SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 261: TOKYO vs. WASHINGTON (America)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Halos mabumlangko ang isip ni Akagi dahil sa kagunggongang ginawa ni Hanamichi kay Rukawa. Mabuti na lamang at pinakalma siya nina Mitsui. Humarap naman si Hanamichi sa kanilang gawi at sumigaw pabalik sa gawi ni Akagi.
"Kasalanan ng mayabang na Sorong yan ang nangyare, Gori! Naging mahina siyang nilalang!" Sigaw niya.
"Gunggong ka talaga kahit kailan, Sakuragi!" Sigaw din Akagi na animoy sasabog sa inis.
"Totoo naman ee! Naging lowclass---" hindi natuloy ang sasabihin ni Hanamichi nang may sumipa sa kanya na ikinabante niya.
*BLAAAAG!*
"Aray! Sinong hayop ang sumipa sakin?!" Inis na lumingon si Hanamichi sa may gawa nun.
At doon ay nakita niya si Rukawa na nakatingin ng seryoso sa kanya. "Tama kana, gunggong." Wika ni Rukawa sa kanya.
Hinarap naman siya ni Hanamichi at nakahinga ito ng maluwag nang makita ang kondisyon ni Rukawa na maayos na.
"Akala ko magpapahinga kana, mabuti naman at gusto mo pang lumaban." Ngumisi si Hanamichi.
"Anong akala mo? Gunggong." Sagot ulit ni Rukawa.
Nang maayo na ang lahat ay pumito ang Referee ipang ituloy na ang laban.
Ang bolang inopensa ng Tokyo Team ay hindi natuloy dahil sa nangyaring foul kay Hanamichi. Bagkus ay nabigay ito sa kuponan ng Amerika. Hawak yun ni Micheal.
Bumalik na sa kani-kanilang mga perspective area ang mga players.
"Okay Team! Exact 5 minutes remain. Need nating humabol kundi sila ang mananalo!" Anunsyo ni Micheal sa kanyang mga kasamahan.
"Oo!" Sagot nila.
Dinribol ni Micheal ang bola paalis sa court ng Tokyo Team. Agad naman siyang hinabol ni Maki para babagan pero naging mabilis at matulin ang opensang ginagawa ni Micheal, naunahan niya si Maki. Sa unahan ay nakaabang sina Jin at Fujima para salubongin si Micheal ngunit hindi parin umobra, pareho parin silang nalusutan.
*PAKK!*
Ngunit laking gulat nang lahat nang bigla yung naagaw ni Sendoh mula sa ibaba saka tuluyang nakuha nito ang bola na siyang nagpatayo sa mga manonood.
"Grabe, ang husay nung number 7 ng Tokyo Team.
Ang galing ng Sendoh'ng yun!"
Mabilis na nakabalik sa court ng Tokyo Team si Sendoh, pero bago pa siya tuluyang makapasok ay bigla ding sumulpot sa harapan niya si Sawakita at isang quick interception ang ginawa na ikinabigla ni Sendoh.
*PAKK!*
"Anong---" hinanap ni Sendoh ang bola dahil parehong wala sa kanila.
Ngumisi si Sawakita sa kanya. "Matatalo kayo, tol." Wika nito saka tumakbo paalis.
Nakita na lamang ni Sendoh na ang bola ay hawak na ni Minami at inopensa na ito pabalik ulit sa court ng Washington Team. Nang tuluyang makapasok ay mula pa lamang sa free throw area ay shinoot na nito ang bola.
Sa ilalim ng ring ay nakaabang sina Moroboshi, Rukawa at Hanamichi. Silang tatlo ay nakatutok sa bolang palapit sa ring.
Si Hanamichi sa baba ay kinakalkula ang anggulo ng bola. Kung titigan ay kayang-kaya niya itong abutin.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...