Jai's POV
Isang sandali lamang iyon bago sila pumayag at nagsipagtunguhan sila sa mga bangka sa gilid ng mga barko.
Ni isang pirata o nakamanto ang gumalaw at nagtakang pigilin ang mga bihag.
Nakasakay na ang mga bihag at nagsipagbabaan na ang mga bangka hanggang sa narating nila ang dagat sa ibaba. Dumungaw ako upang tignan silang nag-uunahang magsagwan palayo sa barko ng mga pirata.
May lumapit naman sa akin at ngayon ay kinadenahan na ako sa mga kamay.
"Ito na ang huling pagkakataon mong tumakas, munting Sakkaib," sabi ng nakamantong nagkabit ng kadena sa akin.
Inilapit naman ako sa isang poste at doon ikinabit ang aking kadena saka kinandado. Bigla naman niya akong sinipa bago siya umalis.
Lagot siya sa akin.
Dahan-dahan namang naglakad ang kapitan patungo sa aking pwesto hanggang huminto siya sa harap ko.
"Kay tapang ng munting Sakkaib. Ipagpapalit ang sariling buhay sa mga bihag."
Umaatras siya at bumaling sa mga pirata. "Paulanan ng kanyon ang mga bangka hanggang sa walang matitira."
Nagulat ako sa inutos niya sa kanila at bigla na lang may sinindi ang mga pirata sa gilid ng barko. Mga kanyon.
"Mga walang hiya! Itigil nyo 'yan! Ako ang harapin nyo mga hangal!"
Sa iglap ay nagliwanag ang mga palad ko at itinutok sa mga piratang nagsisindi ng mga kanyon. Isang berdeng enerhiya ang napakawala ko at tumama sa kanila.
"Tutupad kayo sa usapan o wawasakin ko ang barkong 'to?" banta ko sa kanila.
Hiningal ko dahil sa pinakawala kong enerhiya. 'Di bale nang manghina na ako, basta makasiguro akong makakalayo ang mga bangka nila nang ligtas.
Nagtangka ulit ang mga pirata ngunit nagpakawala ulit ako ng enerhiya at tinamaan sila.
Ngayon ay nakaramdam na akong ng panghihina ng katawan at pananakit ng sentido.
Kita ko ang pangangalit ng mga pirata sa akin, at alam kong pati ang mga nakamanto rin.
Pati ang kapitan.
Bago pa man nila ako lapitan dahil sa galit, isang malamig na hangin naman ang biglang umihip mula sa kalangitan. Nakarinig naman kami ng isang ingay ng kampana mula sa isang poste sa itaas.
"May paparating na bagyo!"
Huli na nang mismong ulap na kay kapal ang unti-unting lumalapit sa amin, at tila binabanta kami sa kulog at kidlat nito.
Nagiging malakas na rin ang alon ng karagatan, na siyang umaalog sa barko.
Sunod-sunod na pumatak ang tubig-ulan mula sa itaas, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang ulan. Halos wala na akong makita sa paligid dahil sa dilim at hatinggabi pa.
Patuloy naman ang pag-alog ng barko na sumasabay sa hampas ng mga alon ng karagatan. Nagsipagtakbuhan ang lahat sa kung saan, at iniwan akong nakakadena sa poste.
Sa sobrang lakas ng hangin ay parang matatanggal na ang mga makakapal na telang nakakakabit sa mga poste. Pati ang mga poste mismo, parang mababali na rin.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...