Xandrus’ POV
Isang pagtaas ng kilay mula kay Merdelia ang bumungad sa amin sa pintuan ng silid ni Chonsela. Nagtataka ako kung bakit nasa harapan namin siya kasama ang mga kaibigan ngunit kita ko rin sa kana ang pagtataka dahil sa presenysa namin.
“OMG, why are you here in this place? Nandoon ang rooms niyo so bakit kayo naparito?” sabi niya.
She’s very fluent in speaking English since it was introduced to the students a year after the war through my Dad, but still, I’m not used to students here speaking in that language, lalo na’t nasanay akong makarinig ng purong Titanian na lingwahe dito within almost four years.
“Kailangan naming makausap si Chonsela,” sabi ko.
“She’s busy. Mas mabuti pang pumunta na lang tayo sa himnasyo para alamin ang anunsiyo mula sa tagapamahala ng Academia,” sabi naman niya saka sinara ang pintuan.
“Hindi kami aalis dito hangga’t hindi namin nakakausap si Chonsela. Tsaka isa pa, wala naman akong narinig na balita na magkaibigan kayo ng may-ari ng silid, kaya wala ka naman sigurong rason upang pumasok ka dyan kasama ang mga alipores mo,” sambit ni Leia na nagpasinghap sa grupo ni Merdelia.
Napaismid si Merdelia kay Leia na tinataasan siya ng kilay. Bihira lang na ganito si Leia, na nananaray nang higit pa kay Merdelia, at bukod pa dyan, wala pa si Jai. She really changed throughout the years.
“Well, anak rin ako ng Guro dito sa Academia, so I can do whatever I want,” she replied.
There it is. That’s what I expected to hear from her. Hindi na ako nagulat pa kung sabihin niya ‘yan sa harap namin, dahil obvious naman na she’s taking advantage of having the same surname of one of the teachers here. Lumabas na rin ang tunay na kulay ng pagkatao niya mula sa dila niya.
“You feel superior with that?” I asked.
“If that’s so, I can do whatever I want too, same as you.”
I smirked right before she could catch me. I stepped forward, just near enough to look down at these girls in front of me who have the gut to invade someone else’s room. I’m wondering what they were doing inside Chonsela’s room.
“Get out of my sight.”
Just after I spit those words, the familiar heat goes out from within me and spread through every vein in my body. Nararamdaman ko ang mainit na pwersa na pilit kumakawala sa loob ko, na nagawa kong kontrolin habang kumukulo ang dugo ko dahil sa mga babaeng ayaw na magpatinag sa isang salita.
“Kakasabi mo lang na anak ka ng isang guro dito, and we’re both the same. You can do whatever you want, same as me. Ibig sabihin ba no’n, kaya ko na kayong TUSTUHIN sa harap ko dahil gusto ko? Dahil ANAK AKO NG ISANG GURO?”
I can see their sweats dripping down their faces, except for Merdelia who’s just looking back at me with no emotion. I know my friends are trying to stop me right now but they can’t get near me. Through my peripheral view, my attention was caught by the students who are starting to come over to where we are now, so I tried to calm down the energy that I am feeling within.
“Merdelia, alis na tayo bago pa siya sumabog—”
“Hindi. Hindi tayo aalis. Tignan natin kung saan ang kaya ng isang ito,” sabi ni Merdelia kahit na pinigilan na siya ng isang kasama niya.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...