Kabanata 54

132 10 0
                                    





Xandrus' POV










Nagising ako dahil sa isang marahang pagtapik sa aking mga balikat. Sa aking pagdilat ay parang nakikita ko ang mukha ni Jai, ngunit 'di nagtagal ay saka ko lang nakilala ang tumatapik sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

Napabalikwas ako sa aking hinigaan. Nasa kanyang silid ulit ako ngayon, gayong nasa bingid ng kamatayan kami kanina.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya saka siya lumayo sa akin.

"Niligtas kita mula sa kanila. Akala mo siguro mamamatay ka na kanina no?" sabi niya sabay tawa.

Sa oras na iyon, saka ko lang naintindihan ang nangyari sa amin. Kung gano'n, totoo ngang may kakayahan siyang katulad kay Miya.

Teleporting.

Hindi ko man nasaksihan pero alam kong iyon na taglay niyang kapangyarihan. Yung nga lang, hindi pa rin ata niya ako nakikilala.

"Hindi mo pa rin ako nakilala?" tanong ko sa siyang ikinataka niya.

"Akala ko'y pasasalamatin mo ako sa ginagawa, pero iyan pa ang naitanong mo," sabi niya. "Kung nakilala na kita, edi alam ko na sana ang iyong pangalan, Ginoo."

"Kung gano'n, itatanong ko lang sana ang iyong pinanggalingan, kung maaari ba?"

"Ngayon lang tayo nagkita, ba't sasabihin ko sa iyo ang tungkol riyan?"

Sa pananalita niya, kuhang-kuha pa rin niya si Miya. Sa naalala ko, mukhang ganito rin makipag-usap sa amin si Miya.

"Itatanong ko na lang kung nasaang parte ba ako ng Titania, para makauwi na rin ako sa lalong madaling panahon."

"Titania? Ano iyon?"

Akala ko nagbibiro lamang siya sa kanyang sinabi, ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Doon na nagsimulang nawala ang aking pag-asa na makauwi sa Academia, dahil mismo 'tong babae na 'to, hindi rin alam kung nasaan siya ngayon.

Nagpalipas ako ng isang araw sa kanyang tahanan. Medyo napagod kasi ako kakalakbay kahapon, nagbabaka-sakaling makakauwi ako ngunit bigo ako. Nakapanayam ko naman si Bela habang pinapatuloy pa niya ako dito.

Seryoso siya sa kaniyang sinabi na hindi niya alam ang tungkol sa Titania. Tanging huling naalala lamang niya ay nasa labas siya ng isang 'di pamilyar na malaking gusali at pinagsabihan na malaya na siya.

Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari at nagpakalayo-layo na lamang mula sa lugar hanggang napadpad siya rito. Kay layo ng kanyang nilakbay, pero buti na lamang ay nakakita siya ng isang sira-sirang kubo kung saan kami nananatili ngayon. Inayos niya ito at nagsilbing tahanan niya simula no'n.

Wala rin siyang alam kung nasaang lupain kami ngayon, ngunit nalibot na raw niya ang lupain dahil sa taglay niyang kakayahan na maglipat-lipat ng lugar.

Naalala ko naman ang sinabi niya noong una naming pagkikita. Iniligtas niya ako sa dalampasigan mula sa mga mababangis na ibon na kakain sana sa akin. Akala ko makakatulong na iyon sa akin upang malaman kung nasaan kami ngayon ngunit halos lahat ng lupain sa Titania ay sinasalubong ng mga karagatan, maliban sa Pecularia.

"Wala bang bayan malapit dito?"

"Wala akong nakikitang bayan malapit rito, ngunit hindi pa naman ganoon kalayo ang aking nalibot sa lugar na ito. May kakasagupa naman ako na mga manlalakbay sa daan ngunit hindi ko alam kung saan nila nanggaling at saan sila papunta," sabi niya.

Ave Fénix II: Muling Pagsiklab [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon