Xandrus' POV
"Xandrus..."
"Xandrus..."
"Xandrus, gising na! Ano ba! May klase pa tayo! Gusto mo bang mahuli tayo?!"
Isang malakas na boses na bumalabog na naman sa mahimbing kong tulog. Halos tatlong taon ko nang tinitiis ang boses niya sa tuwing ginigising niya ako.
"Kailangan pa bang papasok ako sa kwarto mo para lang gisingin kita? Ano na?!" sabi pa niya.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang bihis na bihis kong mahal na si Jai na parang bang ikakamatay niya ang mahuli sa klase.
"Kiss muna," sabi ko pa ngunit nakita kong kukurutin na naman niya ang tyan ko kaya agad na akong umiwas.
"Kiss ka 'jan. Kakasikat pa lang ng araw, 'yan na iniisip mo. Iwan na nga kita 'jan! Lagot ka kay Master Yves!" sabi niya sabay alis sa kwarto ko.
Tinignan ko naman ang orasan sa pader at kita kong alas 5 pa ng umaga, isa't kalahating oras bago magsimula ang almusal namin.
Hindi ko alam bakit napapraning yung Mahal ko kahit maaga pa. Eh halos kami nga rin nauuna sa almusal namin eh.
Oo, hanggang ngayon, kami pa rin, pero ayaw niya kasing lagi kaming pag-uusapan ng mga kapwa-estudyante rito dahil sa relasyon namin. Kaya gusto niya, lowkey muna kami. Masaya naman ako, as long as kasama ko siya.
Habang nag-aayos ako sa sarili ko ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan at alam ko kung sino yun.
"Xandrus, ano na? Ayaw mo ba talagang lumabas 'jan ha?! Dalian mo!"
"Oo na, andyan na, mahal kong Jai-jai!" malakas kong sabi habang isinuot ko rin ang pulang cloak ko.
Paglabas ko ay nakita kong nakasandal siya sa pintuan ng kanyang silid, nakatapat lang sa akin. Yun nga lang, parang ang talim na ng tingin niya sa akin.
"Buti na lang, nakalabas ka na sa lungga mo. Kundi, sinira ko na 'yang pinto mo. Iwan na nga kita 'jan!" sabi niya at naglakad palabas ng lobby.
"May dalaw na naman kaya yun?" rinig kong boses ni Raphael na saktong paglabas niya sa kanyang silid ay nakitang nagdadabog si Jai na umalis.
"Ewan ko nga eh. Araw-araw naman gano'n yun eh. Hindi ko pa nga iniinis, ang sama na ng tingin sa 'kin," sabi ko at sumabay na rin kay Raphael papunta sa Dining Hall.
Kasabay rin namin ang mga nakakabata naming mga estudyante dito sa Academia. Nasa ikaapat na taon na kasi ako kasama ang mga ka-batchmate ko, kaya kami na ang kung baga "seniors" dito.
Yung mga nagtapos naman ay pinapadala pabalik sa kani-kanilang mga lupain at inaasahang pamunuanat protektahan ang mga bayan nila gamit ang mga natutunan nila rito, na inaasahang gagawin rin namin pagkatapos naming manatili sa Academia.
"Magandang araw, Kya Xandus!" sabi ng isang taga-Kanluran na babae na kasabay namin.
"Magandang umaga rin!" sabi ko at narinig kong tumili pa ang kasama niya saka kami inunahan sa paglakad.
"Nu ba 'yan?! Ikaw na lang parati yung napapansin nila! Kahit isang pagbati lang sa akin, 'di pa rin nila magawa," sabi naman ni Raphael na ikinatawa ko.
"Siguro, mas pogi lang talaga ako kaysa sa'yo," sabi ko.
"Hindi ako sang-ayon 'jan, dahil ako ang pinakagwapong nilalang nabuhay sa buong Titania!" pagtututol niya sa sinabi ko pero naagaw ang atensyon ko nang may tumabi sa amin.
"Sa'n banda ba 'jan sa mukha mo ang nagtataglay ng kagwapuhan?"
Lumingon si Raphael sa nagsalita at nakita niyang tawang-tawa si Leia sa reaksyon niya.
"Kung makatawa ka sa mukha ko, parang ikaw rin ang pinakamaganda sa Academia ah," sabi naman ni Raphael na ikinasapo ko na lang.
Sa lahat-lahat pa ng pagsabihan niya ng gano'n, yung nililigawan pa niya talaga.
Bago pa ako madamay sa pagtatalo nila ay inuunhan ko na sila at sinundan si Jai na kahit isang lingon lang sa akin ay 'di magawa.
Pagkarating ko sa Dining Hall ay naabutan kong malapit nang mapuno ang mga mesa na hudyat na malapit nang magsimula ang kainan. Nakita ko naman ang bakanteng espasyo na nasa tapat lang ng kinauupuan nina Jai at Rafaela na kasalukuyang nag-uusap.
"Magandang umaga," bati ko sa kanilang dalawa.
"Magandang umaga rin, Xandrus," bati naman ni Rafaela sa akin.
Hindi naman lumingon sa akin si Jai kahit na mesa lang ang nasa pagitan namin.
"Wala bang pagbati 'jan mula kay Jai-jai ko?" sabi ko at sa wakas, lumingon nga pero nakita kong nainis siya.
"Umaayos ka nga 'jan, maraming estudyante dito, Xandrus," mahina niyang sabi, sapat lang na marinig ko sa kalagitnaan ng ingay dito sa loob.
Napaupo na lang ako at saktong dumating naman ang dalawang nagliligawan na galing sa pagtatalo kanina. Nakabusangot si Raphael habang si Leia naman ay parang wala lang.
"Anong nangyari sa inyo kanina?" tanong ko kay Raphael.
"Ewan ko ba bakit pinatulan ko pa siya. Hindi ko na alam kung sasagutin pa ba niya ako o hindi," sagot niya na ikinatawa ko na lang.
Pagkatapos ng aming almusal ay dumiretso na kami sa aming silid-aralan. 'Di na tulad ng dati na ang mga estudyante sa iisang silid ay galing sa parehong pangkat.
Kaya naman, may kaklase ako nakakahalubilo na galing sa Hilaga, Silangan, at Timog na pangkat. Nagbago na kase ang sistema ng pamamahala rito sa Academia matapos ang giyera sa Pecularia. Pati nga English ay isinali na rin bilang isang asignatura namin.
Sa katunayan nga, hindi kami magkaklase ni Jai kaya naging mas madalas na ang aming pagkikita tuwing klase. Wala na rin ang akong kaiinisan sa kalagitnaan ng klase.
Nga pala, speaking of giyera sa Pecularia, may nasirang mga gusali rito no'ng panahon na iyon kaya pinaayos lahat ang mga nasira at mukhang bago rin ang mga silid namin, kahit na tatlong taon na ang nakalipas.
Si Dad at Mom? Ayun, tuluyan na rin silang nanirahan dito sa Pecularia. Naging guro na nga rin si Mom dito sa Academia at nagtuturo sa mga estudyante sa unang taon.
Ang dami nga talagang nangyari pagkatapos ng naganap na giyera sa Pecularia. Ang dami.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantezieBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...