Xandrus' POV
Nakaramdam ako ng hilo matapos gumamit ng mahiwagang perlas si Philip upang makarating kami agad sa lupain ng Faran. Kasama namin si Leia at isang lalaking mula sa bayan sa dulo ng Silangang Serentos. "Nasaan na tayo?" agad kong naitanong nang bumalik sa dati ang aking paningin.
"Nasa Faran na tayo, sa bayan ng Cumaoan," tugon ni Philip.
Sumunod lamang ako kina Philip at Leia na nag-uusap sa lokasyon ng isa sa mga may-hawak ng Banal na Alahas, si Guandres Hagor. Bigla namang umakbay sa akin ang isa pang kasama namin. Si Khalios. "May itatanong lang sana ako, kung ayos lang sa'yo, Ginoo?"'
Pasimple lamang akong tumango bilang tugon.
"Kasintahan mo ba yung tagapagmana ng Kaharian?" tanong niya.
"Oo."
"Ahh kaya pala. Iba kase tinginan ninyo kanina. Kita ko naman kung gaano niyo kamahal at pinagkakatiwalaan ang isa't isa."
Hindi ko na siya pinansin pa nang nakarating na kami sa mataong parte ng bayan. Maraming mga konkretong mga kabahayan ang nadaanan namin at mga ordinaryong taong nakakasalubong namin. Nakamanto naman kami upang hindi kami makilala ng mga tao. Hindi pa kami nakakasigurong naunahan pa namin ang grupo ng mga Siquestro dito.
Si Leia at Philip muna nagtatanong-tanong sa mga tindahan tungkol kay Hagor hanggang sa may nakalap silang impormasyon sa kinaroroonan niya. "Nasa kalye ng ikalawang kanto ang bahay niya. Puntahan na natin," sabi ni Philip sa amin.
Hindi ko alam ngunit parang may nakagilap akong pamilyar na manto sa paligid. Nagpatuloy lamang kami sa paglakad hanggang sa nakarating kami sa isang bahay na may maluwag na espasyo sa paligid nito. Hindi na kami nagdalawang-isip pang tumapak sa teritoryo ni Hagor at dumiretso sa pintuan ng bahay. Medyo malaki ang bahay ngunit pinagdaanan na ng panahon at kapansin-pansin ang mga sira-sira sa bahay.
Pinihit ni Philip ang pinto at bumungad sa amin ang madilim na loob nito. Pumasok kami at napansin namin ang mga kagamitan na nabalot sa tela. Masyado ring maalikabok ngunit tiniis ko muna.
"Sino kayo?" isang malalim na boses ang nagpagulat sa aming apat.
"Hinahanap namin si Ginoong Guandres Hagor," tugon ni Philip.
"Umalis na kayo," pagtataboy ng sinumang nagsalita.
"Hindi kami aalis hangga't hindi pa namin nakakausap si Guandres—"
Naputol ang sinabi ko nang may biglang inihagis na malaking bato sa patungo sa amin na iniwasan namin. Tumama ang bato sa sahig at biglang nabutas iyon at tuluyang nahulog ang ihinagis na bato sa amin. Nanggaling iyon sa isang madilim na sulok sa bahay.
"Pakiusap, may itatanong lang kami tungkol sa isa sa mga Banal na Alahas na nakuha niya noon," sabi ko at biglang tumahimik ang paligid namin.
Naging alerto kami dahil baka hagisan ulit kami ng bato nang nagpakita sa amin mula sa madilim na sulok ang isang dambuhalang tao na halos abot na sa kisame ang laki niya. "Umalis na kayo, mga hangal!" sigaw niya na umalingawngaw sa loob ng bahay.
Sa lakas ng sigaw niya ay parang masisira na ang bahay. Yumayanig naman ang sahig nang nagsimulang yumapak ang dambuhala papunta sa amin.
"Hawakan mo," sabi ni Khalios sabay abot ng dulo ng isang makapal na tali na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Lumayo kami sa isa't isa habang hawak namin ang magkabilang dulo ng tali at sinalubong ang dambuhala nang sumugod siya papunta sa amin. Natisod ang dambuhala sa taling hawak namin at natumba sa sahig, ngunit hindi namin inasahan ang pagkasira ng sahig at nahulog kami kasama ang dambuhala.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]
FantasyBook 2 of 3 Formerly titled as "Pecularia II: Ang Ikalawang Yugto" Pagkatapos ang pagkabagsak ng kaharian ng Silangang Serentos, ipinagpatuloy nina Xandrus at Jai ang kanilang mga buhay sa Academia de Pecularia hanggang sa pagsapit ng kanilang ikaap...