Jai's POV
May hindi talaga akong alam tungkol sa mga Alahas.
"Oh, mukhang hindi ka na ata uupo sa trono ng inyong Palasyo. Balita ko'y andoon na ang inyong kakambal at binubuo muli ang pinabayaan mong Kaharian."
"Hindi ko pinabayaan ang Kaharian. Kayo ang walang awang sinira at pinatay ang Hari at ang mga kawal!"
"Ano gagawin mo ngayon? Sirain isa-isa ang mga kuta namin? Tsk, maubos man kami ay hinding-hindi mo pa rin ako mapapatumba gayong nasa akin ang Pulseras ng Aire Quimera!"
Ikinumpas niya ang kanyang kamay at mula sa kalangitan ay may mga nabuong mga buhangin na patungo sa aming kinatatayuan.
"Ako na ang bahala sa kanya!" sabi ko sa kanila saka lumutang sa ere at sinugod si Ransé.
Kaagad lumiyab ang mga kamay ko at agad nagpatapon ng mga apoy papunta sa kanya ngunit sa pagkumpas ulit ng kanyang kamay ay isang pwersa ng hangin ang tumama sa hangin na siyang umihip sa akin palayo sa kanya.
Sa kislap ng kidlat ay naglaho naman siya sa paningin ko.
Paglingon ko sa likuran ay saka ko pa siya nakita at muli siyang nagpakawala ng pwersa ng hangin papunta sa akin. Nabundol ang aking katawan sa gusali at pinatili lamang ako doon ng pwersa galing kay Ranse. Pilit kong nilalabanan ang pwersa upang makatakas ngunit sa isang iglap, lumitaw sa harap ko.
"Walang kapantay ang kapangyarihan ko, 'di ba?" pang-aasar niya at iniangat niya ang kanyang kamay saka nilapat sa leeg ko.
"Ang dapat sa iyo, mawala na sa mundong 'to dahil balakid ka sa aming mga plano!" pangigigil niya't sinakal ako.
"Mauuna ka!"
Mas lumakas ang enerhiya sa loob ko at nagawa kong hawakan ang brasong sumasakal sa akin. Iniangat ko ang kabila kong kamay at itinutok sa mukha niya saka ko pinakawala ang pwersa ng apoy na siyang direktang tumama sa kanya.
Tumilapon siya at ang pwersa mula sa kanya ay nawala, kaya't nakakilos ako muli. Nasa palad ko naman ang Pulseras na hindi namalayan ni Ranse.
Ngayon ay hindi na niya taglay ang kapangyarihan ng Pulseras.
Nakuha ko na ang Alahas ngunit nagtaka ako sa asta ni Ranse na tumatawa lamang na pinagmamasdan ako.
"Akala mo talaga siguro mawawala kaagad ang kapangyarihan ko? Tsk, tsk, tsk. Wala ka talagang kaalam-alam tungkol sa mga Banal na Alahas. Ipapaliwanag ko na lang sa'yo ang lahat, kapag nasa kabilang buhay ka na!"
Muli niya akong sinugod at nagpakawala ng mas malakas pang pwersa patungo sa akin. Litong-lito ako sa nangyayari ngunit pinatili ko pa rin ang enerhiya sa loob ko. May hindi talaga akong alam tungkol sa mga Alahas.
Isa lamang ang naiisip ko kung bakit hindi nawala ang kapangyarihan ng Pulseras kay Ranse.
Posibleng sumanib ang kapangyarihan ng Aire Quimera sa kanya.
May koneksyon ito sa nangyari sa amin ni Xandrus. Sumanib mismo ang Ave Fenix kay Xandrus kahit ako ang may-ari ng Alahas. Gayong hindi naman si Ranse ang may-ari ng Pulseras, posibleng sumanib nga ang Aire Quimera sa kanya.
Hindi ko alam kung paano tanggalin ang kapangyarihan niya, pero may naiisip ko. Yun nga lang, hindi ako nakakasigurong mapapatumba ko ang kagaya niya, gayong dalawa ang kapangyarihan niya. Talagang mahihirapan ako.
Ayaw ko namang idamay ang mga inosenteng residente dito sa isla kapag inulit ko ang ginawa ko sa Isla Hordeo.
"Arejo, ilikas niyo ang mga tao palayo rito. Magpakalayo-layo na kayo rito, pakiusap!" utos ko kay Arejo at agad siyang sumang-ayon.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...