Kabanata 31

139 13 0
                                    





Jai's POV









Gabi na ngunit heto, nasa gubat pa rin kami at magpapalipas muna dito sa kulungan namin. Nag-iisip pa rin ako kung paano kami makakatakas mula sa mga hangal na 'to.

Buti na lang, binibigyan kami ng makakakain kanina, kung hindi, mamamatay talaga kami sa gutom dito sa loob.

Nag-aalala na ako sa Palasyo. Sana madatnan pa talaga nila ako ng buhay dito.

Tahimik na ang paligid namin at tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang naririnig ko bukod sa hilik ng mga kasama ko na mahimbing nang natutulog.

Yung grupo naman na dumakip sa amin, nasa kanya-kanyang tolda na sila ngunit may isang gising na nagbabantay sa amin at nagmamatyag sa paligid.

"Psst!"

Sinitsit ko yung nagbabantay at lumingon naman siya sa gawi namin. Kumaway ako ngunit agad niyang binaling ang tingin sa paligid at hindi ako pinansin.

"Psst!"

Sa ikalawang tawag ko ay lumingon siya ulit at lumapit sa kulungan.

"Ano bang kailangan mo?"

Hinawakan ko tyan ko na parang namimilipit ako sa sakit. "Tinatawag na ako ng kalikasan. Pwede bang lumabas sandali? Ang sakit na ng tyan ko!"

"Huwag mo akong subukang lokohin. Nais mo lang tumakas, munting Sakkaib. Tama ba ako? " sabi niya at bahagya natawa.

Base sa boses niya, parang ka-edad ko lamang siya o di kaya'y dalawang taon lang ang agwat namin. Siya yung gumamit ng palaso na muntikan nang nagpahamak sa kasama ko kanina.

"Halata naman. Pero seryoso, ang daming lamok no! Kanina pa ako kinakagat dito sa loob. Tsaka ang lamig dito sa labas. Buti ka pa, ang kapal ng manto niyo. Baka pwedeng makahiram?"

"Magsindi ka lang ng apoy jan sa loob para hindi ka lamigin," sabi niya saka umalis.

Tsk, sana nga lang pwede magsindi dito sa loob. Yun nga lang, baka ikamatay naming tatlo dito.

Dinalaw naman ako ng antok kaya umidlip na lang ako at humiga sa sahig ng kulungan. Hindi man ako komportable pero kailangan munang magtiis—

"Oh eto."

Bumangon ako dahil sa boses na iyon at nakita kong may hawak nang isang manto ang kinausap ko kanina. Inaabot niya sa akin ang manto.

"Ay, mabait ka naman pala. Salamat," sabi ko sabay kuha ng manto.

"Hindi ako nagpapakabait. Sadyang iniingatan ka lang namin dahil malaki ang kikitain namin sa iyo."

"Talagang ibebenta nyo talaga ako? Akala ko ba magkakaroon ako ng pakinabang sa grupo niyo? Sinabi pa nga 'yan ng pinuno niyo kanina."

Hindi na ako nakarinig pa ng tugon mula sa kanya kaya sinuot ko na lang ang mantong binigay niya. Hindi na ako medyo nakakaramdam ng lamig kaya komportable na akong matutulog nito.

Hihiga na sana ako nang mapansin kong nanginginig na ang dalawang kasama ko dahil rin sa lamig. Hinubad ko na lang ang manto saka kinumutan sila upang hindi lamigin.

May suot pa rin naman akong manto na suot ko no'ng piging sa Palasyo. Gusot-gusot at madumi na nga lang.

Habang nagpapagpag ako, biglang nagsalita yung nagbabantay sa amin.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon