Kabanata 15

200 14 0
                                    





Xandrus’ POV









Sa tingin ni Jai sa akin, alam kong gusto niya akong kausapin gayon rin ako sa kanya, ngunit tila umurong ang dila ko mismo nang nakaharap ko ulit siya.

Lumingon muna ako sa kanya bago ako tuluyan lumisan sa Infirmary at sumama kay Dad sa opisina kung saan dinala ang mga mangingikil na hinarap nila Jai at Philip kanina. Agad nang gumawa ng mahiwagang lagusan si Dad sa harap namin at pumasok kami doon kung saan nadatnan naming ang mga mangingikil mula sa pangkat Hilaga.

Nagulat sila sa pagdating namin. Nakita ko namang nakatalikod ang silyang inuupuan ngayon ni Master Yves. Lagot sila ngayon.

“Magandang tanghali, Master Yves. Pasensya kung agad ko silang dinala rito sa opisina mo,” bati ni Dad kay Master Yves at bahagyan yumuko gayon rin ako.

“Ipaliwanag mo sa akin ang nangyari, Jedrick Alexandrus,” tugon naman niya na tinango ko. Napalingon naman ako sa grupo at kita ko kung gaano sila nagmamakaawa sa mga tinginan nila pero hindi ako nagpadala.

“Susundan ko na sana kung saan nagtungo ang mga kaibigan ko nang nadatnan ko sila sa likurang bahagi ng isang gusali kung saan pinalibutan sila ng mga estudyante itong na galing sa pangkat Hilaga. Sapilitan po nilang hinihingi ang mga pera ng mga kaibigan ko at nakakasiguro po akong pangingikil ang ginagawa nila kaya humingi na ako ng tulong. Bago ko pa mapigilan sa kanilang gagawin ay dumating si Guro Markus na nagdala sa mga ito,” wika ko na siyang narinig ng lahat na nasa loob ng opisina.

Sinadya kong hindi binanggit na anak ni Master Yves ang tinutukoy kong isa sa mga pinagtripan nila dahil sinabihan na ako niya kanina nang palihim, doon pa lang sa agahan.




Habang abala ako sa pag-ubos ng pagkain ko ay may bigla akong narinig na pamilyar na boses kaya napatigil ako sa pagnguya saka ko nillingon ang may-ari ng boses. Hindi ‘to tumitingin sa akin ngunit alam kong kay Philip ‘yon.

“Pascua, alam kong nagtataka ka ngayon kung bakit andito ako sa loob ng Academia ngunit ‘wag mo sanang ipag-alam kung kanino ang tungkol sa akin at sana manatiling lihim muna sa ngayon ang pagkatao ko. Sapagkat, nagpapanggap lamang akong kaklase ni Jai na siyang bilin sa akin ni Ama upang masamahan siya habang kasalukuyan niyang pinapanatili ang espasyo niya mula sa iyo.”

Pagkatapos kong maintindihan ang sabi niya sa akin ay napansin kong lumingon siya sa kinauupuan ko ngunit agad ring umiwas. Hindi ako nagkakamaling ako talaga kinakausap niya sa isip ko. At akala ko, iyon na ang sasabihin niya nang may narinig ulit akong boses sa isip ko.

“Sana maunawaan mo ang sitwasyon ninyo ni Jai at irespesto ang pag-iiwas niya sa’yo.”




Tila nagbalik ulit ang aking malay mula sa pag-alala ng nangyari kanina nang nagsalita si Master Yves. “Guro Markus, alam mo na ang gagawin sa kanila,” tanging sabi niya na tinango ni Dad.

Tinignan namin ang labing-dalawang nanginginig na sa kaba dahil sa sinabi ni Master Yves na malayo sa inaasta nilang ang angas-angas habang pinagtitripan nila sila Jai at Philip. Lumuhod naman ang pinuno nila sa sahig na siyang sinundan ng mga kasama niya. “Master Yves, pasensya na po sa aming nagawa. Ipinapangako po naming hindi na iyon mauulit pa—“

Naputol ang pagmamakaawa niya nang biglang umikot paharap ang silya ni Master Yves at nakita naming nagliliwanag na ang kanyang mga mata na siyang ikinatakot nila.

“Sinabi ko bang magsalita ka, Albegir mula sa munting lupain ng Kanlurang Despaza?” kalmado niyang wika ngunit ramdam namin ang galit mula sa tingin niya. Kung gano’n, Albegir pala ang pangalan ng nangunguna sa grupo.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon