SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 223: TOKYO vs. MANILA (Philippines)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nang handa na ang parehong first five ng bawat kuponan, ang speaker ng Standium ay sinimulan na ang pagpapakilala sa kanila.
Speaker: "Ngayon ay nakahanda na ang starting players ng parehong kuponan. Hayaan niyo'ng ipakilala ko silang lahat. Ang starting five ng Tokyo International University: Black Samuraiz at Ateneo De Manila University: Blue Eagles."
Unang ipinakilala ang first five ng Tokyo Team na sina Maki, Fujima, Sendoh, Sakuragi at Futatsu.
Si Futatsu ang maglalaro sa posisyong Centro dahil si Hanagata at Hitotsu ay parehong may injury kaya pansamantala itong hindi makapaglaro.
Pagkatapos nitong ipinakilala ang first tive ng kuponan ng Tokyo ay sinunod nito ang Manila Team.
Speaker: "Mula sa Manila Blue Eagles... Team Captain; Blue No. 4: REY PEPITO!"
Nang tawagin ng speaker ang pangalan ni Pepito ay naglakad ito papasok sa court. Napatingin ang buong Tokyo Team sa audience area ng Manila Team nang marinig na ang naglalakasang sigawan. Parang mabibingi sila, sinasakop ng kanilang boses ang espasyo ng standium.
"Si Rey Pepito... 4th year, 210 centimeters, Team Captain ng Manila Team at isa sa mga Top Iron Centers ng Philippine College Matches. Hindi siya bastang Centro lang, kaya niya ring tumira sa labas." Bigay impormasyon ni Mari sa kanila habang nakatingin sa bluebook.
"Blue No. 6: PATRICK MACAGCALAT!"
"Si Patrick Macagcalat... 4th year, 207 centimeters, position: Small-Forward, pero isa talaga siyang Point-Forward. Kaya niya ring maglaro bilang point guard. At ang mas challenging dito. Siya ang naging 3 consecutive years naging MVP sa kanilang College Matches bago itong si Bautista. Mapapasubo tayo dito, siya ang pinakabigdeal." Basa ulit ni Mari.
"Sinabihan ko na si Maki na siya ang magbabantay sa kanya." Sagot ni Coach Zakusa.
"Blue No. 7: FREDERICK LAKANDULA!"
"Si Lakandula naman ay isa ding 4th year player, may tangkad na 187 centimeter at siya ang number 1 point guard sa kanilang bansa. Halos kasing tangkad lang sila ni Fujima." Mari
"Si Fujima ang magbabantay sa kanya." Sabi ni Coach Zakusa. "Heto na siya..."
"Blue No. 10: ZOREN BAUTISTA!"
"Pssh... Ang lalakeng ito. Siya ang kasalukuyang MVP sa kanilang bansa, ang dati niyang position nung nasa 2nd year pa kami ni Yuki ay Point Guard at Small Forward, 1st year pa sya nung mga panahon na iyon kahit pinagtulungan na siya nina Maki at Fujima ay binabalewala lang niya. Ganun siya kalakas. Nung naging 3rd year kami ni Yuki at siya naman ay 2nd year, nadagdagan ang tangkad niya hanggang sa humantong ito sa pagiging Centro. Hindi rin namin akalain na magiging mahusay din pala siyang Centro. Kami ni Yuki dati ang Centro ng Tokyo Team dahil parehong kaming 212 centimeters, pero... Nadaig niya parin kami. At yun ang dahilan kung bakit naging sunod-sunod ang pagiging Numero Uno ng Akita Team sa Japan College Matches. 4th year na siya, pero si Sakuragi ang ipapabantay ko sa kanya. Si Maki sana yun kaso di ko naman akalain na ipapasok din nila ng sabay si Macagcalat at Bautista. Grabe... Nadali ako dito ah." Hinilot ni Coach Zakusa ang kanyang ulo.
"Mas matangkad si Bautista kaysa kay Hanamichi Sakuragi... Pero bawing-bawi naman sa reflexes at leap nito. Kaya lang--- sana talaga matapatan niya itong si Bautista, kung nabigo si Fujima at Maki sa kanya pati kayo ni Yuki. Sana huwag mangyari yun kay Hanamichi Sakuragi." Hindi mapigilan ni Mari ang mag-alala.
Ganun din si Haruko. Ngayon niya palang nakita na ganito na lang kung mag-alala si Mari at Zakusa sa magiging kalaban. Gaano ba talaga kalakas ang Bautista'ng yun nung nag-aaral pa ito sa Japan sa kuponan na tinuturuan ni Coach Kawarama, ang Akita Team?
Malakas ba talaga siya?
"Blue No. 12 : BRENT GALLEGO!"
"Si Gallego ay isang 3rd year player, kasali siya sa Mythical Five ng kanilang bansa at sa unang taon hanggang sa ikatlong taon sa kolehiyo ay siya ang humahawak sa titulong Leading-Scorer." Sabi ulit ni Mari. "Siya ang tagahakot ng puntos ng kanilang Team." Dagdag pa nito.
Huminga ng malalim si Coach Zakusa. Ibang-iba ang kuponang kaharap nila ngayon. Mas malakas na kaysa sa nakaraang laban nila sa ibang Round.
Kung muntikan na silang matalo sa Paris Team at Skopje Team.
Mukhang ito na ata ang magpapasigurado sa kanila.
Ngumiti na lang si Zakusa. "Kalma lang self, kalma..." Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Bigla namang pumasok sa kanyang isip ang mukha ng kanyang bestfriend at brother-in-law na si Yuki.
"Hayyy... Kung nandito ka lang, Yuki. Ano din kaya ang magiging plano mo?"Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manonood nang matapos sambitin ng line-up ng Manila Team.
Speaker: Ipinapakilala ko sa inyo ang mga Coaches ng bawat kuponan. Mula sa Tokyo Black Samuraiz: Coach RYUEEN ZAKUSA at ang ng Manila Blue Eagles: Coach ELIZALGO AZUL."
Nang ipakilala ang mga Coach ay tumayo ito at bumati sa manonood. Pumito ang Referee para simulan na ang laban. Pumunta ito sa middle court bitbit ang bola.
"Centers!" Tawag ng Referee at lumapit naman sa kanya ang center representatives ng Manila Team at Tokyo Team na sina Pepito at Futatsu. Nagsipuwesto naman ang ibang kasamahan nila. "Tokyo Black Samuraiz at Manila Blue Eagles, maglaro kayo ng patas at naaayon sa rules and regulation ng basketball." Paalala ng Referee sa kanila.
"Yes, Ref." Magalang na sagot ni Pepito at Futatsu.
"Galingan mo, Dos." Cheer sa kanya ni Hanamichi.
"Kaya mo yan, kambal!" Cheer din nina Hitotsu at Mittsu.
Si Macagcalat ay binantayan ni Maki, si Lakandula ay si Fujima, si Gallego kay Sendoh at Bautista kay Hanamichi.
Napatingin si Hanamichi sa height ni Bautista, mas matangkad ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan ni Coach Zakusa kung bakit biglaan na siya agad ang magbabantay sa taong 'to.
"Kumusta." Biglang bati sa kanya ni Bautista.
Kumurap lang si Hanamichi. "Hello?" Dalawang-isip niyang sagot.
"Pasensya pala sa pagbangga ko sayo dati becuz tinuyo ko yun--- charr. Sori bitaw." Sabi nito kay Hanamichi saka ngumiti.
Ngumiti na lang si Hanamichi dahil hindi niya maintindihan. Parang gumagamit ito ng tatlong lenggwahe o diyalekto. Pero ang naintindihan niya lang ay ang 'pasensya' at 'becuz'.
"Ha? Okay lang." Wala sa sariling sagot ni Hanamichi.
"HANAMICHI SAKURAGI MAGCONCENTRATE KA! BAKA MABUBUANG KA NG MAAGA!" Sigaw ni Mari sa kanya.
"NAGSISIMULA NA NGA EH!" sigaw pabalik ni Hanamichi.
Parehong nakatutok sa bola si Pepito at Futatsu. Sina Mari at ang kabilang manager ay inihanda ang kanilang mga stop watch.
Pumito ang Referee at kasabay nun ang paghagis ng bola sa ere.
Halos sabay na tumalon si Pepito at Futatsu para abutin ang bola. Kahit mababa ng limang sentimetro si Pepito kumpara kay Futatsu ay laking gulat niya nang tapatan nito ang taas ng kanyang talon.
Napatutok ang lahat ng manonood sa dalawang higanteng centro.
*PAKK!*
"Nakuha niya!" Napatuwid ng upo si Hitotsu nang makuha ni Pepito ang bola imbes sa kanyang kambal na si Futatsu.
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...