Kabanata 74

94 6 0
                                    





Jai's POV









Nagising na lamang ako kinabukasan sa loob ng isang maliit na silid. Nang dumungaw ako sa bintana ay natanaw ko ang dagat. Pansin ko namang ang mga benda ko sa mga kamay.

Lumabas ako ng silid kahit mejo nahihilo pa ako dahil sa alon ng dagat. Nagpunta ako sa itaas at bumungad sa akin ang pangkat namin na masayang kumakain sa hapag.

Nang napansin nila ako ay tila nataranta naman sila, pati si Philip na agad akong nilapitan. "Kamusta ang iyong pakiramdam? Maayos na ba?"

"Medyo, nakakaramdam pa ako ng pagod—"

Bigla namang kumalam ang tyan ko na ikinatawa niya. Hinatid niya ako sa hapag-kainan at nagsalo-salo kaming lahat sa hapag. Nagtagumpay raw kasi kami sa aming misyon na pabagsakin ang kuta ng Siquestro at ngayon, nasa isang barko kami na naiwan nila sa baybay.

Nasa gitna kami ng karagatan kaya hindi kami nila agad matunton ng mga kalaban kapag nagkataong bumalik sila sa isla.

Nagpasalamat naman ako sa kanilang tulong dahil kung wala sila, hindi kami magtatagumpay sa misyong ito. Ngayong napabagsak ko na ang kuta nila sa Isla Hordeo, yung Alahas naman ang susunod kong pupuntiryahin.

Sa ngayon, wala pa akong ideya kung saan agad mahahanap si Ransé. Alam kong siya ang may hawak nito at posibleng ginagamit na niya ang kapangyarihang taglay ng Pulseras.

"Siya nga pala, Jai. May nakalap akong impormasyon kagabi bago namin iniwan ang kuta," sabi ni Philip at na-intriga naman ako sa kanyang ipinarating.

Bukod sa sa Isla Hordeo, may isa pa raw silang kuta na nasa teritoryo pa rin ng Isla ng Vanhua. Medyo mahirap na ang magiging sitwasyon dahil papasok na kami sa pangunahing sila ng Kaharian ng Vanhua, at baka sumali sa sigalot ang Kaharian kapag magkatagpo ulit ang landas namin at ng mga Siquestro doon. Marami ring madadamay doon lalo pa't marami ang mga residente sa Isla.

Nanatili kami sa karagatan hanggang sa lumubog ang araw. Sa oras na iyon ay lumayag kami pasilangan at dumaong sa Isla ng Vanhua. Hindi kami nagtungo sa daungan dahil paniguradong makakaagaw kami ng atensyon dahil sa barko namin.

Mas lalo kaming mag-iingat ngayon gayong malaki ang tyansang andito rin si Eirob at baka makaharap ko ulit sa dito sa kanyang kinagisnang bayan. Bumababa na kami mula sa barko at pinangunahan ko ang grupo. Binalaan naman kami ni Philip dahil sa lakas ng enerhiya ni Eirob sa islang 'to.

Sabi ni Arejo, medyo malayo pa ang lalakbayin namin at hindi pwedeng makilala kami ng mga tao sa ganitong itsura. Kaya, nagpasya kaming suotin ang mga natitirang mantong itim mula sa barko. Magbabalatkayo muna kami na mga Siquestro.

Tinahak namin ang munting kakahuyan at narating namin agad ang pinakamalapit na bayan. Pagala-gala pa rin ang mga tao at parang may kasiyahan atang nagaganap rito.

"Nagdidiriwang ata sila ng kapistahan sa isla," sabi ni Arejo.

Katulad ng nauna naming ginawa ay hinati namin ang grupo at nagkahiwalay. Naglagay rin kami ng palatandaan sa manto upang makilala pa rin namin ang isa't isa at hindi mapagkamalan na kalaban.

Dumaan kami sa mga eskinitang wala masyadong mga tao na gumagala. Kasama ko pa rin si Philip at iba pang mga kawal. May paparating naman na mga tao kaya nagsipagtago muna kami sa mga hindi naiilawan na sulok. Pinaglagpas namin sila, ngunit may nahagilap ang mga mata ko sa grupo na dumaan.

Lalapit na sana ako ngunit pinigilan ako ni Philip.

Alam kong nahagilap niya rin ang marka niya.

"Baka paslangin siya ng mga kawal kapag mapansin rin nila ang marka niya," sabi ko sa kanya.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon