CHAPTER 231: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

362 37 5
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 231: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nagtapos ang laban ng Tokyo at Manila sa first half na may 26-23 points. 23 points para sa Manila Team at 26 points naman para sa Tokyo Team. Makokonsiderang maliliit na puntos ang pagtatapos ng 1st half dahil sa angking galing ng parehong kuponan sa opensa at depensa.

Parehong matibay na hindi pinagbibigyan ang isa't-isa na makapuntos at nalalamon ang oras sa kanilang pagiging bakod para hindi makadiskarte ang kalaban na makapuntos.

Si Bautista ay nanatili paring nakatingin sa gawi ni Coach Kawarama. Si Hanamichi naman ay nagtaka.

"Hoy! Lalake ka, wag mo ngang matawag-tawag na Master ang Lolo ko!" Nababanas na si Hanamichi.

Hinagis pabalik ni Coach Kawarama ang bola sa kanila, saktong dumapo sa kamay ni Bautista.

"Souren." Ngumiti si Coach Kawarama sa kanya.

Biglang hinagis ni Bautista ang bola at hindi sinasadyang tumama sa mukha ni Hanamichi.

*BLAAG!*

"MASTER KAWARAMA!" Nakangiting animoy bata na tawag ni Bautista saka tumakbo palapit sa pwesto ng kinagisnan niyang Coach.

Haharang sana ang Apat na Ungas nang sinenyasan sila ni Coach Kawarama na ayos lang.

Si Hanamichi naman ay inis na nakahawak sa bola habang ang mukha ay namumula sa pagkakatama nito.

Palapit na sana si Bautista nang hagisan siya ni Hanamichi ng bola sa ulo.

*POKK!*

"Aray!" Napahawak sa ulo si Bautista dahil sa sakit. Akala niya hinampas siya ng bakal sa ulo dahil sa lakas. "Ano bang problema mo?!"

"Problema mo yang lelang mo! Kung binabalak mong lumapit sa Coach Lolo ko hayop ka, dumaan ka muna saken!" Naiinis si Hanamichi sa kanya.

Ngumisi naman si Bautista, total tapos na ang first half at may bakante na silang oras. Bakit kaya hindi niya muna pagtripan si Hanamichi.

Mahinang natawa si Bautista sa kanyang pinaplano.

"Owss? Paano yan ee nasa unahan na ako?"

"Edi balik ka sa likuran ko." Sinugod ni Hanamichi si Bautista at tinulak niya ito papunta sa kanyang likuran at hindi sinasadyang napaupo ito sa sahig.

*BLAAG!*

Pumalag naman si Bautista sa kanyang ginawa, hinawakan niya naman ang isang paa ni Hanamichi at hinila dahilan para maub-ob ito sa sahig.

*BLAAG!*

"Hala nalagot na!" Nagulat si Mito.

"Ano bang problema mong panget ka?!" Sigaw ni Hanamichi pero si Bautista ay ngisi paring nakahawak sa isang paa niya.

"Ako ang unang makakalapit kay Master Kawarama!" Sagot niya.

"Shattap! Dudungisan mo lang yung lahi namin!" Hanamichi

"Hilassss... Akala mo naman kagwapuhan!" Bautista

Nagsimulang mataranta ang kanilang kasamahan sa court nang makita silang nagsasakalan.

Hanggang sa umabot na sa suntukan at tadyakan.

"SAKURAGI!" tawag sa kanya nina Maki at ng iba pa.

"ZOREEEEEN!" Sigaw din ng Manila Team.

Napasapo na lang ng noo si Coach Azul habang nanonood sa bardagulan ng isang player niya.

"Coach Azul, si Zoren nakipagbasag-ulo na naman." Sumbong ng isang player sa kanya.

Pero nakatingin lang si Coach Azul sa dalawa animo'y walang balak na awatin. "Hayaan mo siya, matanda na yan." Sagot niya saka naunang naglakad paalis ng court para pumunta sa kanilang Locker Team.

Ang ibang manonood na nakasaksi sa bardagulan nina Bautista at Hanamichi ay kanya-kanyang mga bulungan. Ang iba pa sa kanila ay binibedyuhan pa at nagpupustahan.

Ngumiti na lang ang Apat na Ungas.

"Ayos yan, Hanamichi. Tuloy lang!" Cheer ni Mito.

"Don't worry, nandito lang kami nakasuporta!" Sigaw din ni Takamiya.

"Galingan mo dyan, Hanamichi. Nagkipag pustahan kami Noma. Huwag mong ipahiya ang grupo natin." Ngumisi si Ohkusu.

Tinignan naman sila ang masama ni Hanamichi. "Mga gago, napakasupportive."

Isa-isa namang pinagbabatok ni Coach Kawarama ang Apat na Ungas. "Mga gunggong." Tinignan niya naman sina Bautista at Hanamichi na nagsasakalan pa rin. "HOY ITIGIL NIYO NA YAN!" sigaw niya.

Sakto namang nakalapit sina Maki at Pepito para paghiwalayin ang dalawa.

"Tama na, Sakuragi." Awat sa kanya ni Maki.

"Zoren, pakialala lang na wala tayo sa Pilipinas ngayon para makipagsabungan ka dyan." Sabi din ni Pepito.

Nang tuluyang natigil ang bangay nila ay talim naman nilang tinignan ang isa't-isa.

"Pulang Tikbalang." Asar ni Bautista.

"Mang-aagaw ng Lolo, ito oh piso. Bili ka ng bagong, Lolo!" Sagot ni Hanamichi.

"Tama na sabi ee. Tara na sa Locker natin." Hinila ni Maki si Hanamichi, dahil sa malakas ang pwersa nito kaysa sa kanya ay bumack up naman sina Sendoh at Futatsu.

Samantala sa bench audience ng Washington Team ay napasipol na lang si Rukawa.

"Gunggong talaga, sayang... akala ko headbutt na." Rukawa

Sinundot naman siya ni Sawakita. "Ngieee isa kapa, kunsintidor ka Rukawa."

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon