Rafaela's POV
Nakausap namin ang mga magulang ni Xandrus nang makasalubong namin sila sa pasilyo. Ang alam lang kasi namin ay nasa isang pasilidad siya ngayon at kasalukuyan na inoobserba matapos ang nangyari.
Gulat na lang kasi kami na may parang sumabog sa gitna ng gabi at nalaman naming si Xandrus pala ang may gawa no'n.
Nagtataka kami dahil bigla na lang nangyari iyon. Akala namin na kilala na niya yung kapangyarihan niya ngunit nagkamali kaming lahat.
Nag-aalala na kami sa kanya dahil dalawang araw na siyang wala. Si Jai naman, wala pa kaming balita dahil hindi pa rin sila nakakabalik hanggang ngayon.
Masama ang kutob ko sa mga nangyayari pero 'wag naman sana umabot sa punto na mangyayari ulit ang nangyari noon.
Sa ngayon, itinutuon muna namin ang atensyon namin sa pag-aaral dahil nalalapit na ang pagtatapos namin matapos ang higit apat na taon na pananatili namin dito.
Tapos na klase namin at sinalubong ako ni Leia sa labas (kahit na yung inaabangan namin niya ay yung kambal ko). Kami na lang tatlo ang magkasama dahil wala si Jai at Xandrus.
"Kita niyo na ba yung Rankings ng lahat ng nasa ikaapat na taon?" sabi ni Leia.
"Nilabas na?"
"Oo, kanina pa raw. Nagkukumpuluhan na nga ang mga estudyante doon. Tara tignan natin," aya ni Leia saka kami nagtungo kung saan pinaskil ang Rankings namin.
Dalawang beses lang nagpapaskil ng Rankings kada taon: sa kalagitnan at sa huling bahagi ng taon. Sa ranking namin nalalaman kung mabuti ba ang naging marka namin.
Nadatnan namin sa dulo ng pasilyo ang mga estudyante na nagsisisiksikan para lang mahanap ang mga pangalan nila.
Nagdadalawang-isip pa akong lumapit pero sumunod na lang ako kina Raphael at Leia.
Mahigit isang daan kaming estudyante sa ikaapat na taon, kaya sobrang dami ng mga pangalan ang nakasulat sa paskil. Saka ko lang nahanap ang pangalan ko nang tinuro ni Leia.
"Nasa ika-46 ka, Ella. Ako naman ay nasa 51," sabi niya kaya nakaramdam ako ng konting tuwa.
"Ako naman, 42," sabi naman ng kakambal ko.
Hinanap ko naman ang mga pangalan nina Jai ngunit nagtaka ako nang makitang sobrang baba nila sa Rankings ngayon.
Nasa ika-96 si Jai at nasa 73 naman si Xandrus. Si Philip, nasa 84.
Bigla naman ako kinalabit ni Leia. "Tignan mo kung sino nasa ika-20," bulong niya.
Tinignan ko naman kung sino yung nasa 20 at nagulat ako, saka nagtaka. Napakakwestyonable na mas mataas pa ang rank niya kaysa sa amin.
Si Chonsela.
Sabi pa ni Leia, hindi naman gaanong aktibo si Chonsela sa klase at parati pang nagkakamali sa mga gawain pero nagawa niyang makuha ng mataas ng rank, kaya kataka-taka.
Si Merdelia naman, nasa ika-15.
Kataka-taka nga naging Ranking ngayon. Anong nangyari?
Hindi na ako nakatiis pa sa mga nagsisiksikan ng mga estudyante kaya nagdesisyon na akong umalis kasama ang dalawa. Humiwalay naman sila dahil kakain raw sila sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...