CHAPTER 191:

586 30 2
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 191:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan...

Nagsimula na ang isang linggong pahinga ng Tokyo Team sa North Macedonia bago maglaban ang Best 4 Teams ng Division 1. Sa kabilang mga dibisyon ay ganun din, sina Rukawa ay may panahon sila upang makapagpahinga sa lahat ng napagdaanan nila sa Elimination Matches ng kani-kanilang mga Row.

Si Haruko at Mari ay parehong nagpaalam kina Hanamichi at Zakusa na gagala sila sa syudad ng Skopje City. Ang ibang players ng Tokyo Team ay kanya-kanyang gulong sa mga higaan nila habang ang triplets naman ay abala sa kakalikot ng laptop ni Mittsu.

Nilapitan naman sila ni Hanamichi.

"Uno, Dos at Tres... Anong ginagawa niyo? Abalang-abala kayo dyan ah?" Tanong nito sa kanila.

"Ahh--- eto ba? Hinahanap kase namin yung site ng Intercollegiate Matches para sa Division 1 Row Representatives." Sagot ni Hitotsu.

"Row... Representatives?--- patingin nga!" Sumingit si Hanamichi sa pagkakaupo sa kanilang pagitan.

Pinanood ni Hanamichi ang ginagawa nila pero niisa ay wala siyang naintindihan. Kung ano-ano ang tinatype ni Mittsu pero si Hanamichi ay hanggang tingin lang. Talaga ngang bihasa ang tatlong ito sa teknolohiya.

"Ang galing niyo sa kompyuter ah... Anong kurso kinuha niyo? Isang department lang ba kayo o iba-iba?" Tanong ni Hanamichi sa triplets.

"Medyo may kinalaman din sa technology pero iba-iba kami--- Computer, Science and Technology kase ang kurso ko." Sagot ni Mittsu.

"Ako naman sa Information Technology." Sagot din ni Hitotsu.

"At ako naman ay Computer Science." Gabun din si Futatsu.

"Ahhh... So, sa ibang subject niyo ba ay kaklase niyo si Olivia?" Tanong muli ni Hanamichi.

"Olivia... As in si Ate Levesque ba ang tinutukoy mo, tol?" Pangkaklaro ni Hitotsu.

"Oo." Hanamichi

"Minsan... Sa isang subject lang.." Sagot ni Hitotsu.

"Yung girlpren ni Jin-senpai?" Alalang tanong ni Futatsu.

"Sira, hindi yun girlpren ni Jin-senpai. Nanliligaw pa lang yun eh." Sagot ni Mittsu.

"Ayy oo nga noh? So may chance pa na bastedin siya ni Ate Olivia?" Nang itanony yun ni Futatsu ay ngumisi siya ng nakakaloko. "Hehehehe--- Ee kung agawin ko kaya si Ate Olivia---" di natapos sa sinasabi si Futatsu nang biglang magsalita si Jin na nakatayo sa kanyang likuran.

"Ee kung gilitan kita ng leeg dyan?"

Agad bumalikwas ng lingon si Futatsu ng marinig niya yon. Nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil nanlilisik ang mga tingin ni Jin sa kanya.

Galit na galit na parang layunin nitong higupin ang buhay ni Futatsu.

"WhaaaAaaaAAaAAh Kuya Jin naman! Joke lang eh!" Sabi nito at agad na lumuhod. "Joke lang yun, okay? Huwag ka na magalit." Pangungumbinsi pa nito.

Napabuga na lang ng hangin si Jin. "Ano bang ginagawa niyo?" Tanong nito.

"Hinahanap namin yung site para sa ibang mga Division. Site lang ng Division 1 ang nahagilap ko, medyo challenging pa yung tatlo." Sagot ni Mittsu sa kanya.

"Sakuragi, urog ka nga." Sabi nito kay Hanamichi saka umupo sa tabi nito.

Sabay nilang pinanood ang ginagawa ng triplets.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon