SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 207: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa natitirang oras na 6 minutes at 20 seconds ay may 31 points na ang Tokyo Team kumpara sa puntos ng Seoul Team na may 15 points.
Hawak ng Seoul Team ang bola. Pinatalbog yun ni Dojun. Agad nagsisulong ang mga kasamahan niya patungo sa kanilang half court kung saan nakatayo ang Tokyo Team para sa depensa.
Nagtagpo ang tingin nila ni Kurooshi na parang nag-aabang ng pasa. Libre ito at walang bantay. Hindi na siya nagdalawang isip na ipasa sa kanya ang bola.
*PASS!*
*PAKK!*
Napatingin ang lahat nang bigong napasa ang bola dahil sa biglaag sulpot ni Fujima kaya siya mismo ang nakasalo sa bola.
"Ayos! Nice interception!" Tuwang sigaw ni Mari.
Agad nagsibalikan sa Tokyo team half court sina Fujima at ang iba pang kasamahan nito. Nakasunod sa kanya si Maki at Sendoh habang ang nakaback-up at nasa ilalim agad ng ring ay sina Hanamichi at Hanagata.
"Grabe, ang bilis. Nakarating agad sila dyan." Sabi ni Kim Yu Rae. Ang manager ng Seoul Team.
Nang makarating si Fujima sa half court ay pinasa niya ang bola kay Maki na nasa 3 point malapit sa small forward area. Pagkabitaw niya sa bola ay laking gulat niya nang makita ang kamay ni Dojun.
Nakangisi si Dojun sa kanya.
*PAKK!*
Ang bola ay tumalbog patungo kay Sunah. Agad nagtarantahan si Hanamichi at Hanagata nang makita nila si Sunah na nakabalik agad sa half-court ng Seoul. Nag overhead pass si Sunah kay Kurooshi.
Tagumpay niyang nasalo ang bola.
Mabilis at matulin ang takbo ni Hanamichi at Hanagata kaso mabilis din si Kurooshi na maihahalintulad kay Hanamichi kaya hindi na nila mahabol hanggang sa makalapit na ito sa ring.
*DUNKKKKKKKKKKK!*
Isang malakas na dunk mula kay Kurooshi.
Naghiyawan ang mga supporters nila.
"AYOS PUNTOS!
GANYAN NGA KUROO!
HABOL TAYO SEOUL!" cheer nila.
Nag-apiran naman si Sunah at Kurooshi.
Sa 5 minutes at 40 seconds ay may 17 points na ang Seoul Team.
Pumalakpak namam si Sendoh para agawin ang atensyon ng mga kasamahan. "Okay lang yan Team. Tayo parin ang lamang. Bawi tayo." Sabi ni Sendoh sa kanila habang nakangiti.
Tumango naman silang apat.
"Ipagpatuloy lang natin yung estilo natin. Malalamangan din natin sila." Sabi ni Kurooshi habang nakataas ang hintuturo.
Dahil ang Seoul Team ang nakapuntos ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Binigay nila kay Sendoh ang bola para magsimula opensa.
(Bouncing...)
Tinaas ni Sendoh ang hintuturo niya akmang may sasabihin na naman nang agad magsalita si Hanamichi.
"Team---"
"Oo na, Sendoh! Alam na namin!" Sigaw ni Hanamichi sa kanya.
Pumunta sa harapan ang centro'ng si Sunah at Kurooshi. Silang dalawa lang ni Kurooshi ang may tangkad na 2 meter sa first five kaya mahalaga na sila nag mamuno sa depensang gagawin.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanficSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...