SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 232: TOKYO vs. MANILA (Philippines)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa locker room ng Tokyo Team.
Nakatikim ng malutong na batok si Hanamichi mula kay Maki, napahawak siya sa kanyang ulo na parang umuusok sa init.
"Aray, ang sakit nun, Lolo ah?" Maktol nito sa kanya.
"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo kay Bautista, Sakuragi. Hindi mo ba alam? Nakatuktok sa inyong dalawa kanina ang buong kamera sa inyo. Nakakahiya ka!" Saway nito sa kanya.
Napairap si Hanamichi. "Waw? Talagang kasalanan ko pa? Kung tutuusin nga siya yung may kasalanan eh, siya yung nauna--- hagisan ba naman ako ng bola sa mukha, napakahayop talaga!" Depensa niya.
"Ako ba ang pinagdidiskitahan mo?" Tanong ni Maki.
Ngumiti naman si Hanamichi. "Hehehe hindi naman, Lolo. Nagsasabi lang." Kinamot niya ang ulo niya.
"Tssk." Maki
Nilapitan naman sila ni Coach Zakusa. "Maghanda na kayo Team. Naging maikli ang breaktime natin sila sa kagunggungan ni Sakuragi, salamat sa kanya." Sarkastikong sabi nito sa kanila.
"Oo nga, pasikat talaga. Mahaba-haba sana ang breaktime kung hindi nag eskandalo ang unggoy na yan." Sabat din ni Kiyota.
Rumeak naman si Hanamichi. "Waw, hiyang-hiya ako sayo, Matsing ka. Ikaw pa talaga ang naghahangad ng mabahang breaktime ee bangko ka lang? Waw ha!"
"Ee totoo naman ah?" Depensa ni Kiyota.
"Oo nga! Totoong bangko ka!" Sagot pabalik ni Hanamichi sa kanya.
"Oh ano?"
"Oh ano!"
"Ano?"
"Anong-ano?!"
"TAMA NA!" pareho silang sinapok ng papel ni Coach Zakusa sa ulo. "Konting minuto na lang at magsisimula na ang second half. Maghanda kayo, masyadong dikit ang puntos natin sa Manila Team. Panigurado, sa second half ay babawi sila at siguradong aararuhin na nila tayo. Halata sa kinikilos nila na nagpipigil pa lang sila." Sabi niya sa lahat.
Agad namang umiba ang ere sa loob. Si Mari at Haruko ay nakatingin at nakikinig lang sa kanila.
"Nagpipigil sila?" Tanong ni Hanamichi.
Sumang-ayon naman si Maki. "Tama ka sa sinabi mong yan, Zakusa. Nakakasiguro ako, ang pagpipigil nilang yun ay ilalaan nila sa 2nd half. Patagal ng patagal ang ating laban dito sa abroad mas nahahantong sa kumplikadong sitwasyon ang kuponan natin."
Nagsalita din si Fujima. "Kapag nagawa nating ipanalo ang laban na ito, ang Washington Team ng Amerika na ang susunod nating makalaban at magkakaroon na tayo ng 2nd victory sa Intercollegiate Row Matches."
Tumango si Sendoh. "Kapag nangyari yun, automatic na kasali na tayo sa Final 8. Ang paghaharap natin sa Washington Team ay nakadepende na sa kung sino ang magiging Top 1 at Top 2 ng Division 1. Kung papalarin na makapasok ay makakalaban natin ang ibang Division Representatives... Hoooo, medyo nakakatakot na yun. Isipin niyo, GLOBAL FINAL 8 RANK na yun." Kunwaring nilalamig si Sendoh.
Napairap naman si Mari. "Ang layo nang imagination niyo ee Manila Team pa ang kaharap niyo. Ee kung mas tuonan niyo ng pansin yun? Anumang oras malampaso kayo nun. Napakapambihira niya, hula ko kapag nag match sila sa France at Skopje ay baka matalo nila. Kaya mga gunggong, sa Manila Team muna kayo mag focus." Saway nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...