Kabanata 62

98 6 0
                                    





Jai's POV










Nasa isang silid-pagpupulong kami ni Haring Leo at Xandrus habang ang iba naman ay nasa kabilang silid. May kasama rin kaming kawal sa loob. Ngayon, nasa iisang mesa kami at katabi ko naman si Xandrus.

"Bakit nga pala ako ang pakay ng mga lumusob?" unang naitanong ko agad kay Haring Leo.

"Ang kwintas mo. Hinahanap nila."

Napatingin na lamang ako sa suot kong kwintas na kumikinang dahil sa likidong nakapaloob nito.

"Bukod sa gusto nilang nakawin ang kwintas, balak rin nilang sakupin ang lupain ng Titania. Sabi ni Ginoong Gabreil, huling bilin ng balak pumaslang sa kanya ay babalik sila hangga't pa nila nakukuha ang kwintas."

"Imposible naman kung aking kwintas lamang ang kagustuhan nila sapagkat 'di 'to sapat upang sakupin ang buong lupain ang Titania. Kakabalik pa nga lang nito sa akin," usal ko na ikinataka ni Haring Leo.

"Anong ibig mong sabihin—"

Agad akong naglabas ng kaunting apoy mula sa hintuturo ko na siyang ikinagulat ni Haring Leo. Hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. "Totoo nga."

"Dahil nasa iyo ulit ang kapangyarihan ng Ave Fenix, nasa panganib ang buhay mo ngayon, Jai. Pinaghahanap nila ang Apat na Alahas na ayon sa bagong kasulatan, ang mga alahas na nabibigay kapangyarihan sa sinumang may-ari o tagapagmana nito."

Biglang tumayo si Haring Leo at may kinuha sa isang kahon. Isang aklat ang inilabas niya at binuklat sa isang pahina kung saan may nakaguhit na mga larawan ng apat na alahas. Isang pulsera, isang hikas, isang singsing, at isang kwintas ang mga alahas na tinutukoy ni Haring Leo.

"Matagal na naming hinukay ang nakatagong nakaraan ng Ama mo, Jai. Masyadong mailap ang nakalap naming impormasyon tungkol sa mga kadugo mo, sapagkat ikaw na lamang ang nabubuhay na tunay na Oclamidos. Bukod pa riyan, isang mang-aalahas ang Ama mo, kaya napasayo ang kwintas na iyan, ngunit ang tanong, paano niya 'yan nakuha gayong magbibigay iyan sa'yo ng kapangyarihan?"

Habang patuloy na bumubuo sa aking kalooban ang kalituhan ay mas lalo akong naging interesado ulit sa nakaraan. Nasagi naman sa isip ko si Eirob. "Ngunit Haring Leo, may nakilala ako noong nasa Kaharian ng Vanhua ako. Pangalan niya ay Eirob, at katulad ko, may taglay rin siyang kapangyarihan mula sa kanyang kwintas. Tubig ang elementong nakokontrol niya."

"Kung gan'on, nakilala mo ang may-ari ng isa sa mga alahas," singit ni Xandrus.

"Bukod pa riyan, hindi lang siya may-ari ng alahas, kakambal ko rin siya."

Natahimik silang dalawa. "Parehong-pareho ang mga mukha namin sa unang pagkikita namin. Napakadugyot lamang niya ngunit hindi talaga nagkakalayo ang mga mukha namin. Kaya mas naguguluhan pa rin ako sa nakaraan ko," paliwanag ko.

"May nakalap rin kaming impormasyon tungkol riyan," tugon ni Haring Leo. "Nang minsang umalis ang mga magulang mo ay mayroon daw nakakitang may bitbit silang dalawang sanggol. Noong una, ayaw kong pinawalain at kung baka sakaling totoo man, mas paniniwalaan ko pang lumisan ring ang kapatid mo kasama sila. Ngunit dahil sa sinabi mo pa, unti-unti nating nabubuo ang tagong nakaraan ng pamilya mo, Jai."

Agad na nag-utos si Haring Leo na magpadala ng kawal na maghahanap sa kakambal ko. Nagbanta naman ako na makapangyarihan ang kapatid ko kaya dapat mag-ingat sila bago pa sila maunahan ng mga lumusob dito sa Palasyo. Sa pagkakaalala ko, nasa kulungan siya noong lumisan ako ngunit nasa kaguluhan naman ang kaharian noong panahon na iyon.

Di kaya dinukot nila si Eirob?

Pinagpatuloy naman namin ang diskusyon tungkol sa mga alahas. Sabi ni Haring Leo, posibleng dating ibang alahas ang mga kwintas namin ni Eirob nang mahanap ni Ama ang mga ito. Hindi nakasaad sa kasulatan ang elementong taglay ng mga alahas at mailap lang din ang impormasyon na nakasulat sa aklat. Mukhang nanatili pa ring alamat ang mga alahas hanggang sa may nakadiskubre tungkol sa mga ito.

"Kung kapangyarihan ng Ave Fenix ang napasaiyo, ano naman sa kakambal mo?" tanong ni Haring Leo.

Inalala ko ang engkwentro namin ng kakambal hanggang sa naalala ko ang panahon na hinabol ko siya at pilit na inaagaw ang ninakaw niya bago kami nahuli. "Ahas, mga ahas," sabi ko. "Agua Serpiente."

Isang katok sa pinto naman ang pumutol sa diskusyon namin at isang kawal ang pumasok. "Mahal na Hari, may kaguluhang nangyayari sa Barrio La Trinidana."

"Mukhang bumalik ulit sila," sabi ni Haring Leo. "Magtungo kayo sa itaas. Mas ligtas kayo roon," bilin niya sa amin.

Bago pa mana ako makapagsalita ay naunahan niya ako. "Wag magtigas ng ulo. Sumunod kayo sa aking utos," mawatoridad niyang bilin saka siya umalis at agad kaming dinala ng limang kawal sa itaas.

Pinalabas rin sina Philip sa kabilang silid at sumama sa amin sa itaas. Dinala kami sa silid ng Hari at pinapasok kaming lahat saka binantayan. Agad naman akong kinamusta nina Leia kung ano ang mga pinag-usapan namin ngunit naagaw ang aming atensyon nang napansin naming nanghihina si Bela.

"Kanina pa siya nakakaramdam ng sakit ng ulo, natatakot kami," pag-aalala ni Rafaela habang pinagmasdan namin siyang nagpahinga sa kama.

"Susubukan ko siyang gamutin," sabi ni Philip saka niya nilapitan si Bela.

Habang ginagamot niya si Bela ay napadungaw naman ako sa bintana at natanaw ang Kaharian. Kalat sa buong paligid ang mga kawal at binabantayan ang Palasyo. Kita ko sa baba si Haring Leo na parang bang naghahanda sa kung anumang paparating sa oras na ito. Nag-aalala ako sa kaligtasan ng lahat.

May kumatok naman sa pinto at agad na nagsipaglabasan ang kawal na kasama namin sa silid ngunit bigla naman kami nakarinig ng pagdaing sa labas kaya nagtaka kami. Tumayo naman si Xandrus sa harap ko nang narinig naming pumihit ang pinto. Kita ko ang pagliwanag ng mga kamay nina Raphael at Ella at ang paghawak sa akin ni Philip sa tabi ko.

Isang lalaking may suot na itim na manto ang pumasok sa silid at agad niya kaming nilingon sa kanyang pagpasok. Humarap siya sa amin at binaba ang talukbong, kaya agad ko siyang nakilala at bumubuo ang pagtatala at galit sa loob ko nang makita ko siya.

"Oh, dito ko lang pala kayo makikita," sabi niya sa amin at bahagyang napatawa ngunit agad namang naging seryoso ang mukha niya.

"Sino sa inyo ang tagahawak ng isa sa Apat na Alahas?"

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon