Xandrus' POV
Nabulabog ang mahimbing kong tulog sa sunod-sunod na mga katok sa pintuan. Kaya naman padabog akong pumunta at binuksan ang pinto.
"Sabado ngayon, ano bang mayroon ba't ginising mo 'ko?" tanong ko kay Leia na nakapamewang pa sa harap ko.
"Yung kasintahan mo. Dinala sa pagamutan. Baka magising ka na niyan," sagot niya kaya biglang nagising ang buong sistema sa katawan ko.
"Ha?!" sabi ko at aakma na sana akong aalis nang hinarangan ako ni Leia.
"Baka mas mahimatay pa yun 'pag makita ka niyang ganyan ang itsura mo," sabi niya kaya napatingin ako sa sarili ko.
Saka ko lang na-realize na wala akong damit pang-itaas at naka-boxers lang pala ako. "Sh*t--"
Sinara ko agad ang pintuan. Takte, nakita pa talaga ako ni Leia sa ganitong itsura. Dapat si Jai lang ang makakita sa abs ko--
Pucha naman, kailangan kong magmadaling magbihis!
Hindi na ako nakapagligo at nagbihis na lang ng damit saka ng balabal ko. Paglabas ko ay hindi ko na nakita si Leia kaya nagmadali akong lumabas ng dormitoryo.
Muntikan na nga akong matapilok sa magmamadali patungo sa silid-pagamutan. Sa lobby pa lang, nakita ko na nag-aabang sa labas ng silid ang tatlo kaya nilapitan ko agad sila.
"Nasa'n siya?" hingal na hingal kong tanong.
"Buti naman, dumating ka," bungad ulit sa akin ni Leia.
"Ando'n siya sa loob, naghihintay sa loob. Yung mga magulang mo, nasa loob rin," sabi naman ni Rafaela.
Dahil do'n, pumasok ako agad sa silid at nakita ko si Mom at Dad na kinakausap si Jai-jai. Napalingon naman sila sa akin sa pagpasok ko.
"Oh anjan ka na pala, Jedrick Alexandrus Pascua," sabi ni Dad at tono pa lang ng pananalita niya, alam kong lagot ako nito.
"Honey, labas muna ako at kakausapin muna ang anak natin," sabi pa niya kay Mom saka sumenyas sa akin na sumunod sa kanya.
Lumingon naman ako kay Jai-jai ngunit umiwas lang siya ng tingin sa akin. Lagot nga talaga ako.
Wala akong magawa kundi sumunod ako kay Dad palabas ng silid at nilagpasan namin ang tatlo kong kaibigan na nasa labas pa rin.
Huminto si Dad sa isang tahimik na parte ng lobby at humarap sa akin. He looks disappointed already, kaya inihanda ko na ang sarili ko sa sermon niya.
"Xandrus naman, kahit nahimatay na nga si Jai, hindi mo pa rin siya kayang siputin nang ilang segundo. What kind of boyfriend are you?" sabi niya.
"Dad, sorry. Medyo napahimbing lang tulog ko kaya hindi ako napabangon nang maaga kanina. Sorry--" I explained but he interrupted me.
"Next time na mauulit pa 'to, expect for consequences. Sapilitan ko kayong ipaghihiwalay."
No way. Ipaghiwalay niya kaming dalawa? Tsk, hinding-hindi mangyayari 'yon hangga't mahal ko pa si Jai-jai.
"I won't let that happen, Dad," sabi ko.
He was about to leave in front of me when he suddenly stopped right beside me.
"If you really love him, then act like you really love him," sabi niya saka siya nagpatuloy sa paglakad.
Dahil sa sinabi niya, inaalala ko ang lahat ang mga nagawa ko kay Jai-jai. Dad made me realize na nawawalan na nga ako ng oras kay Jai.
Kailangan kong kausapin si Jai.
Bumalik ako sa silid-pagamutan at saktong palabas na sila Mom at Dad. Tumingin lang si Dad sa 'kin saka nilagpasan ako. He's really disappointed to me.
"Xandrus, please take care of Jai. Una na kami," Mom said as she tapped my shoulders before leaving.
Pumasok ulit ako sa silid at dumiretso sa kama kung saan nagpapahinga si Jai. Naabutan ko siyang kausap ang tatlo kasama ang isang babae na minsan ko nang nakita sa klase ni Jai.
Nilapitan ko siya agad ngunit bago ko pa mahawakan siya ay hinarangan na ako ng mga kamay niya.
"Hep, hep, hep, 'jan ka lang. 'Wag ka nang magpanik dahil ayos na ako," sabi niya at nang tignan ko siya, parang ayos nga siya.
"Kung hindi ka ginising ni Leia, hindi mo malalaman na may nangyari kay Jai. Buti na lang dinala siya agad rito," sabi naman ni Rafaela.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko na lang dahil wala talaga akong alam sa nangyari.
"Kasalanan ko ang lahat kaya pasensya na talaga, huhuhu," rinig kong sabi ng babae sa tabi namin.
"Chonsela, ilang ulit ba kitang sasabihan na 'wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari. Kasalanan naman ni Jai kung bakit andito siya," sabi naman ni Leia sa babaeng nagngangalang Chonsela.
"Ah, kasalanan ko pa talaga ha, hindi pwedeng aksidente lang na natapilok sa hagdanan?" sabi pa ni Jai.
"Ewan ko sa'yo. Xandrus, ikaw na bahala 'jan sa kasintahan mong gutom. Epekto yata 'yan sa pagkahimatay niya. Iwan na namin kayo," sabi ni Leia sabay tayo kasama ang tatlo at aalis na sana nang lumingon ulit siya sa amin.
"Ikaw, Chonsela, hindi ka pa aalis?"
Tumingin naman ako kay Chonsela ngunit hindi namin maipinta ang mukha niya na nakatingin lang sa amin ni Jai.
"Teka, magkasintahan p-pala kayo?" tanong niya sabay turo sa amin kaya nagkatinginan kami ni Jai.
Lumapit naman si Leia sa kanya at hinila ang braso niya.
"Ah, Chonsela, alam mo, may mga bagay na hindi na dapat tinatanong, hehe. Halika na, masyado nang marami ang nalalaman mo..."
Nakatingin pa rin siya na parang ewan habang hinihinila siya ni Leia para umalis sa silid hanggang sa tuluyan na silang nakalabas.
"Kaklase mo 'yun? Napaka-weird naman niya," tanong ko kay Jai.
"Kung 'di dahil sa kanya, baka malala pa ang nangyari sa akin at mararanasan ko nang magpagulong-gulong sa hagdanan ng Libraria," sabi naman ni Jai.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Bibilhan kita ng pagkain--"
"Xandrus, 'wag ka nang mag-alala sa akin. Kita mo naman, ayos na ako 'di ba? Tsaka bago ka pa makarating dito, dinalhan na ako ng pagkain ng mga magulang mo. Nakakahiya nga eh, parang kulang na lang susubuan na ako nila, buti napigilan ko sila," paliwanag niya at nakahinga naman ako nang maluwag.
"Next time na mauulit pa 'to, expect for consequences. Sapilitan ko kayong ipaghihiwalay."
Naalala ko ulit ang sinabi ni Dad sa akin kanina. Habang nakatingin ako kay Jai, umiiral naman ang konsensya ko sa loob ko. I have to apologize to him now.
I grabbed and held his hand.
"Jai-jai, sorry kung medyo nawawalan na ako ng oras sa'yo. Pasensya na kung hindi kita maalagaan at halos hindi ko na magampanan ang responsibilidad bilang kasintahan mo. Pangako, gagawin ko ang lahat, makabawi lang sa'yo."
"Xandrus--"
"Mahal kita, Jai-jai..."
Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, umaasang aabot sana ang labi ko sa labi niya ngunit...
"Jai, nakita mo ba ang relo k-- jusmeyo, mahabaging Diyos ng Titania!"
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...