CHAPTER 222: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

584 47 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 222: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan ay naghanda na ang Tokyo Team para sa kanilang pagbabalik sa Cameron Indoor Standium upang sumabak sa panibagong laban sa Round 6 Match laban sa Manila Team ng bansang Pilipinas.

*** Cameron Indoor Standium ***

Kasalukuyan silang nasa loob ng locker room at naghanda para sa pagbabalik nila sa basketball court ng standium. Patungkol naman sa ring na nasira ni Hanamichi ay naayos yun ng mga staff at napalitan ng bago. Mas pinatibay na hindi muli masisira.

Habang nagbibihis ang lahat at nagbitaw muna ng mga paunang salita si Coach Zakusa para magkaroon ng ideya ang mga players.

"So mga boys... Nakita niyo naman ang laro ng Manila Team kahapon? Nadali rin nila ang Seoul Team kahapon. Kaya sa pagkakataong ito, ay kailangan pa nating igihin ang performance natin kumpara sa ating nakaraang laban. Hindi porket lamang tayo higit 50 points sa ating laban sa Seoul Team ay aasahan niyo din na ganun ang mangyayari. Pakiusap, huwag niyong gawing ganyan ang mga mindsets niyo. Isipin niyo na balakid sila sa atin. Isipin niyo, Team. Kapag nagawa parin nating mapagtagumpayan ang labang ito. Sa Round 7... Ang kuponan na ng America, Washington Team ang ating makakalaban." Mahabang kataga sa kanila ni Coach Zakusa .

Tumango naman silang lahat at sumagot. "OO!"

"At isa pa... Kahit makapasok lang tayo sa Top 2 Row Matches upang maging isa sa Representatives ng Division para maglaro sa Final 8. Malaking bagay nayun kahit maging Top 2 lang tayo. Maaari din Top 1, kung sakaling kaya niyo ding manalo laban sa Washington Team... Ang American Yellow Fox." Dagdag pa nito na siya nagpatahimik sa mga players.

Yumukom ng kamao si Hanamichi at ngumisi.

"Huwag kang mag-alala, Boy Ube! Mananalo parin tayo sa laban na ito! Malayo na ang narating ng Tokyo Team! Mula sa College Matches hanggang sa Round 6 ng Intercollegiate Matches! At hangga't nandito ang Henyong Si Hanamichi Sakuragi, walang imposible sa aking mga salita! Kahit ipako niyo pa!" Ngisi at bilib na sabi nito sa kanila.

Nagkaroon naman ng buhay at sigla ang mga loob ng players. Tunay nga siyang Mood Changer sa kahit saang lugar.

Hanamichi Sakuragi.

Tumunog naman ang buzzer ng Standium. Magsisimula na ang kanilang paghaharap sa laban nila sa Manila Team. Katulad ng una nilang laban sa standium na ito ay hinatid din sila ng isang staff patungo sa pintuang papasukan nila. Nang makumpleto ang lahat ay napaisip si Hanamichi nung bangayan nila ni Rukawa kahapon.

"Diba, match din ng Washington Team at Seoul Team ngayon?" Tanong ni Hanamichi sa kanila.

"Huh?" Takang tugon ni Maki.

"Kase, Lolo... Ang sabi ni Rukawa, pagkabukas din daw ang match nila laban sa Seoul. Ehh diba ngayon yun?" Tanong nito ulit.

"Oo, ngayon din. Dalawang matches ang mangyayare sa araw na ito. Ngayong umaga ay tayo, laban sa Manila Team. Pagkatapos natin ay susunod ang match ng Washington at Seoul Team." Sagot ni Maki sa kanya.

"Ahhh... So apat na kuponan pala ang lalahok ngayong araw na'to." Tango-tangong sagot ni Hanamichi saka tiningnan ang malaking pintuan sa harapan niya.

Napaisip siya sa magiging performance ng Washington Team pagkatapos ng kanilang laban sa Manila Team.

Napaisip siya sa mga posibleng performance ni Rukawa.

Kung magaling ito noon...

Ay baka mas lalo itong gumaling ngayon lalo na't kasama niya ang ibang Ace Players.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon