Jai's POV
Mahigit isang oras ang aking igininugol sa paghahanap sa Pegaso ko na siyang natagpuan ko namang nagpapahinga sa lilim ng puno. Kailangan na naming makabalik pa sa Palasyo kaagad nang sa gayon ay hindi ko maipag-alala ang Pinuno.
Paangkas na ako sa Pegaso ng biglang nagliwanag ang aking kwintas. Hindi tulad noong nakaraan ang kakaibang pagkislap nito at habang pinagmamasdan ko ay mas lalong lumalakas ang liwanag nito hanggang sa tuluyan akong napadaing at bumagsak sa lupa.
Sa isang iglap ay namilipit ako sa hapdi at sakit na gumagapang sa buong sistema ng aking katawan. Kay raming boses na bumubulong sa aking isipan ang aking narinig kung saan-saan. Tila hinahabol ko ang sarili kong pahinga na parang bang may humihigop ng hangin mula sa aking baga. Iba't ibang imahe na ang aking nakikita na halos hindi ko maintindihan at makilala.
Ramdam na ramdam ko sa aking dibdib na may sasabog na enerhiya mula sa loob na kay init at hindi ko mawari hanggang sa napasigaw akong nakadapa sa lupa.
Ang liwanag na aking nakikita ay unti-unting nawala at nasilayan ko muli ang paligid dito sa Isla. Hingal na hingal akong bumangon mula sa lupa ngunit inatake ako ng pagkagulat nang lumiyab ang damong nahawakan ko. Agad akong napatayo at pinagmasdang kumakalat ang apoy sa damuhan. Kasabay noon ang paghalinghing ng aking Pegaso na natakot rin sa aking ginawa.
Hindi maaaring mangyari 'to.
Bakit nasa akin ulit ang kapangyarihan ng Ave Fen—
Si Xandrus.
Bigla namang kumirot ang sentido ko at nakarinig ng mga pagsigaw. Nang bumalik ang ulirat ko ay nagtaka ako sa nangyayari sa akin.
Kailangan munang pumunta sa Academia ngayon din. Tinataktak ko ang aking kamaya sa pag-aakalang mawala ang apoy sa palad na nangyari naman. Kay tagal ng hindi ko napasakin ang kapangyarihan na 'to, pero ni kailanman ay hindi ko hiniling na bumalik ito sa akin.
Agad akong umangkas sa Pegaso at hinila ang mga bato saka humiyaw at lumipad ito sa ere. Kay presko ng hangin na sumalubong sa akin nang makatawid kami sa karagatan at ngayo'y tutungo kami sa direksyong pasilangan.
Nang aking mabigkas ang enchanta ay ligtas kaming nakatawid sa kabilang lupain na kay tagal kong hindi nasilayan. Sumalubong sa akin ang kakahuyang minsan kong napuntahan sa labas ng Academia.
Habang papalapit na ako sa Academia ay pansin kong sira na ang malaking tarangkahan kaya nagmadali akong tumungo, ngunit nang hindi pa ako nakakalapit ng tarangkahan ay biglang may kumuryente sa akin at sa Pegaso. Dahil do'n, napahiyaw ako at tumilapon kasama ang Pegaso ko sa lupa.
Ganito na pala kalakas ng force field ng Academia. Pero bakit? Ba't hindi ako makapasok—
Nga pala, hindi ko dala-dala ang medalyeon ko.
Ilang sandali lamang ang lumipas ay may biglang sumugod na mga kawal sa tapat ng tarangkahan—mga tagabantay ng Academia.
Bumangon ako at paika-ikang lumapit sa tarangkahan. "Paumanhin, ngunit ako'y estudyante dito kaya papasukin nyo po ako!"
Walang imik ang mga tagabantay na nakatingin lang sa aking gawi, ngunit sa hindi ko inaasahan ay sumulpot mula sa kanilang likuran si Guro Giz.
"Guro Giz? M-Magandang araw ho! Nais ko pong pumaso—" pagbati ko sa Guro ko ngunit pinigilan niyang akong magsalita nang itinaas niya ang kaniyang kamay upang pahintuin ako.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantastikBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...