Jai’s POV
Oras na ng Hapunan.
Alam kong lahat ng mga mag-aaral ay lalabas sa dormitoryo, kaya kukunin ko ang pagkakataon na ‘to para ilipat ang mga gamit ko sa bagong silid. Nasa lumang silid ako ngayon kasama si Philip, at iniimpake ang lahat ng mahahalagang gamit ko sa mahiwagang mochila. Hindi mo kasing aakalain na sa liit nitong mochila ay makakakasya lahat ng gamit dito sa lawak ng espasyo nito sa loob.
“Napasok na ba lahat jan?” tanong niya saka ko isinara ang mochila. Tumango naman ako bilang tugon. Tinignan ko muli ang silid na iiwanan ko. Ilang buwan pa lang ako dito pero lilipat na naman ako.
Pagkatapos ay agad na naglaho si Philip sa harap ko. Walang hiya talaga, akala ko ihahatid niya ako sa magiging silid ko.
Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at tinignan ko kung wala na bang tao sa labas. Bumungad sa akin ang tahimik na pasilyo. Nang nakasiguro ako, saka ako lumabas ng silid na may bitbit na mochila at nagsimulang maglakad sa pasilyo patungo sa bago kong lilipatan. Nang makalayo na ako ay bigla na lang ako nakarinig ng mga yapak na paparating kaya nagtago muna ako sa kanto.
Tinignan ko kung sino ang bumalik dito sa dormitoryo, at napag-alaman kong si Xandrus. Nakatayo siya sa tapat ng dati kong silid na parang bang nagdadalawang-isip na kumatok. Napabuntong-hininga muna siya bago tuluyang kumatok. Sinubukan pa niyang ipihit ang pinto ngunit sinara na namin ‘yon. Nakita ko pang hinampas pa niya ang pinto saka isinandal ang sarili at dahan-dahang umupo.
Nakaramdam ako ng awa kay Xandrus. Hindi kasi ako sanay na makita siyang gano’n, pero kailangan eh. Kailangan naming maghiwalay muna para sa ikabubuti naming dalawa.
Naglakad ulit ako sa pasilyo nang biglang nahulog mula sa kamay ko ang susi sa sahig. Gumawa ng ingay ang susi na siyang umalingawngaw sa tahimik na pasilyo kaya agad kong dinampot ang susi. Paniguradong narinig niya ‘yon ng marinig ko siyang nagsalita bigla. “Sino ‘yan?”
Tumakbo na ako patungo sa silid na lilipatan ko. Hindi dapat niya malaman sa ngayon ang bagong silid ko. Narating ko naman ang nasabing silid na may nakaukit na bilang tulad ng susing hawak ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto gamit ang susi pero huli na nang makita kong nakatayo sa ‘di kalayuan. “J-Jai?”
Tatakbo na sana siya papunta sa akin nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Philip at hinawakan ang noo ni Xandrus. Nagliwanag naman ang mga mata ni Xandrus at tila nakanganga lang siya dahil sa ginagawa ni Philip.
“Hoy, pumasok ka na bago pa ‘to magising,” sabi ni Philip saka ako pumasok sa silid. Muling siyang naglaho at iniwan si Xandrus na nakatayo sa labas bago ko isinara ang pinto. Paniguradong tinanggal niya pansamantala ang alaala ni Xandrus para hindi matandaan ang bagong silid ko.
Nilibot ko muna ang bago kong lilipatan saka pumunta sa bago kong hihigaan. Mas maaliwalas ‘to kaysa sa silid ko doon. Binuksan ko naman ang mochila ko saka nagsimulang mag-ayos ng mga gamit.
“Tara, maghapunan na tayo,” rinig kong sabi ni Philip na sumulpot na naman sa likuran kaya napasinghap ako saglit sa gulat.
“Pwede ba, ‘wag kang pabigla-biglang susulpot kung saan-saan,” sabi ko pero napahagikgik lang siya bago kami nagtungo sa kusina.
Nadatnan kong may mga nakalatag na iba’t ibang mga pagkain sa mesa na parang bang may selebrasyon na gaganapin ngayong gabi. Hindi pa ako nakakalapit sa mesa ay amoy na amoy ko na ang bango ng mga putahe. “Aba, ikawba nagluto ng mga ito? Tsaka ba’t ang dami? Tayong dalawa lang naman ang kakain nito ah?”
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...