CHAPTER 246: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

486 36 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 246: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa siyam na minuto at dalawampu't-anim na segundo ay muling nadagdagan ang lamang ng Washington Team sa pagpuntos ni Moroboshi. Si Sawakita at Rukawa naman ay may binuo na sariling plano, ang pagpapalit ng opponent player.

Si Maki ang may hawak ng bola at kasalukuyan niya itong dinribol, mabilis ito at matulin kaya agad siyang nakarating muli sa court ng Tokyo Team. Pagkalagpas niya sa center circle ay muli siyang sinalubong ni Moroboshi at ginawa nito ang depensang kaya mang-agaw ng bola. Pero hindi siya hinayaan ni Maki na maisahan at maulit yon.

Isang bihirang foot work at ball handling ang ginawa ni Maki na ikinalito ni Moroboshi at laking gulat na lang nito na hindi na hawak ni Maki ang bola.

"Pigilan niyo si Fujima!"

"Teka--- ano?" Biglang napatingin si Moroboshi nang may sumigaw non. At tunay nga ang kanyang hinala, hawak ni Fujima ang bola. Papaano nangyari na hawak na niya ito?

"Si Maki!" Sigaw ng isang manonood.

Agad binalikan ng atensyon ni Moroboshi si Maki at muli na naman siyang nagulat na wala na sa kanyang kinatatayuan si Maki.

*SHOOT!*

Narinig na lang lamang ni Moroboshi ang malakas na hiyawan ng Tokyo Audience area dahil nakatira ng jumpshot si Maki at malaya sa kanyang depensa. Hindi siya makapaniwala, parang biglang umiba ang kilos ni Maki.

Parang hangin.

Nag-apiran si Maki at Fujima sa kanilang ginawa. "Ayos!"

"Ang galing nun Lolo! Kapitan ka nga talaga!" Masayang wika ni Hanamichi.

Nanatili paring normal at seryoso ang ekspresiyon ni Maki. "Huwag muna kayo maging kampante, lamang parin sila. Kailangan pa nating habulin ang kanilang puntos!" Wika nito sa kanyang mga kasamahan.

"Oo!" Sagot nila. Tatlong puntos pa ang hahabulin nila.

Dinakma naman ni Lucas ang bola na tumalbog sa sahig at walang pasabing sinimulan ang opensa. Pinasa niya ng mabilisan ang bola pagawi kay Minami.

*PASS!*

Pagkasalo ni Minami ay kumilos agad ito, ganun din ang kasamahan nila, si Dominic Lucas ang namumuno sa kanila. Mabilis at matulin ang mga kilos nito, nadali niya rin ang depensa na ginawa ni Hitotsu at Hanamichi.

Napatayo si Mito, "ANG BIBILIS NILA!" Wika niya saka tinignan ang scoring board. Nagtapos na pala ang unang kwarter ng laban at lamang ang Washington Team. Pero para kay Mito, hindi na mahalaga kung aling Team ang magiging lamang sa apat na kwarter. Ang mahalaga ay hindi lalayo ang puntos ng Tokyo Team sa Washington Team.

"Oh Mito, pawis na pawis ka dyan ah?" Tanong ni Yuki sa kanya.

"Wala po 'to, Kuya Yuki. Nag-aalala lang ako sa magiging takbo ng laban. Nakakatakot ang Washington Team." Sagot niya.

"Kung ganun ay napansin mo rin pala." Tanging wika ni Yuki. "Natural lang na magiging lamang sa laban na'to ang kuponan ng Amerika. Mapalad parin tayo dahil hindi nalalayo ang puntos natin sa kanila, hindi tulad ng match nila sa Seoul Team... Nilampaso nila at hindi pinatawad." Seryosong wika muli ni Yuki.

Hindi maiwasan ni Mito ang makaramdam ng kaba. Pakiramdam niya ay kasali siya sa mga naglalaro para pati siya masindak ng ganito.

"Ano kayang mangyayare kapag pinasok na ang Team Captain nila? Medyo mayabang siya, pachill lang." Sakurayashiki

"Ang Ex-Recruited NBA Player na si Micheal Okita? Mukhang mabangis siya." Muzaka

Napukaw ang kanilang mga atensyon pabalik sa court nang marinig nila ang malakas na dakdak mula kay Hanamichi.

"WAG NIYO KONG MALIITIN!" Sigaw nito habang nakahawak ang isang kamay sa ring.

*DUNKKKKKKKKKK!*

"Si Sakuragi!" Yuki

Naghiyawan ulit ang Tokyo Audience Team, may 14 points na sila, isang punto na lang at parehong 15 points na.

Pagkababa ni Hanamichi ay nakatingin siya ng masama kina Sawakita at Lucas.

"Ibang klase din kayo ano? Ikaw Kalbo at ikaw Boy na mukhang tsokolate... Pinaplano niyo pa talagang mang frame sakin para ma foul ako? Pwess, sori kayo! Basang-basa ko na ang aktingan na yan kay Fujiboo!" Lintya ni Hanamichi sa kanila habang tinuro-turo pa.

Parehong napangisi si Lucas at Sawakita.

"Aba ang galing, nabisto mo agad?" Sawakita

"Syempre! Napaka low-class ng aktingan niyo!" Hanamichi

"Iba ka bata." Lucas

"Natural, maputi ako at ikaw maitim!" Lintya muli ni Hanamichi.

Nagtawanan naman ang nakarinig sa bangayan nila pero hindi apektado si Lucas doon. Pagkatapos silang lintyahin ni Hanamichi ay tumakbo na ito paalis para paghandaan ang kanilang depensang gagawin sa Washington Team.

Naiwan naman si Sawakita at Lucas na nakatayo habang nakasunod ang tingin kay Hanamichi.

"Mukha siyang bobo tignan pero... may-isip pala siya." Lucas

"Oo nga." Sang-ayon ni Sawakita.

"Pero mas literal na bobo ka talaga sa academics, Sawakita." Lucas

"Hoy! Atleast hindi sa basketball!" Depensa niya agad.

"Sos, kung hindi ako nag tutor sayo siguradong bagsak ka at hindi kasama sa laro ngayon." Lucas

"Ano ba, nilalantad mo yung mga kalat ko!" Sawakita

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon