Jai's POV
Paulit-ulit na umaalingaw ang pamilyar na boses sa paligid— tanging walang hanggang kadiliman.
"Lino?"
Pilit kong sinusundan ang boses na dinadala ng hangin, naglakad at paminsan-minsang nadadarapa sa sahig. Pilit kong bumangon, kahit na wala akong alam kung saan ako dapat tutungo.
Nahihirapan. Naghihingalo. Nagtataka. Nangangamba.
Isang boses muli ang umalingawngaw, ngunit hindi iyon pagmamay-ari ni Lino. Tinatawag niya ang aking pangalan.
"Xandrus?"
Sa huli kong pagbagsak sa sahig, tanging dasal ko lamang sa Diyos ng Titania na sana matapos na 'tong paghihirap ko.
***
Isang kamay ang humahaplos sa aking pisngi ang nagpagising sa akin.
"L-Lino?"
Sunod-sunod kong naalala ang bawat eksenang naganap sa barko. Sa isipan ko'y nagpakita si Lino, hawak-hawak niya ang kamay hanggang sa binitawan niya ako— isang alalang nagpaluha ulit sa akin.
"Lola, umiiyak siya!"
Napadilat ako sa biglang sigaw na aking narinig— pigura ng isang lalaki at babae ang nakita ko. Malabo pa ang aking paningin sa oras na iyon, at isang iglap, nakita ko ang mga mukha nila.
Hindi ko nakilala kaya agad akong bumangon ngunit napahiga ulit ako sa sakit ng aking katawan.
"Huminahon ka muna, bata," sabi ng ginang.
Namimilipit ako sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan na ngayon ko lamang na naranasan.
Nagbalik muli ang aking alala sa barko at huli ko lamang natatandaan ang isang kidlat na tumama doon habang tinatangay ng alon ang aking bangka palayo.
"Nasa'n ho ako?"
"Nasa bahay namin," sabi ng lalaki na bahagyang natawa. Siniko naman siya ng matandang ginang at napadaing. "Aray naman, totooo namang nasa bahay natin siya, lola."
Binigyan naman ako ng ngiti ng ginang. "Nasa Barrio Siba ka, hijo."
"Barrio Siba?"
Nagkatinginan silang dalawa. Ni wala man silang sinabi ngunit ibig ipahiwatig ang kanilang tingin na hindi ko maintindihan.
Binaling ulit ng ginang ang kanyang tingin sa akin. "Barrio Siba, Isla Daeko."
Isla Daeko. Hindi pamilyar sa akin ang isla. Ngayon ko lang narinig ang lugar na ito.
Iginala ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa loob ako ng isang silid. May sira-sirang parte sa pader na tinakpan-takpan lamang ng tela. May liwanag pang tumatagos sa mga kahoy.
"Siya nga pala, tawagin mo sa pangalang Lola Saia," pagpapakilala ng ginang saka tinuro ang lalaki sa tabi ko. "Siya naman si Ekai."
"May isa pa akong anak, si Chen. Nasa palengke siya ngayon. Siya yung nakakita sa'yo doon sa dalampasigan at dinala ka niya dito sa bahay," sabi pa ng ginang.
"Jai. Jai po ang aking pangalan."
"Sa'n ka ho nanggaling? Nakita ka ni Kuya Chen sa dagat pagkatapos dumaan ang bagyo sa isla," singit naman ni Ekai.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...