Kabanata 44

122 13 0
                                    





Jai's POV









Kinabukasan, dumating ang isang karwaheng Pegaso sa labas ng Palasyo. Nagpasalamat ako sa Hari at Reyna ng Kaharian ng Isla Vanhua sa kanilang pagtulong sa akin upang makabalik.

Sinalubong ako ni Pinunong Gabreil at agad na kinamusta ang aking kalagayan. Nakaramdam ako ng tuwa dahil makakabalik na rin ako sa wakas ngunit sa kabila no'n ay nag-alala ako kay Eirob na kasalukuyang nakakulong sa bilangguan ng Palasyo.

Sa kasagsagan ng pangangamusta sa akin ni Pinunong Gabreil ay isang pagsabog ang aming narinig mula sa Palasyo na siyang umagaw sa aming atensyon.

Isang grupo ng guwardiya sibil ang nagsipagtakbuhan patungo sa likurang bahagi ng Palasyo, kung saan matatagpuan ang bilangguan.

Natataranta naman lumapit sa amin ang isang guwardiya at agad na kinausap si Pinunong Gabreil. "Paumanhin, ngunit nagkaroon ng kaguluhan sa bilangguan ng Palasyo. Kung maaari ay lumisan na kayo upang hindi pa kayo madamay."

Pinalibutan na ako ng mga kawal na kasama ni  Pinunong Gabreil ngunit pilit kong umalis mula sa kanila.

"Ginoong Jai, saan po kayo pupunta? Mapapahamak ka lamang kung babalik ka sa loob," pagpigil sa akin ni Pinunong Gabreil.

"Nasa loob ho yung kakambal ko. Pakiusap, tulungan niyo akong iligtas siya!"

Nagtaka siya sa sinabi ko at pinigilan pa rin sa pag-alis. "Paumanhin, ngunit hindi namin naiintindihan ang ibig mong sabihin. Mahigpit na utos ng kamahalan na agad kang ibalik sa Palasyo sa oras na matagpuan ka."

Hinila na ako ng mga kawal at hindi na nagawa pang bumalik sa loob ng Palasyo. Lumingon lamang ako sa pinangyarihan ng pagsabog at umaasang malayo sa kapahamakan ngayon si Eirob.

Pumasok na ako sa karwahe at agad na naghiyawan ang mga Pegaso. Nang umangat na mula sa lupa ang sinasakyan namin, dumungaw na lamang ako sa bintana upang masaksihan sa huling pagkakataon ang lugar kung saan ko nakilala ang kakambal ko.

Akala ko sa Palasyo lang may kaguluhan ngunit pansin kong nagkagulo ang mga tao sa labas ng tarangkahan. Nagpupumilit silang pumasok, nagsisigawan, at nanlalaban sa mga guwardiya sibil na pumipigil sa kanila.

Habang lumalayo ang sinasakyan namin ay pinagmasdan ko lamang ang magulong sitwasyon ng Kaharian ng munting isla. Kung may maiitulong lang sana ako sa kanilang bayan, baka may rason pa akong manatili doon.

Nanatili ang aming sa sinasakyan sa himpapawid. Ilang bayan sa Agresa ang aming nadaanan bago kami nakatawid sa lupain ng Despaza.

Inabutan pa kami ng ilang araw at gabi makatawid lamang dalawa pang lupain bago kami tuluyang nakarating sa lupain ng Serentos.

Hatinggabi na nang nakalapag sa teritoryo ng Palasyo ang karwahe. Kay tahimik ng kapaligiran ngunit mas dumami pa ata ang mga kawal na nagmamasid kung saan-saan.

"Pumasok na tayo, Ginoo. Matagal ka naming hinahanap, lalo na ang mahal na Hari. Lubhang nag-aalala ang Hari sa'yo mula no'ng dinukot ka at nawala ng halos isang buwan," sabi ni Pinunong Gabreil sa akin at hinatid ako papasok ng Palasyo.

Parang akong naiiyak sa tuwa nang makita ulit ang Palasyo na naiwan ko matapos akong dinukot ng mga Siquestro. Natutuwa ako kasi, sa wakas nakabalik na ako. Ligtas na ako.

Dinala ako sa aking kwarto at pinaghintay muna doon. Parating na raw ang Hari kaya manatili lang muna raw ako.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at niluwa nito ang isang lalaking nakarobang kulay asul na agad na tumakbo palapit sa akin.

Isang nakakapanabik na yakap ang natanggap ko mula sa pinsan ko. Muntikan pa akong matumba dahil sa bigla niyang pagyakap sa akin na parang isang munting bata.

"Nakabalik ka na, insan."

Tila nakarinig ako ng paghikbi mula sa kanya na unang beses ko lamang nasaksihan. Napaiyak na rin ako dahil sa pag-iyak niya habang nagyayakapan pa rin kami.

"Unang beses ko atang nakitang umiyak sa aking harapan ang Hari ng Silangang Serentos," pabiro kong sabi saka kami kumalas sa yakap namin.

"Ginawa namin ang lahat upang hanapin ka, insan. Sobra akong naalala, Jai. Sobra. Mabuti't nakatanggap kami ng sulat mula sa Kaharian ng Vanhua na nakita ka nila," sabi niya saka pinahid ang mga luha niya.

Nakakatawa siyang pagmasadan dahil kay tanda na niya ngunit kung makaiyak parang isang batang inaway ng mga kalaro niya.

"Wag ka nang mag-alala. Andito na ako, insan. Andito na ako."

Kay lalim na ng gabi ngunit napagpasyahan kong ikuwento kay Haring Leo ang lahat ng pinagdaanan ko simula no'ng dinukot ako sa kaarawan ni Ina.

Hindi naman siya makapaniwala na nagawa kong lagpasan ang lahat ng pagsubok na iyon ngunit inaamin naman niyang ipinagdarasal niya ako gabi-gabi na maging malakas ako para magawa kong lumaban sa sinumang mang-ampi sa akin.

Magpapadala naman siya ng utos sa mga kawal na tugisin ang mga salarin sa pagdukot sa akin upang maparusahan sa kanilang ginawa.

Bukod pa riyan, may nalaman pa ako mula kay Haring Leo sa aming pag-uusap.

"Yung mga alahas— mga alahas ng iyong Ina, at ng mga nagdaang mga Hari at Reyna, nawawala rin kasabay ng iyong pagkawala. Hanggang ngayon, hindi pa rin nababawi ang lahat na iyon," aniya.

"Di kaya, yung mga dumukot rin sa akin yung nagnakaw ng mga alahas?" suhestiyon ko.

"Yung rin ang suspetsa namin. Ang problema, hindi sila mahagilap ng mga kawal. Mailap sila ngunit ginagawa na namin ang lahat upang matugis sila at mabawi ang mga ninakaw nila."

"Alam ko kung nasaan sila ngayon."

"Saan?"

"Sa Isla Vanhua."

Kinuwento ko pa sa kanya ang tungkol sa grupo na sangkot dito. "Sila ang mga Siquestro— isang grupo na nagmula pa sa Agresa. Dumudukot sila ng mga bata at binebenta nila upang pagkakakitaan. May mga marka sila sa katawan. Kakampi nila ang mga Pirata."

"Sa kabila no'n, wala akong nakuhang impormasyon na may ninanakaw sila, pero kung sino man ang sisisihin dito sa pagnakaw ng mga alahas ni Ina, sila lamang nakikita ko," dagdag ko pa.

Tinapos na namin ang usapan nang dinadalaw na kami ng antok. Nangangako naman si Haring Leo na gagawin niya ang lahat upang mababawi ang mga alahas ni Ina, ngunit bago pa man siya makalabas sa aking silid, tinawag ko siya muli.

"Paumanhin, pero may isa pa pala akong bagay na dapat kong sabihin sa iyo," pagtigil ko sa kanya.

Lumapit pa ako sa kanya bago nagsalita muli. Alam kong maguguluhan siya sa aking sasabihin. "Nakilala ko ang aking kakambal sa Isla Vanhua."

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon