CHAPTER 258: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

517 45 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 258: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Muling nakalamang ang Tokyo Team sa kanilang puntos. Sa 12 minutes at 13 seconds ay hinanda na ng Washington Team ang kanilang opensang gagawin. Paikli na ng paikli ang oras at hindi sila makakapayag na malamangan sila ng ganito ng Tokyo Team.

"Let's go!" Tawag ni Micheal sa mga kasamahan niya.

Samantala si Coach Zakusa ay inhanda niya ang kanyang tatlong alas na players na haharap sa ibang Prime players ng Washington Team.

"Humanda kayo, anumang oras ay ipapasok ko kayo." Wika ni Coach Zakusa sa kanila.

"Okay!" Sagot ng tatlo.

Mabilis at matulin ang pagdribol ni Micheal sa bola hanggang sa nakalabas siya sa court ng Tokyo Team. Sa half court ng Washington Team ay nakahanda ang depensa ng Tokyo Team. Ginawa ng Washington Team ang isa sa mga offensive threat , ang Diamond-One High-Low Offense. Isa epektibong opensa na magagawa nila.

Si Futatsu at Mittsu ang unang humarap sa kanila, sa likod nilang dalawa ay sina Hanamichi at Kiyota habang sa ilalim ng ring ay si Hitotsu.

Pagkapasok ni Micheal dala ang bola ay mabilis niyang naiwasan ang depensang ginawa ng kambal at agad nakapasok sa court ng Washington. Kasama nyang pumasok sina Rukawa, Sawakita, Minami at Moroboshi.

Hinanda naman ni Hanamichi ang kanyang sarili para babagan sila. Nakatuon si Hanamichi sa bola at sinundan ito. Nakita ni Micheal ang kanyang tinginan kaya pinasa niya ang bola kay Moroboshi.

*PASS!*

*PAKK!*

Ngunit laking gulat ng lahat nang nagawa ni Hanamichi na babagan yun. Nabigo ang ginawang pasa ni Micheal.

"Ang bilis ah." Ngumiti si Micheal.

Pero ang bolang napalpal ni Hanamichi ay mabilis na nadakma ni Rukawa at siya ang nagpatuloy sa opensa. Dinribol nito ang bola papasok sa inner court hanggang sa nakarating ito sa harapan ni Hitotsu.

Parehong nakataas ang mga kamay ni Hitotsu para pigilan siya sa pagtira pero hindi masyadong lumapit si Rukawa sa kanya kung kaya ay tumalon ito mula sa center zone para gawin ang dunk.

"Ano! Tumalon siya!" Lumapit agad si Hitotsu sa kanya para sabayan sa ere si Rukawa. "Pipigilan kita!" Ginamit niya ang kanyang isang kamay para palpalin ang bola pero nagawang iwasan yun ni Rukawa nang agad niya itong nilipat paibaba.

"Ano!" Hitotsu

Nasa kaliwang kamay ni Rukawa ang bola at tamang-tama para makagawa ng lay-up shot.

"Kami naman ang pupuntos." Bulong ni Rukawa at unti-unting inilapit ang bola sa ring.

"ASA KA PA!" biglang natauhan si Rukawa nang makita nya kung sino ang nasa repleksyon ng backboard.

Nakita niya ang mukha ni Hanamichi na nakatingin sa kanyang gawi at...

*PAKKK!*

Napalpal ni Hanamichi ang bola mula sa kanyang likuran na ikinaalis nito sa kamay ni Rukawa at bumanda sa ring.

"Ano!" Rukawa

"Hindi kana makakaisa sakin Rukawa!" Napatayo ang ibang manonood sa ginawa ni Hanamichi. Kahit ang ibang bangkong players ng Washington Team ay hindi makapaniwala nang nagawa niyang babagan ng mag-isa sina  Micheal at Rukawa.

"Ang galing, Sakuragi. Mahusay!" Maki

Ang bolang napalpal ni Hanamichi ay tumalbog paibaba ngunit hindi niya nalaman na nandoon na pala agad si Sawakita na nakaback-up.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon