SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
SPECIAL CHAPTER 2/2:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
A months later...
Nakalipas ang ilang buwan, sa Tokyo International University ay sineremonya ang mga estudyanteng nagtapos sa taong ito. Tatlo na doon ang pagtatapos ng kolehiyo nina Shinichi Maki, Kenji Fujima at Tooru Hanagata na may parehong kursong Physical Education na minajor ang Sports. Ngayon ay nagpatuloy sila sa kanilang pag rereview para sa paparating na Board Exam para maging ganap na Instructor or PE Teacher sa eskwelahang tuturuan nila.
Nang makagraduate ang mga Senior, ang mga bagong 4th year players ng Tokyo Team ay ang bagong Team Captain na si Akira Sendoh, si Soichiro Jin naman ang bagong Vice-Captain at si Kicchou Fukuda. Pati ang Manager nito na si Mari.
Ang bagong 3rd Year Players naman ay sina Hanamichi Sakuragi, Nobunaga Kiyota at Ryoji Ikegami.
At ang bagong 2nd year ay Triplets sina Hitotsu, Futatsu at Mittsu Kyodaineko.
***
Sa probinsya ng Kanagawa ay umuwi si Hanamichi para magbakasyon. Kasalukuyan siyang nakahiga sa duyan habang tinatanaw ang sariwang amoy ng karagatan.
"Haysss... Iba parin talaga ang amoy kapag nasa sariling lugar na kinabibilangan." Ngumiti na lang si Hanamichi sa kawalan dahil parang kailanlang ang mga nangyaring labanan sa Intercollegiate Matches.
Ngunit bigla siyang napamulat nang may maliit na kamay ang humawak sa binti niya. Napangiti si Hanamichi nang makita niya matamis na ngiti ng 8 months old na baby boy.
Tumawa ang bata sa kanya at parang gusto nitong magpakarga. Kinuha naman siya ni Hanamichi saka hinalikan ang pisngi nito.
"Pinuntahan mo pa talaga ako ah baby? Namiss mo ba ang Daddy ha?" Nakukyutang tanong ni Hanamichi sa kanya, pero ngumuso-nguso lang ang bata.
Si Haruko naman ay nakangiti sa gawi nila habang hawak nito ang bagong timpla na gatas. "Mukhang nagugutom na siya, Hanamichi. Eto oh." Inabot ni Haruko sa kanya ang bote ng gatas.
"Salamat, My loves. Ako nang bahala magdede dito." Ngumiti si Hanamichi sa kanya. "Halika dito baby~"
Yung bata naman ay sinampal-sampal ang mukha ni Hanamichi saka pinaglaruan ang pulang buhok nito.
"Oy, ginugulo mo ang buhok ko baby." Maktol ni Hanamichi, mahina namang natawa si Haruko.
Sakto namang dumating si Miyagi at Ayako galing sa labas dala ang pinamili nitong lulutuin.
"Gung... gung." Wika ng bata.
"WHAAAAAAHHHH!" Biglang sumigaw si Hanamichi.
"Oh bakit, Hanamichi?" Gulat na tanong ni Miyagi.
"WALANGHIYA KA KULOTSKIE! ANONG TINURO MO DITO SA ANAK MO?!" reklamo niya.
"Ha? Wala kaya!" Miyagi
"GUNGGONG DAW SABI NIYA!" naiiyak pang sumbong niyo.
"Gung~ gung~" wika ulit ng bata.
"Kulotskie! Inulit na naman nya! Pambihira ka, kasalanan mo'to!" Hanamichi
"Bakit ako?!" Miyagi
Lumapit naman si Ayako at kinuha ang bata. "Ryouto, bad yan. Si Tito Hanamichi yan." Saway nito pero tumawa lang ang bata at niyakap si Ayako habang sinasambit ang Mama.
***
Nang matapos ang kanilang simpleng kainan, sina Ayako at Haruko ay sabay na pinatulog si Baby Ryouto habang sina Hanamichi at Ryota ay nasa balkonahe habang parehong nakatuon ang tingin sa dagat at pinag-uusapan nila ang tungkol sa susunod na labanan.
"Hanamichi, alam mo na ba ang tungkol sa Prefectural Matches?" Tanong ni Miyagi sa kanya.
Umiling naman si Hanamichi. "Hindi, bakit?"
"Hindi pa ba nasabi sa inyo? Alam mo bang yan ang susunod niyong hakbang? Dahil nakapaglaro kayo abroad at pasok sa Final 8 Global Rank ng Intercollegiate Matches. Alam mo bang another searching na naman para sa magiging bagong miyembro ng National Team?" Sagot ni Miyagi sa kanya na ikinagulat ni Hanamichi.
"Ano? National Team? Yan ba ang---" Hanamichi
"Oo, ang mismong National Team ng Japan ang tinutukoy ko. Walang iba kundi ang JAPAN NATIONAL MEN'S BASKETBALL TEAM." Napa wow si Hanamichi sa sinagot niya.
"Ang pagrerecruit ng JBA Players ay hinahanap nila sa mga Prefectural State System Representatives. Or baka hawak nila ang data ngayon tungkol sa laban niyo sa Intercollegiate at baka maswerte ang isa sa inyo sa Tokyo Team ang maging automatic Prefectural Representatives." Paliwanag ni Miyagi.
"Ano? Maswerteng mapili ganun ba?" Pangkaklaro ni Hanamichi.
"Parang ganun na nga pero hindi pa yun ang sigurado. Baka binago na nila ang sistema ngayon. Baka yung dating option sa paghahanap ng JBA Players sa pamamagitan ng paglalaban-laban ng mga Prefectural Teams para mahanap at makita ang mga pinakatagong skilled players ng Japan na hindi niyo nakalaban nung College Matches." Miyagi
"Huh? Kung ganun kulot. May Prefectural Matches na magaganap, sa bawat laban ay pinag-aaralan na ang mga galaw ng mga representative players ng lugar para posibleng maging Prefectural Representatives sa JBA? Diba kapag ganun may trial game pang magaganap bago mapili bilang bagong player ng Japan Basketball Association?" Hanamichi
"Oo, tama ka Hanamichi. Pero bago yan, kailangan niyo pa munang makalaban ang mga hidden Powerhouse Prefectural Teams. Baka nga makalaban niyo ulit ang Osaka, Akita at Aichi. Pero mga combined players na." Miyagi
"Pwehhh kahit nag sanib pwersa pa silang tatlo Prefecture. Ang Henyong si Hanamichi Sakuragi lang, wala na silang panama!" Hanamichi
"Ang yabang mo talaga... Baka nga pauuwiin ng Japan si Rukawa ee." Biglang natigilan si Hanamichi sa sinabi niya.
"Anong sabi mo Kulot?"
"Baka pauuwiin ng Japan Basketball Ambassador si Rukaw. Akala mo ba, ang player na katulad ni Rukawa ay palalagpasin ng JBA? Hindi, Hanamichi. Mas kakailanganin nila ang mga tulad ni Rukawa." Sagot pa ni Miyagi
"At baka... Baka pabalikin din sa Japan sina Minami, Moroboshi at Sawakita?" Hanamichi
Tumango naman si Miyagi. "Oo, posibleng ganun ang mangyayari. Sa madaling salita, hindi malayong magkasama ulit kayo ng mortal rivaly mo."
Napatingin sa kawalan si Hanamichi dahil sa sinabi ni Miyagi.
Baka posible ngang mangyari ang mga pinagsasabi ni Miyagi.
Kung ganun...
"Edi mabuti, nang makita niya kung gaano na kagaling ang Basketbolista na Henyong si Sakuragi." Hanamichi
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...