CHAPTER 242: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

518 45 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 242: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang mahagis na ang bola ay agad nagtinginan sina Lucas at Hitotsu saka sabay na tumalon upang abutin ito. Si Hanamichi naman ay nakatingin sa kanila.

"Abutin mo Uno..."

"Kaya mo na yan, Lucas!" Cheer sa kanya ni Micheal.

*PAKKK!*

Gaya ng inaasahan ng lahat, ang Center nga'ng si Lucas ang nakakuha sa bola. Kahit ang Tokyo Team ay nahulaan na din yon, sila ang lamang sa ganito kaya babawi na lang sila sa opensa at depensang gagawin. Ang bolang pinalpal ni Lucas ay tumalbog pagawi kay Minami.

"Okay." Sambit nito at sinimulan ang pagdribol.

Agad umaksyon ang ibang members ng Washington Team, sinundan nila ang opensa ni Minami upang mapigilan ang mga defensive threat na nais agawin ang bola. Nakasunod si Fujima sa kanya, mabilis ang pagkakadribol ni Minami gaya ng inaasahan na mula sa dating kuponan nito, ang Toyotama.

Agad siyang nakarating sa half court ng Washington Team. Sa saktong pagpasok ay nahabol siya ni Fujima at binabagan niya ito, subalit agad kumilos ang kamay ni Minami at ipinasa niya ang bola sa pamamagitan ng through the legs pass. Nang makalusot ang bola sa pagitan ng mga paa ni Fujima ay hindi niya namalayan na nandoon pala sa kanyang likuran si Moroboshi.

*PASS!*

"Ang bilis!" Fujima

Nang masalo ni Moroboshi ay agad niya itong dinribol palapit sa inner area, ang ibang players na nais siyang babagan ay hinarangan ng mga kakampi niya. Nang makapasok si Moroboshi sa restricted area ay malaya niyang nagawa ang Lay-up shot.

*SHOOT!*

Naghiyawan naman ang Audience area ng Washington Team dahil nakuha ng kanilang kuponan ang unang puntos.

"Ayos! Sa atin ang unang puntos!" Masayang sabi ni Sawakita.

Nag-apiran naman sina Moroboshi at Minami.

*Apir!*

Tinaas naman ni Moroboshi ang kanyang hintuturo. "Okay Team! Ngayon, depensa naman. Magiging strikto tayo sa kanila!" Anunsyo niya sa kanyang mga kasamahan.

"Oo!" Sagot nila.

Dahil sa shot ni Moroboshi ay meron nang 2 points ang Washington Team. Aasahan nilang lalaki pa ito lamangan ang Tokyo Team. Ang bolang shinoot ay tumalbog sa sahig, dinakma naman yun ni Maki at agad na sinimulan ang opensa.

"Bawi tayo, Team!" Sabi nito habang dinribol ang bola palabas sa court ng Washington Team.

Nagsikalat sa court ang ibang kasamahan niya, si Sendoh naman ay nasa gilid ng outer court patungo sa 3 point area ng Tokyo court. Sa saktong pagpasok nito ay sinalubong agad siya ni Rukawa na kanyang ikinahinto.

"Sendoh." Sambit ni Rukawa habang nakadepensa.

Gulat itong nakatingin sa kanya pero ang hinahanap ng kanyang mata ay si Sawakita.

"Hayss... Si Kitasawa sana yun." Bulong niya pero rinig naman ni Rukawa.

"Ako yung nandito, bakit siya?" Masungit na tanong ni Rukawa sa kanya.

"Ee siya ang gusto ko." Simpleng sagot ni Sendoh.

"Si Sakuragi ang babantayan niya." Rukawa

"Pero ikaw naman ang gusto ni Sakuragi?" Ngumiti si Sendoh.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon