Jai's POV
Isang masukal na daanan ang tinatahak namin habang nakagapos pa rin ang aking mga kamay sa mahabang lubid na siyang nakatali rin sa ibang mga batang nadakip nila sa likuran ko.
Kanina pa kami naglalakad sa gubat ngunit sabi naman ng isang nakamanto ay malapit na raw kami.
Tiniis ko naman ang nararamdaman kong gutom dahil sa paglalakad namin. Hanggang ngayon kasi eh hindi ako pinapansin ni Lino kaya hindi ako makahingi ng pagkain.
"Nagugutom na ako," sabi ng batang nasa likuran ko.
"Ako rin," sabi naman ng kasunod niya.
Huminto naman ako sa paglalakad na siyang nagpahinto sa lahat. "Saglit lang."
"Bago niyo kami ibenta, bigyan niyo naman kami ng makakain. Kanina pa kami kumakalam ang mga tyan namin. Nanghihina na kami dahil sa gutom."
Nagsipagtinginan sa akin ang mga nakamanto. Bumaba naman sa kanyang kabayo ang isa sa kanila na nakilala ko agad dahil sa laki ng katawan at katangkaran nito.
Hinawakan niya ang baba ko at sa takot kong makita ang mga mata niya ay napapikit na lamang ako.
"Ilang beses nang nauudlot ang paglalakbay namin dahil sa'yo, Sakkaib," sabi niya. "Malapit na ring maubos ang pasensya ko sa'yo."
Umiling ako upang ialis ang kamay niya sa baba ko.
"Wala akong pakialam kung maubos ang pasensya niyo sa akin. Unang-una sa lahat, kasalanan niyo na rin naman kung bakit dinakip pa niyo ako. Tsaka, hindi naman masyadong mabigat ang hinihingi namin sa inyo, 'di ba?"
Napayuko ako saka napadilat ulit. Hindi na siya nagsalita pa at umalis sa harap ko.
Nilingon ko naman ang mga bata na nakatingin sa akin. Malamang nagtataka sila sa akin kung bakit napapikit ako.
"Wag na wag kayong tititig sa mga mata nila kung gusto niyo pang mabuhay. Naiintindihan niyo ba?" sabi ko sa kanila at napatango naman sila.
Pagkatapos ng ilang sandali ay may lumapit ulit sa akin at nag-abot ng isang supot.
"Paghatian niyo na 'yan," sabi niya saka ko kinuha ang supot mula sa kanya.
Sinilip ko ang laman ng supot at sa loob nito ay may tatlong piraso ng tinapay. Mas nagutom pa ako nang langhapin ang amoy nito.
Nilapitan naman ako ng mga kapwa-bihag ko at nag-aabang sa hawak kong pagkain. Anim kaming bihag kaya hinati ko sa dalawa ang bawat piraso ng tinapay.
"Salamat po, kuya."
Sa oras na iyon, nasilayan ko ang mga ngiti nila sa labi sa gitna ng sitwasyon namin. Ang saya-saya nila nang sa wakas ay makakain na sila.
Hindi dapat sila naririto tulad ko.
Hindi ko rin hahayaan na may mangyari sa kanila at sisiguraduhin kong maibabalik sila sa kani-kanilang mga tahanan.
"Oh inumin para sa inyo," rinig ko mula sa isang nakamanto na nakilala kong si Safida.
Nagdadalawang-isip pa akong kunin ang isang lalagyan ng inumin na inaabot niya sa akin. Parang kailan lang no'ng muntik na niya akong patayin tapos ngayon, parang ang bait-bait na.
"Salamat," kinuha ko saka siya umalis.
Binuksan ko ang lalagyan at sa pag-amoy ko, parang umanghang ang ilong ko dahil sa tapang ng baho nito. Parang nasusuka pa ako kaya agad kong tinapon ang laman ng lalagyan sa isang halaman malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasíaBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...