Kabanata 26

195 14 3
                                    





Xandrus' POV









Bigla na lang ako nagising nang walang rason. Madilim pa rin ang paligid dahil pinatay ko ang ilaw bago ako matulog.

Pagtingin ko sa orasan, nalaman kong alas dos pa ng madaling araw.

Ewan, nakaramdam lang ako bigla na ng kakaibang enerhiya sa loob ko.

Hindi ko naman maiwasang isipin ang kalagayan ni Jai ngayon sa Silangang Serentos. Sana naman ay nagkakamali lang ako sa kutob ko.

Kanina pa kasi ako nakakaramdam ng hindi maganda sa pagsasanay.

I just passed out in the middle of the class. Paggising ko, nasa pagamutan na ako at sina Raphael ang sumugod sa akin doon. Napaka-weird lang kasi, bigla na lang ako nahimatay without any concrete reason, kahit na ako hindi ko alam.

Inadvise lang sa akin na magpahinga at hindi ko muna gagamitin yung kapangyarihan ko for the mean time. Hindi rin kasi alam anong rason ng pagkahimatay ko.

Mas mabuti na rin na nangyari yon para makatakas ako kay Guro Giz na talagang nagbabaga ang dugo sa akin habang nagsasanay kami.

Si Master Yves naman, hindi ko pa nakakausap tungkol sa nalaman ni Merdelia kay Jai. Naghahanap pa ako ng tamang oras upang ipaalam sa kanya ito. Baka kasi madatnan na naman si Guro Giz doon sa palapag ni Master Yves.

Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya bumangon ako sa kama ko at naglakad patungo sa kusina. Binuksan ko agad ang ref at kinuha ang isang pitsel ng tubig saka ako kumuha ng baso sa mesa.

Habang nilalagyan ko ang tubig ang baso ay bigla na lang may kumuryente sa buo kong katawan. Kaya, bumagsak sa sahig ang hinawakan kong baso at nabasag.

Napasandal ako sa lababo habang pilit ko pang inintindi ang nangyayari sa akin.

Bigla ring nag-apoy ang mga kamay ko. Sinubukan kong kontrolin ngunit tila nagwawala na ang kapangyarihan ko.

Imposible.

Nagsimulang gumapang ang buong apoy sa buong katawan ko. Umiinit na rin ang pakiramdam ko na mas ikinabahala ko.

Nangangamba akong baka mapahamak pa ang ibang mga estudyante dito dahil sa nangyayari sa akin.

Dali-dali akong nagtungo sa pintuan ng silid at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang madilim na pasilyo, pero agad na akong tumakbo palabas upang mailayo ko ang sarili dito sa dorm.

Napansin kong tila nasusunog na ang tinatapakan ko kaya mas minabuti kong magmadali nang lumabas ng dorm.

Nang nakita ko na ang pintuan ay agad ko yung tinulak upang mabuksan at nang tuluyan na na akong makalabas ay mas lalo pang lumakas ang kapangyarihan ko.

Sa kabila ng lumalakas ng enerhiya ay tila nanghihina na ako na parang bang hinihigop ng kapangyarihan ko yung lakas ko.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko hanggang sa nakaramdam na ako my sobrang hapdi sa loob kaya napasigaw na ako nang malakas sa gitna ng gabi.

Napakainit.

Tila kumawala sa aking katawan ang isang napakamalakas na enerhiya na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari hanggang sa humupa ang enerhiya at dumilim ulit ang paligid ko.




***




Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon