CHAPTER 236: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

492 42 8
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 236: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa pitong minuto na natitira ay ipinasok na ni Coach Zakusa ang mga matitinding players ng kanilang kuponan.

Ang kasalukuyang line-up ngayon ay sina Maki, Fujima, Sendoh, Jin at Hanamichi. Silang muli ang nagsama sa court. Sa line-up nilang iyan ay si Hanamichi ang magsisilbing Centro sa kanila.

Simula nung ipinasok si Magallanes at nagsanib pwersa sila nina Pepito at Bautista ay si Hanamichi na ang nagtrabaho sa kanila.

Silang tatlo ay sabay na binantayan ni Hanamichi kaya hindi maipagkakaila na makaramdam ito ng pagod.

Ngayon ay nakahelera sila sa harapan ng Manila Team.

"Kahit ipasok niyo pa ang Ultimate Ace Player niyo. Hindi na kayo makakahabol. Masyado nang malayo ang lamang namin sa inyo." Sabi sa kanila ni Magallanes.

Sumagot naman si Jin. "Huwag kang pakasisiguro dyan, lalake. Baka bumaliktad kayo."

"Anong sabi mo?"Magallanes

Hindi na pinatulan ni Jin ang bangay niya. Pumito muli ang Referee saka sumenyas na kailangan nang ituloy ang natitirang oras sa laban.

Ang ibang manonood naman lalo na ang Tokyo Audience ay napanghihinaan dahil sa laki ng agwat ng puntos ng Manila Team kaysa sa Tokyo.

Ang Seoul Team at Washington Team na nanonood ay seryosong nakatuktok sa court. Ngayon pa lang nila nakita na nalampaso ng ganito ang Tokyo Team. Hindi nila ito inasahan dahil ang alam nito na mataas ang maibubuga nila.

Nafufustrated sila sa Tokyo Team, lalo na ang Seoul Team sa kanila.

(Pumito...)

"Tara na! Tayo ang opensa!" Sinimulan nang patalbugin ni Sendoh ang bola.

"TOKYO LABAN LANGGGGG!

KAKAYANIN NATIN!"

"MANILA, MANGLILIBRE AKO NG PASTIL SA INYO KAPAG KAYO ANG MANALO!

SASAMAHAN KO PA NG LAMBANOG!

LABAAAAAAN!"

Parang mabibingi ang mga players dahil sa lakas ng kanilang sigaw.

"OPENSA!

OPENSA!

OPENSA!"

"DEPENSA!

DEPENSA!

DEPENSA!"

Nagsipuwesto sa kanilang lugar ang Manila Team para sa depensang gagawin. Nakatutok sila sa maaaring kilos ng Tokyo Team sa kanila gayong ang bagong line-up ngayon ay napalitan muli.

Mukhang mapapasubo sila dito lalo na't ibinalik na sa court sina Maki at Fujima. Ngunit wala silang ideya kung anong abilidad meron ang No. 6 ng Tokyo na si Soichiro Jin.

Sumandal sa upuan si Kurooshi nang makita ang Kage Line Up ng Tokyo Team. Ito yung Line-up na tumalo at lumampaso sa kanila.

Makakaya din kaya nilang gawin yun sa Manila Team?

Sinimulan ni Sendoh ang pagdribol sa bola. Nagtinginan naman sila nina Maki, Fujima at Jin saka nagtanguan.

"Ikaw nang bahala sa kanila, Sakuragi." Sabi ni Sendoh sa kanya saka kumilos.

"Ha? Ang alin?" Tumatakbong sagot niya.

Pero agad siyang huminto nang salubongin siya ni Pepito. Dahil wala na ang dalawang Center Player na sina Futatsu at Mittsu, ang haharap ngayon kay Pepito ay si Hanamichi.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon