Kabanata 23

165 14 0
                                    





Xandrus’ POV









Nagising ako nang may nahulog na liham sa mukha ko. Nakarinig naman ako ng huni ng kwago kaya bumangon ako upang tignan ko kung saan iyon nanggaling. Nakita kong may kwago nga na lumipad palabas sa bintana.

Kinuha ko ang liham at nalaman ko kaagad kung kanino ‘to nanggaling. Binasa ko naman at nalaman ko na ngayon pala sila aalis. Nagtaka ako dahil masyadong napaaga ngunit sinabi niya na may bagyong paparating sa Serentos sa gabi kaya maaga silang aalis upang hindi sila maabutan.

Nalaman ko ring sasamahan siya ni Philip papunta doon. Alam kong hindi siya papabayaan no’n pero hangga’t alam kong may gusto iyon kay Jai, hindi ako kampante na siya ang kasama niya ngayon sa Serentos.

Kung hindi ko sana napabayaan yung relasyon namin, siguro ako ang kasama ni Jai ngayon doon.




“Nakaalis na pala si Jai,” sabi ni Rafaela habang nasa nag-aalmusal kami.

“Napaaga naman yata,” sabi naman ni Raphael.

Tahimik lang naman ako na kumakain hanggang sa siniko ako ni Raphael sa tagilliran. “May ibinilin ba siya sa’yo?”

Isang simpleng tango lang ang tugon ko ngunit narinig kong nagsalita si Leia. “Nagtatampo ‘yan dahil iba ang kasama niya ngayon.”

Tila nawalan na ako ng gana sa aking kinakain kaya hindi na ako nagpatuloy sa pagkain at tumayo. “Magbabanyo lang ako,” paalam ko bago umalis.

Nagtungo ako sa banyo nang may nadatnan akong dalawang lalaki na nag-uusap sa lababo. Hindi na sana ako makikinig pa sa kanila ngunit naagaw nila ang aking atensyon sa kanilang nabanggit.

“Alam mo ba, nagkakagulo ngayon ang mga tagapamahala ng Academia dahil may nawawalang tatlong estudyante kanina. Kaya nga, wala tayong kasama na Guro ngayon, dahil hinanap pa nila ang mga nawawala.”

“Gano’n ba? Eh pa’no naman yun nangyari? Tsaka kailan pa sila nawawala?”

“Sabi nila, kaninang madaling araw pa raw nawawala. Ayaw lang sabihin ng mga Guro upang hindi magkagulo sa loob ng Academia.”

Pagkatapos kong narinig iyon ay pumasok sa isip ko ang mga batang kaibigan ni Jai pati ang pag-alis  ni Jai kaninang madaling araw. Malakas ang kutob kong hindi ako nagkakamali na sila nga iyon ang tinutukoy nilang nawawala kaya bumalik ako sa Dining Hall at sinubukang hanapin ang mga bata sa mesa ng Pangkat-Hilaga. Nang hindi ko sila mahagilap,  dali-dali akong lumabas ng Hall at tumakbo papunta sa gusali ng mga opisina ng mga Guro.

Umakyat ako patungo sa opisina ni Master Yves ngunit agad akong naharangan ni Guro Giz sa pasilyo. “Pasensya ka na, Pascua, ngunit nasa isang biglaang pagtitipon ang lahat ng mga Guro at tagapamahala ngayon.”

“Totoo nga bang may nawawalang mga estudyante?” tanong ko.

“Sinusubukan naming lahat ang ayusin ang problemang ito bilang mga tagapamahala ng Academia, at ikaw, Pascua, hindi porket anak ka ng Guro dito, makikialam ka na at didiretso sa opisina ni Master Yves upang ipag-alam ang kahit anumang nalalaman mong mga maling impormasyon na kumakalat sa Academia. Pumunta ka na sa unang klase,” sabi niya saka umalis.

Parang akong nainsulto sa sinabi ni Guro Giz nang dahil lang anak ako ni Dad. Now, he’s thinking I was taking advantage of being son of one of the teachers here; well in fact, I was just a concerned student asking for any confirmation sa mga nawawalang estudyante.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon