ang kawawang kaklase niya na halos hindi na makapasok dahil sa mga pasa niya.
Taglay ng kaklase niya ang makakita ng mangyayari sa kinakaharap kaya ikinulong siya ngayon sa kwarto upang magsilbi sa dalaga.
"Wag na 'wag kang tatakasan dito ha, at higit sa lahat," sabi ng dalaga at nilapitan ang kaklase niya. "Wag na 'wag mo ulit silang lalapitan, ha?"
Umiiyak na tumango ang kaklase niya ngunit ang mga babae sa paligid niya ay tila walang nararamdaman na awa hanggang sa sinampal siya bigla ng dalaga.
Nang sasabunutan na sana nila ang kaklase ng dalaga ay pinigilan sila ng Punong-guro. "Itigil nyo na 'yan. Hindi niyo ba naisip na mapapakinabang pa natin siya? Mga walang utak."
Nanahimik ang grupo at tanging hikbi ni Chonsela ang naririnig sa gitna ng katahimikan nila, ngunit inis na inis naman ang dalaga sa pang-iistorbo ng sarili niyang Ama.
Sa galit ng dalaga ay bigla niyang inatake ang Ama niya gamit ang kapangyarihan niya ngunit bago pa man matamaan ay naglaho na sa paningin nila ang Ama niya.
"BWISET!"
Winasiqas ng dalaga ang mahahabang hibla ng kanyang buhok sa pader ng silid kaya nahulog ang mga nakabitay na mga palamuti at nasipagbasagan sa sahig.
Wala na sa pakiramdam ang dalaga na makipaglaro kaya kinaladkad na ng kanyang mga kaibigan si Chonsela at ibinalik sa kulungan niya saka sila nagsipag-alisan sa silid.
Isang matinis na sigaw ng galit ang binitawan ni Merdelia sa silid saka padabog na pumasok sa kanyang kwarto.
Akala niya talaga na magagawa na niya ang lahat na gusto niya gayong Punong-guro na ang kanyang Ama, ngunit hindi pa rin pala siya nakakatakas sa pagdidisiplina na siyang ayaw niya sa lahat.
Sa kabila ng magulong nangyayari sa Academia at ng Kaharian ng Silangang Serentos, nasaan nga ba si Jai?
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...