Third Person's POV
Pinag-aralan ng binata ang lokasyon ng isla at isinaulo bago nagpasyang umalis sa Silid-Aklatan at nagpaalam sa mga kawal. Lingid sa kaalaman nila ang patutunguhan ng binata.
Lumabas ang binata at nagtungo kung saan matatagpuan ang sasakyan niya patungo sa Isla. Iniiwasan niya naman ang mga kawal upang hindi siya makita nito hanggang sa nakarating siya sa tahanan ng mga Pegaso.
Pasimple lamang siyang nagpagising ng isang Pegaso at pinakain ito ng dayami saka ito sumama sa kanya palabas sa tahanan nila. Pinaamo muna niya ito bago nakasakay nito.
Nakita naman siya ng mga kawal at aakmang pigilan ngunit pinalipad na niya ang Pegaso at tuluyang tumakas. Alam niyang ikakabahala ng Pinuno at lalo ng Hari ang kanyang biglaang pag-alis ngunit sinisiguro naman niyang makakabalik siya kinabukasan.
Ang kanyang pagtakas sa Palasyo ay agad na ipinaalam ng mga kawal sa kanilang Pinuno. Nang malaman ay nag-utos agad siyang sundin ang binata at ibalik sa Palasyo ng ligtas.
Susundin na sana ng mga kawal ang tumakas na binata nang salubungin sila ng mga mantong grupo at isa-isang inatake ang mga kawal. Nagsipagtumbahan ang mga kawal sa lupa at sa gitna ng gabi, napuno ng sigaw ang matahimik na Kaharian.
"Balita ko'y andito raw ang tagapagmana ng Kaharian. Nasaan siya?" tanong ng isang nakamanto sa kwinelyuhang kawal na nahihirapang huminga dahil sa ginagawa niya.
"Kakaalis lamang niya," sagot ng natatakot na kawal ngunit sa kasamaang-palad ay nilaslas ang kanyang leeg at nagdurugong humandusay sa lupa.
Nagpatuloy ang nakamanto sa loob ng Palasyo at nadatnan nila ang Pinuno kasama ang kanyang mga kawal na handang sumugod sa mga sumasalakay.
"Anong kailangan niyo dito?! Umalis kayo sa Palasyo kung gusto niyo pang mabuhay!" banta ng Pinuno sa mga nakamanto sabay hawak ng kanyang matulis na espada.
Ni wala man bahid ng takot ang kanilang mukha ngunit pinagtawanan lamang sila ng pinuno ng mga nakamanto.
"Ganyan ba kayo sumalubong ng bisita? Tsk, palibhasa'y wala namang ginawang tama ang namumuno dito sa Kaharian ng Silangang Serentos."
Lingid sa kaalaman ang taglay na kapangyarihan ng isa sa kanila na siyang na pasimple lamang kinontrol ang kanyang mga anino at pinaslang ang walang kalaban-laban na mga anino ng mga kawal.
Nangisay at agad nawalan ng buhay ang mga kawal na pumaligid sa kanilang Pinuno na siyang naiwang nakatayo. Nagtaka siya sa nangyayari sa kanyang mga kawal ngunit hindi siya nagpatinag.
"Sumuko ka na. Hindi mo ba naiisip? Wala kang laban sa amin," wika ng pumaslang sa mga kawal.
Akala ng mga nakamanto ay susuko na ang Pinuno dahil itinaas nito ang kanyang espada at mga kamay ngunit nagulat sila sa sinunod niyang ginawa.
Winasiwas ng matapang na Pinuno ang kanyang espada sa ere at itinapat ang dulo nito sa sahig. Naglabas ang espada ng nakamamanghang asul na liwanag— hindi lamang liwanag kundi asul na kuryente na kumakalat pati sa katawan ng Pinuno.
Sa bilis ng pangyayari, isa sa mga nakamanto ay nagawang saksakin ng Pinuno gamit ang kanyang nagliliwanag na espada at tuluyang hinati ang katawan nito.
Masyado nilang minaliit ang taglay na kapangyarihan niya ngunit nagawa pa rin nilang pagtawanan ang matapang na Pinuno. Kasabay ng kanyang pagtawa ay ang pagbuo muli ng hinating katawan ng Pinuno na siyang ikinapagtaka niya.
"Hindi mo kami madaling mapapaslang, Pinunong Gabreil. Nagsisimula pa lamang kami."
Sa himpapawid naman ay matatagpuan ang tumatakas na binata mula sa Palasyo, sa kagustuhang makita muli ang kanyang mga magulang upang makakuha ng sagot sa kanyang mga katanungan na bumabagabag sa kanya.
Sinasalubong siya ng malamig na hangin sa ere, at kasabay no'n ang pag-asa niyang na matunton niya ng tama ang isla. Sa bawat pagaspas ng pakpak ng Pegaso ay ang panalangin niyang magiging ang lahat at hindi na maulit pa ang naging digmaan mahigit apat na taon nang nakalilipas.
Sa ibaba niya ay ang tahimik na bayan na kanilang nadadaanan— ang bayang hindi alam na may tumatakas palang binata sa ere sakay ng isang Pegaso mula sa Palasyo.
Paglapit nila sa force field na nagsisilbing hangganan ng mga lupain sa Titania, binigkas agad ng binata ang enchanta, at tuluyan siyang nakatawid sa lupain ng Tareen.
Sunod-sunod na pumasok sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan na minsang nakita niya sa isang panaginip noon— ang nakaraan na nasaksihan ng lupain ng Tareen, sa mismong Ilog Eowa.
Kay payapa ng mga bayang nadaanan niya sa gilid ng Ilog Eowa. Nang dahil sa ilog ay nagkaroon siya ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.
"Dito sa ilog na 'to iniwan nila Ina at Ama habang sila'y tinutugis ng mga alagad ni Reyna Valentina," bulong ng binata sa hangin habang pinagmamasdan ang ilog sa ibaba.
Nilingon naman niya ang lupain sa silangan na alam niyang patungo sa Pecularia, ngunit pinalipad niya ang Pegaso pakanluran. Sa Isla Paradeis muna siya tutungo dahil iyon ang kanyang pakay sa paglalakbay niya.
Pagkatapos niyang madaanan ang Hilagang Tareen, narating niya ulit ang hangganan ng Tareen at ngayo'y kinakabahan na siya ng kaba. Eto ang unang paglaklakbay niya sa Enchares ng mag-isa at umaasa siyang makakabalik siya ng buhay.
Alam niyang mas balot ng hiwaga at misteryo ang lupaing ito kumpara sa ibang mga lupain ngunit sinusubukan niyang magiging matatag upang makapiling niya muli ang kanyang mga magulang.
Sa kanyang pagbigkas ng enchanta ay hindi na naglaho na ang binata at ang kanyang sakay na Pegaso sa himpapawid ng Tareen.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...