CHAPTER 253: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

620 40 16
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 253: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Hindi na lang sumagot si Hanamichi at napatayo na lamang saka niyakap ang lumuluhang si Haruko.

"Patawad, Haruko... Pakiusap, huwag ka nang umiyak. Nahihina ang katawan ko sa mga luha mo." Nakayakap na wika ni Hanamichi.

Napahawak naman ng mahigpit si Haruko sa suot na jersey ni Hanamichi. "Ikaw kase... Ang dali mo mapanghinaan."

"Sorry ulit." Wika muli ni Hanamichi at sa pagkakataong ito ay hinalikan niya ang noo nito.

"Sorry din kung nasampal kita." Despensa rin ni Haruko.

"Ayos lang, dapat lang sakin yun." Sagot ni Hanamichi.

"Edi kayo nang may jowa." Singit ni Sendoh sa pangyayare tila ba nagpaparinig. "Payakap nga rin ako Fukuda." Akmang yayakapin siya nito nang tumakbo ito palayo sa kanya. "Halang ang damot!--- sige ikaw na lang Ikegami." Lalapit sana siya nang...

"Tigil-tigilan mo'ko dyan, Sendoh." Seryosong wika niya.

Napakamot na lang sa pisnge si Sendoh at inekis ang kamay nito parang nagtatampo. "Edi don't!"

"KAMI NA LANG KUYA SENDOOOOH!" sigaw ng Triplets sa kanya saka tinalunan siya at pinagtulungang sakyan.

"Lumayo kayo sakin!" Sendoh

"Kuya Sendoooooh! Mukha ka talagang isda! Sarap mong lapain!" Tili ng Triplets animo'y mga pusa.

"Mga pusakal talaga!--- ano ba! Huwag yung buhok ko! Kaka-gel ko lang dyan!" Sendoh

***

Paglipas ng ilang minuto ay natapos na ang kanilang break, ang mga oras na iyon ay ginamit ni Coach Zakusa upang ibahagi ang mga plano at taktika na maaari nilang gamitin sa 2nd half. Tumunog na ang malakas na time buzz ng standium hudyat na kailangan na nilang bumalik sa court.

Habang naglalakad ang lahat pabalik sa court, si Hanamichi ay inaalala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Coach Zakusa kanina. Lalo na ang patungkol sa kanya.

"Sakuragi, huwag mong hahayaan na malupig ka ng mortal mong karibal na si Rukawa. Ang mga paghihirap mo sa training--- gawin mo yong inspirasyon para maging determinado ka.

At yung ginawa niya sayong pagbagsak kanina? Yun ang gawin mong pinakabasehan para mas lalo kang maging determinado.

Hindi porket mga standard players at NBA Recruits sila ay magpapatalo na tayo? Baka nakakalimutan mo kung anong bansag ng Tokyo Team dito sa Intercollegiate Matches at sayo?

Tinatawag nila tayong DARK HORSE at ikaw ang HARI NG ILALIM NG COURT,

ang HARI NG REBOUND,

ang DEMONYONG ALAS,

at ang PULANG DYABLO ng Tokyo Team."

Napayukom ng kamao si Hanamichi sa mga salitang naalala niya mula kay Coach Zakusa. "Tama ka Boy Ube! Hindi ako magpapatalo kay Rukawa. Salamat sa inyong lahat dahil pinaalala niyo sakin yun."

Pagkarating nila muli sa loob ng standium ay nagtaka si Hanamichi dahil parang mas marami nang camera ang nakatutok sa court, pati ang mga ilaw ay nadagdagan.

"Tara na sa bench area natin para mag finalize ng plano." Sabi sa kanila ni Coach Zakusa at tumungo sa sakop nila.

Si Coach Amerigo naman ay naghahanda rin para sa kanyang bagong sandatahan na gagamitin sa loob. Sa harapan niya ay nakatayo ang bagong line-up na maglalaro sa loob habang ang dalawa sa player nito sa first half na sandaling binangko na sina Minami at Moroboshi.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon