SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 220:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nang makabalik sa tinutuluyang hotel ang Tokyo Team ay nagdiwang sila sa kanilang muling pagkapanalo. Sa mahabang mesa ay nakahelera ang samut-saring mga pagkain at putahe na siyang mas lalong ikinagutom ng bawat players.
"Wawwww mukhang masasarap!" Natatakam na sabi ni Hanamichi.
Ngumiti naman ang tatlong pinsan niyang babae.
"That's our treat for you guys, you've done the game well." Ngiting sabi ni Kawaragi saka nilapag ang isang basket ng prutas.
"Eat how many you want." Sabi din ni Kawanagi.
"Take this treat as reward, boys." Sabi din ni Kawayagi at saktong natapos siya sa paglalagay ng mga utensils.
Lahat sila ay nakaupo na sa mesa.
"SALAMAT SA PAGKAIN!" sabi nilang lahat at nagsimula nang kumain.
Si Hanagata ay katabi si Fujima habang may benda sa ulo habang si Hitotsu naman ay sa katawan. Katabi nito ang dalawa pa niyang kambal.
Ang lahat ay sarap na sarap sa pagkain hanggang sa natapos ang mga ito.
Nanatili parin silang lahat sa mesa at sandaling nagpatunaw ng kanilang mga kinain. Ang iba sa kanila ay simpleng umiinom ng wine.
Nang matapos lagokin ni Hanamichi ang isang basong beer ay tiningnan niya ang kanyang Lolo na si Coach Kawarama.
"Coach Lolo, may share ako." Sabi niya na ikinatingin nito.
Napatingin din ang ibang myembro sa kanya.
"Ano yun, Apo?" Tanong nito.
Nilagay ni Hanamichi ang baso bago sumagot. "Bago ko sabihin, itatanong ko lang sana kung anong kuponan ulit yung susunod nating makakalaban?"
Sumagot naman si Coach Kawarama sa kanyang tanong. "Ang Number 1 Team ng Pilipinas ang susunod niyong makalaban, bakit pala?" Tanong nito pabalik.
Tumikhim si Hanamichi at umayos ng upo bago sumagot. "Kung ganun... Alam mo po ba kanina, Coach Lolo? Nung papunta ako sa locker team namin. Aksidente kong nakasalubong ang isang player na mula sa Pilipinas?"
Nang sabihin yun ni Hanamichi at nagulat at natigilan ang iba.
"Ano? Nakasalubong mo kanina?" Tanong muli ng Lolo.
"Opo, atsaka... Ibang-iba ang kulay ng balat niya kumpara sa ating mga Hapon at Amerikano. Yun bang parang 3 in 1 na kape yung kulay ng balat niya?" Describe ni Hanamichi sa kanyang alaala.
"Kayumanggi yon." Biglang sagot ni Mari habang naghahalo ng vegetable salad.
"Ano? Kayumanggi?" Hanamichi
"Oo... Yan ang tawag sa kulay ng balat ng mga Pinoy." Sagot muli ni Mari na mas lalong ikinunot ng noo ni Hanamichi.
"Ha? Pinoy? Ano na naman yun?" Naguguluhang tanong nito.
Napairap na lang sa hangin si Mari. "Ang hina talaga ng utak mo. Pinoy, yan ang tawag sa indibiwal na lahi ng mga Pilipino. At ang Pilipino ay tumutukoy ng mamamayan na nakatira sa bansang Pilipinas. At ang Pilipinas naman ay ang tawag sa kabuuan ng bansa na nahahati sa tatlong malalaking isla o Luzon, Visayas at Mindanao. Makikita mo ang simbolo ng tatlong islang yan sa tatlong bituin na nasa watawat nila, Pilipinas in english term ay Philippines." Paliwanag ni Mari sa kanya.
"Ahhh..." Napatango-tango ang lahat sa eksplinasyon niya.
"Waw naman, alam na alam mo ah?" Manghang tanong ni Hanamichi.
"Sandali lang, Mari. Kung hindi ako nagkakamali ay may lahing banyaga ka diba? Bukod sa pagiging Haponesa mo?" Tanong ni Kiyota sa kanya.
"Huh? May lahing banyaga si Ate Mari?" Tanong ng Triplets.
Nashock naman si Mari sa kanila. "Hala nakalimutan niyo na? Hindi niyo ba natatandaan nung unang pasok niyo sa Team na... Ako ay kalahating Haponesa at Pilipina ako?" Tanong nito sa kanila.
Ngumiti lang si Hanamichi at Kiyota sa kanya. Halatang nakalimutan nila. Ang mga Senior naman ay napakamot na lang ng pisnge.
"As in?!" Gulat na tanong ng Triplets.
Si Hanamichi naman ay may naalala sa salitang banyaga. Naalala niya yung date moment ni Mari at Daisho noon nung pista ng mga bituin. Si Daisho ay isang Japanese-Russian at si Mari naman ay isang Japanese-Filipina.
"Aha! Naalala ko na!" Sigaw ni Hanamichi with matching palakpak. "Tama, yung design pala ng pamaypay mo noon ng Pista ng mga butuin ay Pilipinas. Nung time na yun ay nagdedate kayo ni Daisho!" Dagdag pa nito.
Biglang naibuga ni Zakusa ang ininom nyang beer saka tiningnan si Hanamichi.
"Ayy hala sorieeee..." Tinakpan ni Hanamichi ang bibig nya.
"Sira ulo ka talaga, Sakuragi." Saway ni Fujima sa kanya.
"Boom, may naamoy akong selos." Bulong ni Sendoh sabay sipol.
"Hindi naman sa nagseselos ako. May naalala lang kasi akong player na nakalaban namin noon ni Yuki sa Akita Team. Pinoy din yun at batchmate namin kaso nasa Pilipinas na siya ngayon." Sabi ni Zakusa saka tiningnan si Coach Kawarama.
Tmumango naman ito. "Oo, si Bautista ba ang tinutukoy mo?"
"Opo, Coach. Yung dating Centro ng Team niyo." Sagot ni Zakusa.
Pabali-bali ang tingin ni Hanamichi sa kanila. Pamilyar sa kanya ang pangalang yun.
Tama!
Nakita niya yun sa jacket ng Pinoy Player na aksidente niyang nabangga.
"Si Souren Bautista. Umuwi siya nang Pilipinas nang nang namatay ang kanyang Ina na purong Hapon. Seperate ang parents niya kaya ngayon ay kasalukuyan siyang nasa puder ng Ama niya. Pero sa larangan ng laro, ay talagang napakagaling ng batang yun. Dati siyang naimbitahan upang mapabilang sa National Team kaso tinanggihan niya at umuwi ng Pilipinas. Nakakapanghinayang pero hindi na mababawi ang panahon." Sabi ni Coach Kawarama at uminom ng beer.
Napaisip si Hanamichi sa pangalang sinambit ni Coach Kawarama. "Souren Bautista?"
"Bakit?" Tanong ng Lolo niya.
"Kase Coach Lolo, yung Pinoy na nakasalubong ko ay Bautista din ang pangalan. Kaso 'Zoren Bautista' yung nakasulat. Hehehe baka ibang tao yun." Kinamot ni Hanamichi ang pisnge niya.
Nagulat si Coach Kawarama doon.
"Si Zoren? Si Zoren yung nakita mo?" Gulat nitong tanong.
"Hehehe opo bakit? Kilala mo po, Coach Lolo?" Tanong pabalik ni Hanamichi.
Sumingit naman si Mari sa kanilang usapan. "Sakuragi... Si Souren Bautista at si Zoren Bautista ay iisang tao lamang. Ang pangalan niyang Souren ay japanese version ng Zoren." Paliwanag nito.
"Kung ganun, nandito na pala sila." Naging seryoso ang mood ni Zakusa sa nalaman. "Bukas, Pilipinas at South Korea ang maglalaban. Hindi natin ito pwedeng palagpasin. Kailangan nating mapanood ang laban nila at pag-aralan ang galaw ng Number 1 Team ng Pilipinas." Dagdag pa nito.
"Hindi ko akalain na, kabilang pala si Souren sa representative Team ng Pilipinas at ng Row 3. Players... Asahan niyong sila ang magiging kabaliktaran ng Seoul Team." Coach Kawarama.
"Kaya ihanda niyo ang sarili niyo sa makalawa dahil sila ang susunod niyong makakalaban!" Zakusa.
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...